Chapter 22: Reunion

62 4 0
                                    

Bryce's POV

Nandito ako ngayon nakatayo sa harap ng bahay na matagal ko ng Hindi nakikita. Yung bahay na kinalakihan ko. Nung tumingin ako doon sa may damohan natandaan ko nung naglalaro kami ni ate.

'Taya!' Sabi ni ate, 'palagi naman akong taya eh, Mas matanda ka kasi sakin.' Sabi ko, "Heh! Bilis na ang duwag eh.'

Napangiti naman ako sa mga naaalala ko, kumatok ako sa pintuan. Bumukas naman kagad ito. Sumalubong sakin si ate. Bigla naman siyang umiyak tapos niyakap ako.

"Kamusta ka na ate?" Tanong ko, "Bakit ka nandito? Ang tagal ka naming hinanap? San ka nagpunta?" Tanong niya. Parang bigla naman akong nanigas nung sinabi niya yun.

Natandaan ko ulit yung napagusapan namin nung anak ng pamilyang kumupkop sakin, yung pamilya ni Catherine.

Flashback

"May papagawa ako sayo." Sabi niya, "Ano yun." Sabi ko naman. "May papaturuan ako sayo ng leksyon." Sabi niya. Simula nung kupkupin ako ng pamilya nila Catherine tinuruan nila akong lumaban.

Simula noon, ako yung bumubugbog sa mga kalaban o kaaway nila. "Sino naman siya?" Tanong ko, "Si Amber, Amber Reyes." Sabi niya. Bigla naman naglaki mata ko. "A-Amb-ber R-Rey-ye-es?" Pagpuputolputol kong Tanong. "Oo."

Bigla naman bumalik sakin yung mga panahon na kasama ko pa ate ko, yung mga araw na naglalaro kami, yung mga panahon nagtatawanan kami, yung mga regalia na binigay niya sakin tuwing birthday ko.

"Ma'am Hindi ko po kaya." Sabi ko, "Ha?!" Sigaw niya. "Fine, kailangan paguwi ko Wala ka na dyan sa bahay, papapalitan kita kila mommy." Sabi niya tapos lumayo na.

"Ate, pwede ba kita kausapin? Magisa?" Sabi ko, "Oo naman." Sabi ni Ate. Tumingin ako Kay Gwen tapos pinapasok siya. Girlfriend ko si Gwen, kakacelebrate lang namin ng first anniversary namin. "Girlfriend mo siya? Ang ganda niya ah." Sabi ni Ate.

Nginitian naman siya ni Gwen. Tapos hinila ko naman si ate papunta sa may kusina.

***
Amber's POV

"Si mommy?" Tanong ni Bryce. Hindi parin ako talaga makapaniwala na umuwi si Bryce. "Namili siya, ano yung sasabihin mo?" Tanong ko, "Ate, magiingat ka sa labas, may nagpapapatay sayo." Sabi niya.

Nanglaki naman mata ko, may nagpapapatay sakin? Sino naman nagpapapatay sakin? "Sino naman? Eh Wala naman akong kilala na kinakalaban talaga ako except si Tracey." Sabi ko.

"Hindi siya yun, kilala ka niya." Sabi ni Bryce, "Paano mo naman nalaman na may gustong pumatay sakin?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim. "Kasi..." Pagsisimula niya.

"Nung una ako yung inutusan niya na magtapos sayo." Sabi niya, nanglaki naman mata ko tapos napalayo ako sakanya. Bigla akong natakot nung sinabi niya yun. "Hindi, pero umayaw naman ako, nung nalaman ko na ikaw." Sabi niya. Napahinga naman ako ng malalim tapos lumapit na ulit sakanya.

"Sino ba yung nagpapapatay sakin?" Tanong ko, "Si—" Naputol naman yung sinabi niya nung narinig ko bumukas yung pintuan at tinawag ako ni Mommy. "Amber! Halika tulungan mo ako mag—" Si Mommy naman naputol ngayon nung nakita niya si Bryce.

Nabitawan niya yung mga hawak niya  na bag tapos tumakbo papunta Kay Bryce tapos niyakap siya. Umiyak naman si mommy. Mga ilang minuto sila nakayakap bago bumitaw si mommy. "Bakit ngayon ka lang ha? May kumuha ba sayo? Sinaktan ka ba? Maayos ba yung naging buhay mo? Sorry, sorry talaga, hindi ka namin nahanap..." Derederetsong sabi ni mommy.

"Ma, ma..." Pagpapakalma ni Bryce Kay mommy na umiiyak, pinunasan niya yung mga luha na tumutulo sa mga pisngi ni mommy. "Ok lang ako, mamaya ko na ikwekwento pagnandito na si daddy, sa ngayon pwede ba na kausapin ko muna si ate." Sabi ni Bryce. "Sige, magusap muna kayo matagal tagal narinig Hindi kayo naguusap eh." Sabi ni mommy.

Tumango naman siya, lumabas na kami ng kusina tapos umakyat at pumunta sa kwarto ko. Pumasok na kami tapos sinarado niya yung pintuan. "Ate, ito lang sinasabu ko ah, magiingat ka pag nasa labas ka, kung pwede isama mo ako." Sabi ni Bryce.

"Sino nga ba yung gustong pumatay sakin?" Tanong ko, "Si—" Naputol nanaman siya nung biglang bumukas pintuan ko. Nakakainis naman oh, Hindi na natuloytuloy yung sinasabi ng kapatid ko. Nakita ko naman na si Martie yung bumukas.

"Martie, kanina pa kita hinihintay." Sabi ko habang tumatayo tapos lumapit sakanya at hinalikan yung pisngi niya. "Boyfriend mo?" Tanong ni Bryce. "Oo, Martie si Bryce, Bryce si Martie." Pagpapakilala ko.

Nagkamay lang sila tapos naglayo na. "Ano to formal meeting, anyway, Bryce aalis kami ni Martie, First weeksary namin eh." Sabi ko, mukha naman siyang kinabahan. "Sasama ako." Sabi ni Bryce.

"Ha?!" Sigaw ko, bumulong naman sakin si Martie. "Bakit gusto niya sumama? Anong problema niya?" Tanong niya. Hinila ko naman siya papunta doon sa may sulok.

"May nagpapapatay raw sakin, sabi niya, kaya dapat raw magingat ako, may kilala ka ba na galit sakin at na gusto akong patayin?" Tanong ko, "Si Tracey lang, pero imposible naman yun kasi Wala sa pamilya nila yung mangpatay." Sabi ni Martie. "Kaya nga eh, sino kaya yun." Sabi ko.

"Alam niyong naririnig ko kayo diba." Sabi ni Bryce. Lumayo naman kami doon sa may sulok, "Sige sasama ka." Sabi ni Martie, "Ok good, saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Bryce. "Sa Carnival, yung dati nating pinupuntahan nung bata pa tayo." Sabi ko.

"Ah, sige halika na, Baka humaba pa pila doon sa mga rides." Sabi ni Bryce. "Oo nga." Pangsasangayon naman ni Martie. Lumabas na kami ng kwarto ko tapos bumaba na.

Pagkababa namin nagpaalam muna kami Kay mommy tapos lumabas na ng bahay. Sumakay na kami sa kotse, doon ulit ako kay Martie sumakay. Maya-maya umalis na rin kami.

***
Catherine's POV

"Oh, ano nang balita?"

"Ok na po ma'am, aalis po sila tatawagan namin kayo pagnagawa na namin yung plano ma'am."

"Sige Siguraduhin mo lang namabibigay mo sakin yan si Amber ng buhay gusto ko makita yung paghihirap niya."

"Opo ma'am."

"Sama mo na rin si Bryce."

"Opo sige po."

Ha! ngayon ikaw naman maghihirap Amber. Pagbabayaran mo naninagaw mo sakin si Luke.

***
Heyy! Sorry Hindi na ako nakakapagupdate dapat kahapon ako maguupdate eh kaso umalis kami nagcelebrate ng Mother's day.

Kaya ngayon nalang ulit. Salamat pala sa 550+ reads! Malaking bahay na to sakin! Keep reading! Keep voting! Keep commenting!

Sorry sa typos! Sa wrong grammar etcetera etcetera! Mahal na mahal ko kayo mga loyal readers!

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon