ENTRY #42

2.2K 94 19
                                    

ENTRY #42

Moving On?

[JOEL:]

What. The. Heck?

Ano'ng ginagawa nito dito? I mean, hindi sa wala siyang karapatang pumunta rito sa lugar namin, pero kasi, of all the situation, bakit ngayon pa? Nakakaloka naman! Isa pa, paano nito nalaman ang address namin?

"Hey, Chris!" biglang bati ni Calvin dito. "Naparito ka?"

Agad namang lumapit ang kapatid ko rito para makipag-shake hands. E 'di sila na ang close. Tch.

"Actually, mayroon kaming kamag-anak sa 'di kalayuan, e sakto at nakita ko kayong dalawa kaya kinapalan ko na ang mukha kong lapitan kayo," paliwanag naman nito.

In fairness sa lalaking 'to, ha. Kung ano ang hitsura niya sa Facebook, iyon din ang hitsura niya in person. I mean, uso kasi ngayon 'yong mga sobra kung mag-filter sa mga selfies nila, e. 'Yong iba nga, akala mo, ibinudbod ang pagmumukha sa harina. Okay, back to the topic.

"Ba't naparito ka?" naiinis kong tanong dito.

Napangisi naman siya. "Bro, mukhang lutang yata 'tong kapatid mo, e."

Natawa naman sila pareho. "Hayaan mo na. Mukhang nagwapuhan sa'yo."

"Hoy! Ang kapal ninyong dalawa!" bigla kong bulyaw sa kanila, na lalo pa nilang kinatawa.

"Maiwan ko muna kayong dalawa rito. Kanina pa ako ihing-ihi, e," paalam naman bigla ni Calvin sa amin.

Akma ko sana siyang pipigilan nang nagmadali na 'tong pumasok sa loob. Ako? Heto, naiwan kasama ng ugok na 'to,

"So..." pagtawag nito sa atensyon ko.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Huwag tayo rito. Baka makita ka pa ni Papa. Mahirap na. Doon na lang tayo sa park."

"Okay, sabi mo, e."

Nagkibit-balikat lang ito, saka sumunod sa akin. Sa totoo lang, naa-awkward ako sa atmosphere ngayon. Paano ba naman, hindi pa nga ako nakakapag-move on sa kupal na Jake na 'yon, mayroon na namang sumusunod. Supposedly, dapat matuwa nga ako kasi may nakaka-appreciate sa akin, e. Pero hindi naman ganoon kadali 'yon, ano. Hindi naman parang kisapmata ang pag-ibig. Ano 'yon? Instant? Walang gano'n pagdating sa love. Period. Isa pa, hindi ko pa kilala ang isang ito, and on the brighter note, magandang opportunity na rin ito para magkaliwanagan na kung ano ba talaga ang purpose nitong Chris Matthews na 'to sa akin. Since hindi naman kalayuan ang parke sa bahay ay agad kaming nakarating dito. In fact, tanaw naman dito ang bahay kaya aware pa rin ako kung hinahanap nila ako or what. Naupo kaming dalawa sa isa sa mga benches na nandoon. Ako na ang nag-initiate ng conversation.

"Ano ba talaga ang pakay mo sa akin?" deretsahang tanong ko rito.

Napatingin naman ito sa akin, saka ngumisi. "Wala yata sa kalooban mo ang pakikipag-chat sa akin noong mga nakaraang araw, e."

"Well...hindi ko naman ina-absorb 'yong mga sinasabi mo," sagot ko naman dito.

Natawa naman siya. "Hay, as expected. Pero para sa convenience mo ay tatapatin na kita."

Bahagya naman akong nabigla roon. Tatapatin?

"O, ano na namang alam mo?" hamon ko sa kanya.

"Gusto kita, at matagal na kitang napapansin sa campus. Iyon nga lang ay mayroon kang boyfriend noon kaya pinili ko na lamang na iwaksi ang feeling na 'to para sa'yo. Nagkataon naman na nakarating sa akin ang breakup ninyo ng ex mo. This time, gumawa na ako ng steps ko. Nagkataon ding kilala ko si Calvin kaya hiningi ko ang permisyon niya na ligawan ka, na siya namang pinayagan. Masama na bang umasa na kahit papaano ay mapansin mo rin ako?" seryoso niyang pahayag sa akin.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon