Chapter 9: Oh No

82 4 5
                                    

Amber's POV

"She has..." Sabi ni Dr. Rodriguez, lahat naman kami napalapit kay Dr. Rodriguez. "Early signs of Brain tumor." Sabi niya. Napasandal si daddy sa upuan niya, tapos tumingin sa kawalan.

"Magagamot pa ba siya?" Tanong ni mommy, "Uhm, yes but our equipment are in the UK." Sabi ni Dr. Rodriguez. "But for now I would suggest you to avoid too emotional states." Sabi niya, "Ano po ibig sabihin non?" Tanong ko.

"Ibig sabihin non, lumayo ka muna sa mga masyadong emotional napangyayari o masyadong madamdamin na pangyayari." Sagot naman niya. "Paghindi anong mangyayare?" Tanong ni mommy, si daddy nakatingin parin sa kawalan.

"Maari siyang magcollapse at maging unconscious at maari rin siya mamatay." Sabi niya. Si Daddy tumayo tapos lumabas. "Kakausapin ko lang daddy mo." Sabi ni mommy, Tumango naman ako.

"Anong nangyare sa daddy mo?" Tanong ni Dr. Rodriguez. "5 years ago kasi nawala yung isa Kong kapatid hanggang ngayon Hindi pa namin siya nakikita, Simula non maalaga na si daddy saming magkakapatid." Pagpapaliwanag ko.

"Alam mo, ako rin may anak ako." Sabi ni Dr. Rodriguez. "Namatay siya dahil sa cancer tapos 7 palang siya nun. Kaya nung namatay siya naisipan kong magdoctor kasi ayoko madanas ng ibang magulang yung sakit na mawalan ng anak." Sabi ni Dr. Rodriguez.

Bigla naman pumasok si mommy at si daddy. "Doctor salamat po, babalik nalang po kami Tara na Amber." Sabi ni mommy. Tumango naman ako tapos kumaway kay Dr. Rodriguez at umalis na kami.

"Paggraduate mo aalis tayo pupunta tayo ng UK." Sabi ni daddy nung palabas na kami ng hospital. "Paano yung pagaaral ni Lucas?" Tanong ko, "Doon na kayo magtatapos kung kinakailangan." Sabi ni daddy.

Paano na to, meron nalang akong 2 months sa pinas. Tama nga sila May. Kailangan ko na nga magpakalayo layo Kay Luke. Kung hindi maari pa akong mamatay.

***

Papunta na kami ng school Para sunduin si Lucas. At kakausapin raw ni mommy at daddy yung adviser ko at yung principal namin.

Nagmessage ako dun sa group chat namin.

Amber😢:
Pupunta kami ng school mamaya kita tayo sa tambayan may kailangan ako sabihin

Seen by May🔫, Jaime🌵, Vanessa🌈

Tapos pinatay ko na cellphone ko. Maya-maya nakarating natin kami sa school. Bumaba na kami tapos pumunta sa school. "Mommy, makikipagkita lang ako kila May ah." Sabi ko, "Oo basta magingat ka." Sabi ni mommy.

"At lumayo ka dun sa Luke na yun, kasi pagako nakakita nun uuwing  may black eye." Sabi ni daddy. Natawa nalang ako tapos Tumango at pumunta sa 'tambayan' namin.

Habang papunta dun may nakasalubong akong witch. "Well, well, well look who's here." Sabi ni Tracey. "May araw ba na hindi ka nagsabi ng 'Well, well, well'." Sabi ko naman.

"Did you cry when you saw me and Luke?" Tanong niya habang nakapout, Ang pangit niya manginis. "Nah, you think I'll cry because of two people kissing obnoxiously loud." Sabi ko, "It wasn't obnoxiously loud, it was sweet and you were jealous." Sabi niya, well f*ck her.

"Sige nga spell obnoxious." Sabi ko, mukha naman siyang kinabahan.
"O-b-n-o-c-s-i-o-u-s." Sabi niya mukha pa siyang proud. Kapal talaga. "Tignan mo na, bago ka kasi lumandi alamin mo muna kung paano magspell." Sabi ko tapos naglakad na paalis.

"Ugh!" Sigaw niya habang nagdadabog paalis. Natawa naman ako, Tama lang sakanya yun. Landi ng landi hindi naman Alam spelling ng obnoxious.

Pumunta na ako sa tambayan namin, nandoon na si May, Jaime, at Vanessa. "Anong nangyare sayo? sabi ni tita pumunta raw sa bahay niyo si Luke." Sabi ni Jaime. "Oo, pero sinabi na ni mommy sa mommy ni Luke na layuan na ako." Sabi ko naman.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon