Amber's POV
Bakit sila pa, ang rami raming tao sa mundo na pwede makasama sila pa. Bakit pamilya pa nila.
"Hi Amber." Sabi ni Luke, "Hi." Sabi ko naman tapos umirap. Lumapit siya sakin. I swear to god paglumapit pa siya nang isang hagbang pa masasampal ko siya. "Bakit parang ang sungit mo sakin ngayon?" Bulong niya sa tenga ko.
Shet! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Lord kunin niyo na ako, parang awa niyo na. Hindi ko kakayanin toh. "Kuya tigilan mo nga yan, lahat nalang nilandi mo." Sabi nung kapatid niya.
"Bakit naiingit ka? Ayan oh si Lucas yung madalas mong kachat." Sabi niya. "Anong pangalan ng kapatid mo?" Tanong ko sakanya, at least malayo na mukha niya sa mukha ko.
"Ah, Si Daisy." Sabi naman niya. Ah so siya pa LA yung babaeng palaging kachat ng kapatid ko. Maganda naman eh, nagmana sa kuya. JOKE.
"Upo na kayo, Amber." Sabi ni mommy. "Upo na raw." Sabi ko naman kay Luke Tumango nalang siya. Umupo na ako. Tapos si Luke, being the playboy that he is tumabi sakin.
"Masarap ba yung luto ng mommy mo?" Tanong niya, "Oo masarap naman, mommy ko pa." Sabi ko naman. "Sinong magaalay ng dasal?" Tanong nung mommy ni Luke.
"Si Amber nalang." Sabi ni mommy. Ughh... Ayaw Kong naglelead ng prayer eh Wala akong nasasabi. "Ok, Uhm in the name of the father and of the son and of the holy spirit amen." Sabi ko, sumunod naman sila.
Uhm, ano kaya sasabihin ko. Uh... Lagot na. "Panginoon, salamat po sa pagkain na hinain niyo saamin ngayon, sana ipagpatuloy niyo ang pagbigay saamin ng mga biyaya." Sabi ko.
"Amen." Sabi namang lahat. Kumuha naman ako ng kakainin ko. Since nandito siya onti lang kukunin ko. "Nakadiet ka ba ang onti naman ng kakainin mo." Sabi ni Luke.
"Ok na ko, hindi naman ako ganon ka gutom eh." Sabi ko naman, "Kumain ka pa." Sabi niya habang naglagay ng fried chicken sa Plato ko. Favorite ko pa naman yan.
"Alam ko paborito mo yan." Sabi niya.
Wait, paano niya nalaman na paborito ko yung fried chicken? "Paano mo naman nalaman?" Tanong ko. "Uhm- Uh... Tinanong ko kay- Dan, Oo kay Dan." Sabi niya. "Bakit mo naman tinanong?" Tanong ko.
"Uhm, Wala trip lang." Sabi naman niya habang umiiwas ng tingin. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinilig na Alam iyang paborito ko yun.
Patapos na ako kumain ng may itanong sakin yung nanay ni Luke. "Diba single ka pa?" Nagulat naman ako sa tinanong niya. "O-Opo." Sabi ko naman.
"Bakit hindi mo siya ligawan Luke?" Tanong nung mommy ni Luke. Parehas naman kami nagulat at tumigil sa pagkain. "Mommy hindi ako nangliligaw." Sabi naman ni Luke. Totoo naman yung sinasabi niya hindi siya yung nangliligaw yung babae.
"Anyway, Amber may company pala na magiging business partner mg company natin tapos may anak silang lalake." Sabi ni daddy. "Kung matutuloy yung pagiging business partner nang company natin at company nila magaarage kami ng marriage sayo at sa anak nila." Sabi pa ni daddy.
Ok lang naman sakin eh na ganyan kasi Wala naman akong boyfriend Basta matino yung lalake. "Excuse me lang po, nasaan po ba yung CR?" Sabi ni Luke, bakit parang nagagalit siya. Ano kaya nanaman problema neto.
"Sa second floor panglimang kwarto sa kanan." Sabi ni mommy. "Thank you po." Sabi niya tapos tumayo at umakyat na.
