Amber's POV
5 months later
"So... Kamusta naman dyan?" Tanong ni Jaime saakin.
"Ok naman, malamig dito. As in sobrang lamig. Parang araw-araw ang umuulan dito, paghindi naman umuulan ang lakas naman ng hangin." Pagkwento ko sakanya.
"Buti pa dyan malamig, eh alam mo naman dito sa Pinas. Ang inet ibang level na." Sabi naman niya.
Tumawa lang ako as a response.
"Ok ka naman dyan? Wala namang nangbubully?" Tanong naman ni May na kasama ni Jaime.
"Oo, wala naman. Pero may naging kaibigan ako. Klaire pangalan niya. Para nga siyang baby eh kung umasta. Nakilala ko siya nung isang beses na nakita kong binubully siya ng campus mean girls saamin. Of course pinagtanggol ko siya. Kaya simula non takot na saakin mga kaklase ko at naging magkaibigan kami ni Klaire." Sabi ko naman.
"Waw naman, campus bad girl si bunso." Narinig ko namang sabi ni Vanessa.
"Ano na balita dyan? Ginugulo pa ba kayo ni Tracey. Ang tagal ko nang hindi nakikita yung bruhang yun ah." Sabi ko sakanila.
"Hindi naman na, pahirap ng pahirap nga lang mga pinapagawa. Expected naman na since college na tayo." Sabi ni Jaime.
Namiss ko.naman bigla sila.
"Namimiss ko na kayo..." Sabi ko habang naiiyak.
"Awe, namimiss ka narin namin bunso. Palagi mo tatandaan na nandito lang mga ate mo ah." Sabi ji Van.
"Oo, binebaby niyo naman ako. Parang akala niyo grade 5 parin tayo." Sabi ko naman sakanila.
"Basta aa mata namin ikaw parin ang baby ng grupo." Sagot naman ni Van.
Tumawa lang kami. "Oh, sige na beh. Tapos na lunch break namin." Sabi ni May.
"Ako nga magsisimula palang klase eh." Sabi ko.
"Hayst. Kakamiss ka beh. Sige na bye na." Sabi ni Jaime. habang kumakaway. Nagbye na ako at binaba na ang telepono.
lumabas naman ako ng bahay namin para tumambay sa garden. Umupo ako dun sa garden bench namin at pinikit mga mata ko habang pinapakinggan yung mga huni ng ibon.
Ang relaxing niya. 5 months palang ang nakalipas pero parang ang tagal ko nangnahiwalay sakanila.
Kahit ang raming drama dun sa Pinas, nakakamiss parin sila. Nakakamiss yung araw-araw na drama na nagaganap. Nakakamiss sila Jaime. Nakakamiss yung miniforest. Nakakamiss lahat.
May narinig naman akong doorbell, kaya minulat ko mga mata ko. Agad ako tumayo para tignan kung sino yung nagdoorbell.
Pero pagbukas ko ng pintuan walang tao dun. May nakita lang akong kahon. Nagulat naman ako since wala akong natatanggap na kahon simula nung naospital ako pagkatapos ng graduation.
Yung huling nakuha ko na box ay yung nasa ospital ko. Laman ng box na yun charm bracelet. Ayun na yung pinaka huli kong nakuha.
Pinulot ko naman yung box at tumingin sa paligid. Umaasang makita kung sino yung nagbigay. Pero wala eh.
Pumasok na ako sa loob at sinarado yung pintuan. Sakto naman bumaba si Bryce.
"Sino yun, ate?" Tanong niya. "Wala, baka kapit bahay lang natin nagiwan ng regalo." Sabi ko. Habang tinignan yung laman nung kahon.
"Ano laman?" Tanong ni Bryce. Nagulat naman ako na singsing ang laman niya. Gold ring siya tapos emerald yung stone niya. Natandaan ko naman yung singsing na palagi ko suot nung grade 3.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Ficção AdolescenteAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...