ENTRY #10

3.7K 121 20
                                    

ENTRY #10

Invitation

[JOEL:]

"Makakauwi ba kayo ng maaga bukas, Joel?" seryosong tanong aa akin ni Papa over the phone. Bihira lang ito eksenang ganito sa pagitan namin ni Papa.

Saglit akong nag-isip. "Opo. By 1 PM naman po natatapos ang laat subject namin. Bakit po?"

"Good, susunduin namin kayo sa apartment ninyo," aniya.

Actually, nabibigla pa rin ko tuwing tumatawag si Papa sa akin. Paano kasi, kahit naman na okay na kami, parang mayroon pa ring naiwang awkwardness sa aming dalawa. Hindi ko lang alam kung ako lang ito. Pero, ano kayang mayroon bukas? It must be important.

"Ano po palang mayroong bukas?" tanong ko. Hindi ko maiwasang hindi magtaka, e.

"May party tayong pupuntahan," sagot naman niya sa kabilang linya.

Party na naman. Sigh. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan, e. Isa pa, parang na-trauma na rin ako sa mga pangyayari sa nakaraan---dahilan para ako na lang mismo ang umiwas. Alam kong magagalit si Papa kung sasabihin kong hindi ako sasama, pero ayaw ko rin namang makipag-socialize sa mga taong hindi ko naman kakilala. Isa pa, parang may balat na yata ako sa pwet kapag mga ganyang echusan. Nakakakaba lang.

"P-Per---" Tatanggi pa lang sana ako, pero mukhang natunugan na yata ni Papa kaya inunahan na niya ako.

"No more buts. Susunduin kayo ni Calvin namin kaya iimpake mo na ang mga iuuwi mong gamit mamaya para hindi tayo matagalan," pagdi-dismiss niya sa dapat sana'y pag-a-alibi ko.

Napasang-ayon na lamang ako ng wala sa oras noon. Sinabi rin nito na i-remind ko ulit si Calvin, since same sched lang daw kami sa Sabado. Saktong pagka-end naman ng tawag ng makita ko ang stepbrother ko sa hindi kalayuan at tila hindi maipinta ang mukha. Hm, mukhang tinawagan na rin siya ni Papa. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Oy," pauna ko, sabay tapik sa balikat niya.

Tila nabigla pa ito sa presensya ko. Teka, bakit naman ang gloomy ng aura nito? Panigurado, ayaw din nitong sumama sa sinasabi ni Papa. Kami kasi talaga ang magkasundo sa mga ganito, e. Pinasadahan lang niya ako ng tingin, saka binalik ulit ang tingin sa malayo.

"Tinawagan ka na ba ni Papa?" pagkukumpirma ko muna.

Agad akong naupo sa may tabi niya. Saglit kong in-scan ang phone ko noon, since ni-text ko na si Jake regarding to that matter. Unfortunately, wala pa siyang response. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi naman iyon makakahindi since si Papa nga ang nagyaya. Takot lang no'n doon. I just don't know kung may date ba kami sa weekends. Anyways, p'wede namang i-move iyon.

Tumango naman ito. "And sad to say, we'll be having a date to be scheduled that day. Ugh."

Tumango tango naman ako. Nahihirapan siguro itong ipa-cancel o ipa-resched ang date nila ni Ciara. Tinapik ko siya noon para makisimpatya.

"Tell her the real reason. I think, hindi naman gano'n ka-insensitive si Cia para hindi niya maunawaan. Just explain to her, bro," nasabi ko na lang.

Hindi man lang nito nagawang sumagot sa akin. Paano, bigla na lang naglakad papunta sa canteen. Napailing na lamang ako saka naglakad na pabalik sa room namin. Sakto at nasalubong ko noon si Gabby na mukhang galing sa CR.

"Kaloka ka, saan ka nanggaling?" usisa naman nito sa akin.

"Sa canteen?"

"Kanina, pumunta si Jake sa room natin. Hinahanap ka," aniya.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon