Chapter 2: BrokenHearted May

137 11 6
                                    

Amber's POV

"Amber! Gumising ka na malalate ka niyan." Sigaw ni mommy, tumayo naman na kagad ako at tinignan kung anong oras na.

4:30 am

Malate eh Wala pa nga 5 o'clock eh. Wala naman akong nagawa tumayo nalang ako kinuha yung towel ko at naligo.

Pagkatapos ko maligo at magbihis nv uniform bumaba na ako. Doon nakita ko kumakain na si Lucas. "Morning ate." Pagbati niya, "Good morning rin Lucas." Sabi ko.

Nakita ko naman si daddy palabas na ng bahay. "Aga mo daddy ah." Sabi ko, "5:30 na eh, pero busy sa office eh." Sabi naman ni daddy.

Pumunta mo na siya samin, "Bye." Sabi ni daddy habang hinahalikan pisngi ko tapos kay Lucas. "Bye." Sabi naman ni daddy kay mommy habang hinalikan si mommy.

'Yieee!' Sabi naman namin ni Lucas. "Manahimik nga kayo dyan." Sabi ni mommy, "Amber, ikaw maghahatid sa kapatid mo ngayon ah." Sabi ni mommy, "Yes! Sa kotse ako ni ate." Sigaw ni Lucas habang tumatayo sa upuan niya Para magayos.

18 naman na ako at mataas naman grades ko kaya tinuruan na ko ni daddy magmaneho, at binilan rin nila ako ng kotse. "Ewan ko ba per gusting gusto mo kotse ko." Sabi ko kay Lucas.

"Pula kasi eh, tapos ang linis, tapos ang kintab, tapos ford." Sagot naman niya. "Oo na, wag ka magkakalat ah." Sabi ko naman. Tumango naman siya at umakyat na sa kwarto niya Para kunin yung gamit niya.

Pagkatapos ko kumain umakyat naman ako Para kunin yung gamit ko.
Kinuha ko yung cellphone ko. Nay nakita naman akong notification.

1 unread message

Binuksan ko naman kagad yung messages ko.

May:
Bes, ikaw nga maghatid sakin ngayon may problema ako

Amber:
Sige papunta na ako

Ano kayang problema ni May? Minsan lang magkaroon ng problema yan eh.
Saka na yan tatanong ko nalang sakanya mamaya.

"Ate! Halika na." Sigaw ni Lucas, "Oo pababa na ako." Sigaw ko naman, binulsa ko na cellphone ko at yung backpack ko.

Pagkababa ko nasa labas na si Lucas, "Bye mommy." Sabi ko habang binebeso si mommy. "Bye, magingat kayo ah." Sabi naman niya, tumango nalang ako at lumabas narin.

Doon nakita ko nagaabang na ng patalon talon si Lucas sa kotse ko. "Hindi ka pwede sa unahan, hahatid natin si ate May mo." Sabi ko, nagpout naman si Lucas.

"Akala ko ba si kuya Dan naghahatid kay ate May?" Tanong niya, "Hindi ko nga rin Alam eh, pero sa likod ka." Sabi ko. Binuksan ko naman yung kotse ko tapos pumasok na sa loob, si Lucas naman nagdadabog papunta sa backseat.

"Wag mo dudumihan yang upuan dyan kukutusan kita." Pananakot ko, mukha namam siya natakot at umupo na ng maayos.

Pinaandar ko naman kotse ko at umalis na papunta sa bahay ni May.

***

Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho nakarating narin ako sa bahay ni May. Nakita ko siya doon sa may pintuan umiiyak. "Dyan ka lang ah." Sabi ko kay Lucas Tumango naman siya.

Lumabas naman ako ng kotse at pinuntahan si May. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko, "Iniwan ako ni Dan." Sabi niya habang umiiyak parin siya.

"Si Dan iiwan si ka?! G*go yun ah." Sabi ko, "Kelan?" Dagdag ko pa, "Kahapon, pumunta siya dito sabi niya Hindi na siya raw ako mahal. May mahal na raw siyang diba tapos umalis ma siya." Sabi ni May habang pinapatuloy parin ang pagiyak.

"Halika na tetext ko sila Jaime, malalate tayo sa school pag Hindi tayo umalis agad." Sabi ko, Tumango naman siya at tumayo na.

Naglakad kami papunta sa kotse ko, pinagbuksan ko siya ng pintuan. "Ate May bakit ka umiiyak?" Tanong ni Lucas, "Wala lang to." Sagot naman niya. Kinuha ko sa bulsa ko cellphone ko at nagmessage sa group chat namin.

Amber❤:
Emergency! Tambayan tayo

Seen

Yun lang kailangan ko makita Para malaman ko na papunta sila.

***

Pagkarating namin sa school hinatid ko na sa classroom si Lucas. Sinama ko naman si May sa madalas naming tambayan naming apat. Pinagtitinginan kami ng mga kalevel namin.

Kasi kakaiba yung sitwasyon ngayon eh. Hindi kadalsan umiiyak yan si May, once in a lifetime lang nangyayari yun. Doon nakita ko na si Vanessa at si Jaime nakaupo.

Nilapitan niya kami, "May! Bakit siya umiiyak?" Tanong sakin ni Vanessa, "Iniwan si ni Dan." Sabi ko, "Ha?!" Sabay na sigaw ni Vanessa at Jaime.

"Kahapon raw." Sabi ko, niyakap naman ni Vanessa at ni Jaime si May. "Wag ka magalala reresbakan natin yun si Dan." Sabi ko.

Tumigil na sa pagiyak si May, nung tumunog na yung bell. "Halika na malalate na tayo." Sabi ni Jaime. Nagmamadali naman kami pumunta sa classroom.

Buti nalang Wala pa teacher namin. Doon nakita namin si Dan, ang nakakagulat nilalandi niya si Briana. "So siya pala ang pinalit mo kay May, Dan." Sabi ni Jaime. "Alam mo, T*nga ka Para gawin yun." Sabi ko, "Decision ko yun, Wala kayong magagawa." Sabi niya.

Tumingin si Dan sa likod namin kung nasaan umiiyak si May, at mukha namang naawa siya kay May. Halata pa kasi sa mata ni May na kanina pa siya umiiyak eh.

Nilapitan namin si Dan, tapos isa isa sinampal namin siya. Isa kay Vanessa isa kay Jaime at isa sakin. Bagay lang sakanya yun.

"Nababagay lang sayo yan, Alam ng buong school na pagpinagtripan mo isa saming apat lagot ka saamin." Sabi ni Jaime, tapos umalis na kami sa harap niya.

"Salamat sa support mga bes ah." Sabi ni May, "We're here for you." Sabi ko, tapos niyakap namin siya.

Sa pagkabusy ko tungkol dun sa nangyare kay Dan Hindi ko napansin si Luke. Tinignan ko siya, nagulat ako nung humarap ako sakanya nakatingin siya sakin. Umiwas naman siya ng tingin.

Bakit niya ko tinignan? Bakit siya umiwas ng tingin? Bakit parang may pakeelam siya sakin kahit Alam ko naman na wala?

Naputol naman yung iniisip ko nang mag good morning mga kaklase ko. Pumunta na ako sa upuan ko. "Good morning class, you can sit down." Sabi ni Mrs. Dela Cruz.

Umupo na ako sa upuan ko, sinulyapan ko ulit si Luke. Nilalandi nanaman niya katabi niya. Sabi na eh, it's to good to be true.

***

ramaaaeeeee Para sayo toh, labyo bes. Kaya mo yan, may jungkook ka pa😂.

Nagpupuyat ako Para dito, because I love this story. Hehe.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon