A/N: Short update lang muna tayo ngayon. Comment down below for your reactions sa chapter na ito. Enjoy reading!
-shnmtc
____________________
ENTRY #24
Trust Issues
[JAKE:]
Halos mapatulala ako nang tawagin ang pangalan ko bilang panalo sa pageant. Siyempre, nabigla ako nang tawagin si Justin as First Runner Up, although mukhang satisfied naman siya sa resulta. On the other side, kasama kong nanalo noon si Chloe, na mukhang masaya sa naging resulta. Tss, p'wede bang iba na lang ang nanalo? As much as possible, umiiwas ako sa kanya. Bukod sa ayaw ni Joel sa kanya, sinaktan pa niya ito. Masakit sa akin na nakikita kong nahihirapan si Joel dahil dito.
Todo-ngiti ito sa akin nang pumunta ako sa harapan—sa tabi niya. Oo nga pala, kami pala ang magpapasimula ng sayawan sa party na ito. Tss. Bahala na. Aalis din ako kaagad kapag naghudyat na ang emcee. Gusto ko pa namang maging first dance si Joel.
"Shall we?" tanong nito sa akin.
Tumango na lamang ako rito. Labag nga kasi sa kalooban ko. Tss.
Akma ko na siyang hahawakan sa baywang noon nang bigla niya akong halikan sa labi noon. Nanlaki ang mga mata ko noon sa ginawa niya—dahilan para hindi ako kaagad makapag-react sa nangyari. Ilang saglit pa'y rinig na rinig ko na ang tila nakakabinging hiyawan ng mga estudyante na nakasaksi sa ginawa niyang iyon—dahilan para maalala kong isa pala sa kanila si Joel. Shit! Naloko na! Hindi ko na hinintay pang simulan namin ang sayaw dahil ako na mismo ang nag-walk out. Narinig ko pa noon ang pagtawag sa akin ng emcee, ngunit wala na akong pakialam pa roon. Tang ina! Kailangan kong makita kaagad si Joel dahil 100% sure akong nasaksihan niya iyon. Naabutan ko pa noon si Max na masama ang tingin sa akin.
"Ayusin mo 'yan, Jake," makahulugan niyang sambit sa akin, habang itinuturo kung saan pumunta si Joel.
Tumango na lamang ako noon sa kanya bilang pasasalamat, saka tinakbo ang direksyong itinuro niya. Palinga-linga ako noon sa paligid dahil tila walang bakas niya roon.
"Jake." Napalingon ako noon sa nagsalita—si Justin. Kasama na niya ngayon ang barkada.
"Nakita mo na ba si Joel?" tanong pa niya.
Hindi ako mapakali noong mga oras na iyon. Labis-labis ang pag-aalala na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, sa totoo lang. Tang ina! Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko't hindi ko inasahan ang gagawing iyon ni Chloe? Wala sa sariling umiling ako. Kasabay na halos niyon ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. By thinking those things, I can't help but overthink—for a worst. Shit, huwag naman sana. Hindi ko makakaya kung mawala sa akin si Joel.
"Nakita namin ang mga pangyayari, Jake. Huwag kang mag-alala," ani Gabby.
"Oo nga, tutulungan ka naming ipaliwanag kay Joel ang lahat," ani naman ni Bryan.
Inakbayan naman ako ni Justin. "Tara na't hanapin na natin si Joel."
Nagsitanguan naman kami saka naglakad na para hanapin si Joel. Sa kalagitnaan ng paghahanap namin ay biglang pumasok sa isipan ko na sa likod pala ng venue ay mayroong green fields. Sa pagkakataong ito ay magbabaka-sakali ako kung nandoon nga ang hinahanap ko.
"Teka, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Trixie.
Saglit ko silang hinarap. "Bumalik na kayo roon. Mukhang alam ko na kung nasaan si Joel."
"Pare, sigurado ka bang okay lang?" paniniguro pa ni Adrian.
Tumango naman ako. "Ako pa."
Dali-dali ako noong tumungo sa fields. Sana lang talaga ay tama ang kutob ko. Sa totoo lang, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Tila sasabog na iyon, e. Kailangan ko talagang makausap si Joel, or else, baka makagawa siya ng desisyon na pagsisisihan namin sa huli. Napa-yes naman ako nang maabutan ko siya sa isa sa mga bleachers doon na umiiyak. Shit, makita ko lang siyang ganyan ka-devastated, sobrang nadudurog ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...