ENTRY #27

3K 104 7
                                    

ENTRY #27

Zambales Escapade (Part 1)

[JOEL:]

"Wala na ba kayong naiwan?" tanong sa amin ni Justin, na busy sa pag-aayos ng mga gamit namin para sa aming Zambales escapade.

Tinutulungan naman siya nina Bryan sa pag-aayos noong mga oras na iyon. Ang bongga talaga nitong trip na 'to. Biruin niyo ba naman, doon daw kami tutuloy sa private suite ng beach resort na pagmamay-ari ng Tito ni Max. Speaking of him, dito na siya natulog kagabi. Actually, silang dalawa ni Kuya Julius. Sinamahan sila nina Justin na matulog sa sala, since crowded na sa boys' room.

"Mukhang wala na," sagot naman sa kanya ni Jake, na siyang huling lumabas sa apartment namin. Siya na rin ang nag-lock ng pinto.

"We're good to go!" tila excited ko namang sambit.

Alas-sais pa lang ng umaga noon, kaya mangilan-ngilan pa lang ang mga tao roon. Good thing at hindi naman sila ganoon kausisero't usisera. Isa-isa kaming nagsisakay sa sasakyan noon. Sa harap ay si Kuya Julius, na siyang nagda-drive, kasama si Gabby. Special request niya, kaya pinagbigyan na namin. Sa likod naman nila ay kami nina Jake, Trixie at Max, na siyang tagaturo ng direksyon. Sa likod naman namin ay sina Justin, Clay at Calvin, habang nasa pinakalikuran naman kasama ng mga bagahe namin sina Bryan at Adrian. Dahil inaantok pa ay kanya-kanya muna kaming tulog. Walang energy ang lahat para makipagkulitan, e. Nag-groufie lang kami kanina bago umalis tapos kanya-kanyang sandal na agad.

Mga bandang 9:30 nang magising ako noon. Nakasandal pala ako sa balikat ni Jake noon, na gising na rin at nakikipagkwentuhan kay Max. Himala yata?

"Mabuti naman at gising ka na," natatawang chika sa akin ni Trixie na nakikipagkulitan pa kay Clay.

"Nasaan na ba tayo?" usisa ko naman.

Si Justin ang sumagot. "Nasa Olongapo na tayo, dong. Medyo malayo pa tayo," aniya.

"Wow, parang ang bagal yata natin?" tanong ko pa. Expected ko kasi nakalagpas na kami rito as of this time.

Sumabat naman si Kuya Julius. "Natrapik kasi tayo sa Bataan saka dito sa Gapo, weekend din kasi saka maraming may planong pumunta sa mga beaches dito."

"Gano'n ba?"

"Gusto mong kumain?" tanong sa akin ni Jake, sabay alok nito ng Pringles can na hawak niya.

Walang sabi-sabi, kinuha ko ito saka tahimik na nilantakan ito. Hindi na kasi kami nag-almusal kanina sa apartment, e. Malamang, gutom na rin ako. Nakisali rin ako noon sa kwentuhan nila Jake at Max. May kanya-kanya rin kasing pinag-uusapan ang mga nasa likod, e. Pinag-uusapan pala nila ang DotA. Pareho pala kasi silang naglalaro no'n.

"Weak niyo naman," tila may pagyayabang kong sambit.

Namangha naman si Max doon. "Wow, naglalaro ka pala?"

Si Jake ang sumagot. "Naglalaro nga iyan. Naku, ako mismo nga natatalo niya, e."

Nagsitawanan naman kaming tatlo roon. Nakisali na rin sa usapan namin noon sina Adrian at Bryan.

"Ba, kailangang magkaroon ng face off niyan pagkabalik natin sa Pampanga!" ano Bryan.

"Game!" halos sabay-sabay naman naming sigaw.

Napagkasunduan tuloy na pagkauwi namin sa San Fernando, maglalaban kaming lima- Ako, Jake, Adrian, Max, Bryan—ng DotA. Wala namang monetary deal sa laro namin, parang bonding lang naman siya.

"Kayo talaga," napapailing na kumento ni Justin.

"Hindi ka kasi naglalaro, dong. How sad," pang-aalaska ko naman sa kanya.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon