Chapter 7: Guilt

106 6 1
                                    

Amber's POV

Kanina ko pa katext sila May.

Vanessa🌈:
Sure ka Ok ka lang bes

Amber😢:
Oo masakit lang ulo ko

May🔫:
Basta pag nakita mo ulit yung g*go na yun sampalin mo ng todo

Amber😢:
Sabi naman ni mommy hindi niya raw papapasukin si Luke

May🔫:
Hindi ka ba papasok bukas

Vanessa🌈:
Paano yung sa project

Amber😢:
Kakausapin ko nalang si Jaime baka isang linggo ako Hindi pumasok kasi ang sakit ng ulo ko

May🔫:
Yung ulo mo lang ba talaga yung masakit

Amber😢:
Oo basta pagtinanong ni ma'am kung bakit ako absent paki sabi nalang ah

Vanessa🌈:
Oo basta magpagaling ka bes

May🔫:
Oo nga at magpakalayo layo ka kay Luke

Jaime🌵:
Grabe kayo ah natulog lang ako eh

May🔫:
Magback read ka nalang

Amber😢:
Oo geh mamaya nalang ulit

May🔫:
Bye

Vanessa🌈:
Bye

Jaime🌵:
Bye

"Amber! Kakain na." Sigaw ni mommy, hanggang ngayon ang sakit parin ng ulo ko. Ngayon nga hindi lang yung ulo ko yung masakit, halos buong katawan ko na.

Pinilit ko tumayo kahit hilong hilo pa ako. Pagkababa ko umupo na kagad ako kasi kung hindi magcocollapse ako doon. "Sure kang hindi mo kailangan pumunta ng ospital ah?" Tanong ni Daddy.

"Oo, magpapahinga lang ako." Sabibko naman, "Basta pagtatlong araw na na masakit yang ulo mo magpapacheck up na tayo ah." Sabi ni mommy, "Oo na." Sabi ko naman.

Nagdasal na kami tapos kumain na. Matapos ko kumain humiga muna ako sa sofa kasi nahihilo nanaman ako. Tapos may narinig akong katok mula sa pinto namin. "Lucas pakikuha nga nun, nahihilo ako eh." Sabi ko lay Lucas. Sumunod naman siya.

"Ate Para sayo." Sabi ni Lucas, pinilit ko naman tumayo para tignan kung sino yun. "Sino ka at bakit ka nandit-" sabi ko habang hawak yung ulo ko dahil sa sakit. "Luke?!" Sigaw ko. Tapos bigla naman sumulpot si mommy.

"Umalis ka na! Ikaw, kaibigan ko nga magulang mo pero bakit mo pinaglaruan yung anak ko, umalis ka na!" Sigaw ni mommy habang tinutulak paalis si Luke. Tumayo lang ako dun kasi bagay lang naman sakanya yun eh.

"Wait, kakausapin ko lang po muna si Amber." Sabi naman ni Luke habang pinipilit lumapit sakin. Tumingin sakin si mommy, "Amber?" Tanong ni mommy. Papayagan ko kaya siya, baka saktan nanaman niya ako? Baka lalo lang sumakit katawan ko. Ugh, basta kailangan niya magexplain.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon