ENTRY #09

3.3K 137 15
                                    


ENTRY #09

No Ordinary Man

[JAKE:]

"Jake, ang galing mo naman!

"Pa'no mo 'yon nakuha!?"

"Paturo naman ako!"

Kanina pa rinding-rindi ang tenga ko sa mga kaklase kong ito na walang magawa sa mga buhay nila kung hindi ang guluhin ako. Tss, I mean, ano ba'ng big deal sa pagiging perfect ko sa first quiz namin sa isa naming major subject? Kung nag-review ka naman the last day, hindi ka naman mahihirapan sa quiz na iyon, e. Ewan ko ba sa mga ito at ganito na lang kung maka-react. Actually, wala pa talaga akong masasabing kaibigan dito, although nakakausap ko naman na silang lahat. Part na rin kasi iyon ng promise ko kay Joel na hindi ako lalandi sa iba. Mas mainam kasi na maglagay ka na lang ng boundaries kaysa lumala pa ang lahat. Tss, mahal ko 'yong payatot na 'yon, para isipin pang magloko.

"Ito, o..." Sabay abot sa kanila ng papel ko. "Nandiyan 'yong explanation ng mga sagot ko. Pakibalik na lang sa akin mamaya. Kaina lang ako sa cafeteria," ani ko.

"Hindi ka sasabay sa amin?" tanong naman ni Aldrin, na siyang may hawak ng papel ko.

"Hindi na. Nagugutom na ako, e," pagkukunwari ko.

Isinukbit ko na agad ang bag ko sa aking balikat, saka lumabas na sa room namin. Tss, two hours vacant is crap. Since nagbago ang schedule nina Joel, ako na lang usually mag-isa ang kumakain. Hindi na kasi nagtutugma ang sched namin ni Calvin, since nag-adjust ng oras 'yong isa nilang subject. Tss, as for Joel, hindi rin tugma ang mga vacant namin kaya wala talaga akong choice kung hindi ang kumain mag-isa. Nang makarating sa cafeteria ay agad akong pumila para um-order ng pasta alfredo saka sandwich. Lunch ko na rin ito, since hindi ko trip kumain ng marami ngayon. Tss, kailangan ko yatang bumalik sa paggi-gym, a. Parang tumataba ako, e. Makahanap nga mamayang uwian. Kahit 'yong malapit lang sa apartment namin. Nang mai-serve na ang order ko ay agad akong naghanap ng p'westo. Napili ko 'yong nasa dulo, hindi kalayuan sa trash bin. Mas mainam na ito para walang makapansin sa akin. Agad ko ring sinalpak sa tenga ko 'yong earphone ko para na rin makita nilang wala akong interes na makipag-usap kahit kanino, maliban na lang kung si Joel o ang mga kabarkada namin. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay nabigla ako nang may lumapit sa akin. Agad ko itong nilingon at napaisip ako kaagad kung sino ito. Hindi ko alam kung nagkita na ba kami o hindi, since parang pamilyar nga ang mukha niya.

"Hi!" nakangiti nitong bati sa akin, na kinakunot ng noo ko.

"Bakit?" tipid kong tanong. Agad kong binalik sa pagkain ang paningin ko. Mahirap na at baka makita pa ako ni Joel.

"Mind if I join you?" tila masaya nitong tanong sa akin.

Tss, alam ko na 'to, e. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Marami namang upuan dito sa cafeteria, Miss. Bakit dito pa?" tanong ko naman. Bahala na kung ma-offend siya. Ayaw ko lang mag-entertain ng kung sino.

Saglit ko siyang tiningnan noon, at as expected, tila nabigla ito sa tanong ko. Kapagkuwa'y ngumiti ulit ito. "I know, and hindi naman siguro masama kung maki-share, 'di ba? By the way, hindi mo na ba ako matandaan?"

"Sorry?" tanong ko naman.

"By the way, let me introduce myself again. I'm Chloe Marie Santillan, and nagkakilala na tayo sa corridor last week," nakangiti niyang pagpapakilala.

Pero, kahit na anong apuhap ko sa isip ko ay hindi ko talaga siya matandaan. Either way, wala rin naman akong interes na kilalanin siya dahil may iba akong nasi-sense sa kanya. Ayaw kong maka-offend, pero mas mainam na rin 'yong kahit paminsan-minsan ay ginagawa mo iyon para na rin maiwasan ang misunderstandings.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon