A/N: Extra Chapter lang po ito. Wala lang, natripan ko lang. HAHAHAHA. Dedicated itong chapter na 'to sa lahat ng walang sawang sumusubaybay kina Jake at Joel. Thank you, guys!
Enjoy reading! Also, don't forget to comment down below for your reaction/s!
-shnmtc
_________________________
ENTRY #26
Tonight
[JOEL:]
"Ano ba'ng nangyari sa inyo kanina? Kalat na kalat sa campus 'yong nangyari?" usisa sa amin nina Justin habang nasa hapag kami.
So far, nakapagluto naman kami ni Gabby ng matinong ulam—which is tinolang manok + fried rice. Good thing at nandito rin si Max kaya kahit papaano ay nakapagluto kami ng maayos. Well, hati rin kasi ang focus ko kanina since medyo traumatized nga kay Gabby ang nangyari. Mabuti nga at okay na siya ngayon, e. Kinausap daw silang apat ni Dr. Juico para na rin maayos ang lahat ng problema nila sa isa't isa. Reconcilliation ba.
"Oo nga, saka paano naman kayo nadamay doon?" dagdag pa ni Trixie.
Hinayaan ko namang magpaliwanag si Gabby. Although wala naman siyang kasalanan talaga sa nangyari, pinaalalahanan naman siya nina Justin na umiwas muna sa eskandalo. Good thing din at hindi na rin papasok si Chloe sa susunod na semester. At iyong dalawang iguanang alalay niya dati? Nagpasya ring lumipat ng ibang school. Reputasyon ba naman nila ang at stake, e. Well, kasalanan din nila iyon. Naipon lang ang lahat ng mga wrongdoings nila, kaya iyon ang nangyari. Matapos kumain ay balik-review ulit ang mga kasama namin. May mga exams pa raw sila hanggang sa Biyernes, e. Nasabi rin sa kanila ni Max ang swimming sa Sabado at lahat naman ay natuwa. Nag-volunteer pa raw si Kuya Julius na dadalhin ang van nila para may transportation kami, ayon kay Justin. Tinawagan niya raw ito.
"Paano, mauna na ako. Nasa bahay na raw si Papa, e," paalam sa amin ni Max.
Tumango naman kami ni Gabby sa kanya, since kami lang ang hindi busy noon. Nang makaalis ito ay binulong sa akin ng babaitang ito na kanina pa raw masama ang tingin sa akin ni Jake. Kahit hindi naman niya sabihin, kanina ko pa pansin. Iyang kupal na 'yan? Hay naku, seloso masyado. Tch. Akala naman niya, pinagpapalit ko na siya. Agad naman naming nilapitan ang mga ito.
"'Yang mata mo," asar ko kay Jake na bumalik na rin sa pag-ri-review.
"Tss, huwag mang-istorbo, nag-aaral ako," pakipot na tugon naman nito. Sungit talaga ever!
Hindi ko naman siya pinansin noon at inilingkis ko pa ang kamay ko sa braso niya. Napailing na lamang siya noon, ngunit hindi naman niya ako pinagbawalan. See? Pakipot lang itong kupal na 'to, e. Nagpaalam na rin noon si Gabby na matutulog na raw, na siya naman naming tinanguan. Kanya-kanyang review pa rin itong mga 'to. Wala man lang natinag.
"Mauna na ako sa kwarto, ha?" paalam ko sa kanila noong nakaramdam na ako ng antok.
Hinalikan ko naman si Jake sa noo noon. "Good luck sa pag-aaral."
"Thank you. Sleep well," mahinahon naman niyang sambit.
Papasok na sana ako noon sa kwarto nang magsalita siyang muli. "Love you."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...