Natapos ko narin yung pagkain ko, "Mommy, doon lang ako sa kwarto ko ah." Sabi ko, "Oo sige." Sabi naman ni mommy tapos pinagpatuloy ang pagkikipag usap sa nanay ni Luke.
Pagkaakyat ko nakita ko si Luke, tinitignan yung mga picture namin. "Ang cute mo dito." Sabi niya. Tinignan ko naman. Natawa ako dun sa picture.
Sa picture five palang ako, nakangiti ako tapos nakadress at fairy wings. "Kahit naman ngayon eh, cute ka parin." Sabi niya. Of course, nagblush ako sino ba namang hindi.
Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko cellphone ko galing sa night stand. Binuksan ko cellphone ko.
99+ Unread messages from SKWAD
Nagchat nanaman maghapon tong mga toh, palagi nalang ganyan lalo na pagweekend. Binuksan ko messages ko. At as usual hindi ako magbabackread.
May🔫:
Amber ano na Sino bisita niyoVanessa🌈:
OngaJaime🌵:
Naggaganyan kayo Wala naman kayong kausapMay🔫:
Wala kaming pake walang makakapigil saminVanessa🌈:
OngaJaime🌵:
Eto namang si Vanessa taga onga nalangVanessa🌈:
OngaNatawa naman ako sa chat nila, aino ba namang Hindi.
Amber❤:
😂😂😂😂May🔫:
Sino bisita niyoVanessa🌈:
Oo nga kanina pa kami naghihintayAmber❤:
Magugulat kayo sa sasabihin koAmber❤:
SiJaime🌵:
SinoAmber❤:
Si LUKEMay🔫:
WatJaime🌵:
AnoVanessa🌈:
WhatSabay sabay nilang message, narinig ko namang bumukas yung pintuan ko. Agad naman ako napatingin. Sa kasamaang palad si Luke pa yung pumasok.
Tinignan niya kwarto ko, "Fan?" Sabi niya habang tinuturo mga One Direction posters ko. "Kung pwede nga eh ULTIMATE fan ako." Sabi ko naman. Simula palang naman eh fan na ko.
"Naka punta ka ba nung nagconcert sila dito?" Tanong niya, "Hindi nga eh, kahit man gustuhin ko noon Hindi ako pinayagan ni mommy." Sabi ko. Nakaka panghinayanag nga eh, isang beses lang sa buhay mangyayare yun hindi ko pa nagawa.
"Anyway, Ok na yun." Sabi ko, "Sinong favorite mo?" Tanong niya, "Hindi lang paborito in love ako sakanya, Si Louis William Tomlinson." Sabi ko. Umupo siya sa tabi ko sa kama.
"Maglaro tayo ng game." Sabi niya, "Anong laro?" Tanong ko, "Magtatanong tayo sa isa't isa tapos sasagutin natin, kunyare nagtanong ako kung anong favorite color mo sasagutin mo tapos sasagutin ko rin." Sabi niya.
"Ah, Ok sige." Sabi ko, "Ako muna magtatanong." Sabi niya. "Sinong pabirito mong basketball player?" Tanong niya, "Ay, Wala anong alam dyan." Sabi ko naman.
"Ako si Kyrie Irving." Sabi niya. "Ikaw naman nagtanong." Sabi pa niya. "Uhm, anong paborito mong pagkain?" Tanong ko, "Ham." Sabi niya. "Ham talaga." Sabi ko. "Wala kang magagawa, paborito ko yun eh."
Sabi naman niya."Yung akin alam mo na, pero meron pa akong isa pa adobo." Sabi ko, "Ahh, Ako naman." Sabi ni Luke.
"Papayag ka bang liligawan kita?"
***
Sorry hindi ako nakapagupdate kahapon, masakit kasi ulo ko.
Mangliligaw si Luke Kay Amber? Hala? Anong isasagot ni Amber papayag ba siya o aayaw?
Thanks for reading pagpatuloy niyo lang, comment nga Mali ko wrong grammar etc.
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Teen FictionAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...