Third Person's View
Nandoon siya sa harap ng bahay nila. Tinignan niya uli yung kahon na hawak niya. 'malalaman niya kaya kung sino ako?' Sabi niya sa sarili.
Huminga nalang siya ng malalim tapos iniwan yung kahon sa gate nila. Tatlo na yung naibibigay niya. Alam niya ma gusto ni Amber lahat ng ibinigay niya.
Kilala niya si Amber. Mahal niya si Amber. Hindi man niya kaya ipakita sakanya pero secretly mahal niya si Amber.
Umuwi na siya. Ayaw niya naman malate sa pinaka mahalagang araw ng buhay niya at ni Amber diba?
***
Amber's POVBumangon na ako sa kama ko nung marinig ko alarm ko. Bigla naman ako nabuhayan nung matandaan ko na Graduation na ngayon.
Tumayo kagad ako at naligo na. Pagkatapos ko maligo at magtoothbrush agad ko naman inihanda yung mga susuotin ko. Nagbihis muna ako ng pangbahay since alam ko na aayusan pa ako ni mommy.
"Anak! Halika na dito, para makakain ka na bago kita ayusan." Sabi ni Mommy. Agad naman ako lumabas ng kwarto ko at bumaba na.
"Good morning!" Masaya kong sabi sakanila pagbaba ko. "Yes naman, Ang saya ni ate oh. Gragraduate na kasi siya." Sabi ni Bryce. "Syempre, Matapos banaman ang ilang taon na pagaaral matutuwa ka talaga paggragraduate ka na." Sabi ko.
Ngumiti naman sila. "Oh ano pa hinihintay natin kumain na tayo. Baka malate pa tayo niyan." Sabi ni Mommy. Agad naman kami umupo at kumain na.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat si Mommy para kunin ang make-up kit niya. Lumabas naman si Lucas para ipasyal si Max.
Nalulungkot nga ako eh, madalas ko nang hindi nalalaro si Max. Pero ang wish ko lang talaga ay isama siya papunta sa UK.
Bigla naman bumalik si Lucas. "Oh? Akala ko ba ipapasyal mo si Max?" Sabi ko. "Oo pero may nakita akong kahon sa may Gate eh." Sabi niya.
Nagulat naman ako. Ilang araw na nakalipas nung huling may natanggap ako na Box eh.
Nilapitan ko naman si Lucas at kinuha yung box sakanya. "Geh ate, ipapasyal ko na si Max." Tumango naman ako.
Binuksan ko yung box at maynakita akong ball pen. At as expected may note rin.
'I want to write you a song... One to make your heart remember me...'
Ngayon naman sa kanta ulit ng One Direction na 'I Want To Write You A Song'.
Hindi ko parin maisip kung sino yung nagbibigay saakin ng mga ganto. It's like parang may matagal na nagmamahal saakin.
Hindi yan. Kung ano ano lang iniisip ko. Iniwan ko muna yung kahon sa coffee table namin habang hinihintau ko si Mommy na bumaba.
*MATAPOS ANG PAGMAJE UP AT PAGAYOS*
[Skinip na ni author yun kasi tamad siya]"Mommy! Bilisan mo na. Anong oras na malalate na tayo." Sigaw ko kay Mommy na nagaayos pa sa kwarto niya. "1:30 na, ang aga mo ako inayusan tapos ang tagal mo naman diyan." Sabi ko pa.
"Ate iba na talaga ngayon noh. Yung anak na yung naghihintay at nagmamadali." Sabi ni Lucas. "Kaya nga eh, Hayaan mo na." Sabi ko.
Bumaba naman na si Bryce na nakalong sleeve at nakagel ang buhok. "Yes naman oh, si Kapatid kong unggoy. Onti nalang hindi na mukhang unggoy pero unggoy parin." Sabi ko habang tumatawa.
"Ha-ha. Ang Ganda mo rin ate ah." Sabi niya tapos umirap. "Uy Joke lang naman eh. Pero once in a blue moon lang yung maayos itsura mo." Pangiinis ko pa.
Bumaba naman na si Mommy. Finally. "Oh? Kanina pa kayo sigaw ng sigaw eh. Mamaya pa naman 3 yung umpisa ng program. Ano na? halika na." Sabi niya pagkababa niya. Inayos na namin yung dadalhin namin.
Palabas na kami ng pintuan nung bigla magsalita si Mommy. "Ay! Sandali! Magpapalit lang ako sapatos."
Sigaw niya. "Aish! Mommy anong oras na." Sabi ko naman."Mabilis lang ako." Sabi naman ni Mommy. "Bilisan mo ah." Sabi ko naman.
***
Third Person's ViewAgad naman pumunta si Mrs. Reyes sa may telepono nila. Agad naman niya
dinail yung number nung gusto niya matawagan."Hello? Martie? Paalis na kami." Sabi niya.
"Opo, paalis na rin po kami." Sabi naman ni Martie.
"Bilisan niyo, gusto ko masaya ang anak ko bago siya umalis." Sabi naman ni Mrs. Reyes.
"Pwede ko po ba isama si Sophia?" Sabi ni Martie.
"Sige, basta wag lang magkakagulo ah." Sabi ni Mrs. Reyes.
"Sige na, Baka magalit na saakin yung mga yun. Bilisan mo ah." - Mrs. Reyes.
"Opo. Sige po." - Martie
Binaba naman na ni Mrs. Reyes yung telepono at nagpalit na ng sapatos at naglakad na papunta sa may pintuan.
***
Amber's POV"Finally lumabas ka na rin." Sabi ko kay Mommy paglabas niya. "Sorry namili pa ako eh." Sabi naman ni Mommy.
"Aish, Halika na nga." Sabi ko. Naglakad naman na kami papunta sa kotse ni Daddy.
Pinaandar na niya yung kotse at umalis na kami papunta sa school.
***
Pagdating namin ay nagseset up palang sila. Nakita ko naman sila May. "Hi mga beshie." Sabi ko habang nakangiti. Bigla naman nawala ito nung nakita ko na kulang kami.
"Nasaan si Jaime?" Tanong ko. "Nasa CR yata nagreretouch." Sabi ni Vanessa habang inaayusan siya ng Mommy niya. "Welcome back nga po pala tita." Sabi ko naman.
"Ay! Thank you naman Amber. Congrats sa inyo." Sabi niya. Sabay sabay naman kami nagthank you.
"Geh punta lang ako sa CR. Hanapin ko si Jaime." Sabi ko. Tumango naman sila tapos naglakad na ako papunta sa CR.
Nangmakapunta ako sa CR may narinig ako umiiyak kaya hinanap ko kung sino yun.
"Sino yun?" Sabi ko. Agad naman natatakot. Hindi naman sa duwag ako pero ayaw ko mamatay sa graduation ko. Nakita ko naman sa sulok kung sino yung umiiyak.
"Jaime? Bakit ka umiiyak?"
***
Heyy!! Sorry pabitin si otor ngayon😂😂 Abangan niyo nalang kung anong mangyayare
Anyway thanks sa 2.39k+ Readsss. Salamat sa mga loyal diyan. Lalo na kay garquekristel itsmaekim19 lab labbb!!
Anyway... Hindi edited toh kaya Sorryyy!!!
Ayan lang muna sa ngayon...
Thanks!

BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Teen FictionAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...