Chapter 13: Date?

85 5 13
                                    

Amber's POV

Nagising ako sa malakas na patugtog, most likely to be my alarm.

'If this room was burning, I wouldn't even notice...'

Tumayo na ako, tapos kinanta yung alarm ko. "Little white lies! Little white lies!" Pagkakanta ko Sabay sa alarm ko. Tumigil na yung tugtog pero derederetso parin ako sa pagkanta. "Your hands touching mine! They're touching mine!" Pagkakanta ko sa part ni Louis.

Maraming nagpropronounce ng pangalan niya na Louis, pero actually ang pagpronounce nun Lou-ee. Pero kahit underappreciated siya fave ko parin siya.

Hindi na ako nagbihis, kaya shot ko ngayon malaking T-shirt na mukha ng off shoulder sa luwag tapos yung pangbahay ko na shorts.

"If this room was burning! I wouldn't even notice! 'Cause you've taken of my mind!" Pagkakanta ko, actually Para na siyang sigaw sa lakas eh.

Bumaba na ako habang nakanta parin. "Backseat of the cab! We're I'm the cab!" Sigaw ko habang nababa pa ng hagdan.

"If this room was burning! I wouldn't even noti—" Naputol ako ng nakita ko si Martie nakaupo sa sofa namin pagbaba ko. Nginitian niya ako tapos tinuro yung T-shirt ko. Inayos ko naman para mukhang maayos kahit Hindi.

"Amber naman, magbihis ka nga Alam mo naman na may bisita eh." Sabi ni mommy, "Hindi ko naman Alam na papunta siya eh." Sabi ko, "Kahit na, magbihis ka na nga." Sabi naman ni mommy.

Umakyat nalang ako tapos magbihis na. Since mainit naman naligo nadin ako. Binlower ko na buhok ko tapos, bumaba na ako. Pagbaba ko nandon parin si Martie sa sofa namin.

"Buti naman maayos itsura mo." Sabi ni Martie, "Bakit ka ba nandito?" Tanong ko, "Papakilala mo ko diba, as boyfrien— este mangliligaw mo." Sabi niya. Oo nga pala noh. "May mangliligaw na anak ko?" Tanong ni daddy.

"Oo nga pala, uhm daddy si Martie pala kaklase ko nung elementary. Mangliligaw raw." Sabi ko, "Liligawan mo anak ko?" Tanong ni daddy, "Opo, kung pwede lang po." Sabi naman ni Martie. "Oo naman, pwede ka mangligaw sisiguraduhin mo lang na wag mo sasaktan si Amber." Sabi ni daddy.

"Opo, Mahal ko po si Amber at gagawin ko ang lahat para mapasagot ko siya." Sabi naman ni Martie, namula naman ako. "Ayan gusto ko sa lalake eh, pagbutihin mo yan basta ako, boto ako sayo." Sabi ni daddy. "Daddy, ako yung nililigawan diba? Bakit parang gusto niyo yata kayo na ligawan ni Martie eh." Sabi ko naman.

"Hindi naman sa ganon, boto lang ako sakanya." Sabi naman ni daddy. "Sasabihin ko lang to sa mommy mo." Sabi ni daddy, tapos pumunta sa kusina. "Alam mo, ngayon ko lang nakita yung banyan mong side." Sabi ko kay Martie. "Anong side?" Tanong naman niya.

"Yung side na cheesy, sweet, pacute yung ganong side." Sabi ko, "Kilig ka naman?" Tanong niya, "Slight." Sabi ko tapos nagkukunyareng kinikilig. "Actually, Hindi talaga eh, Hindi eh sorry." Sabi ko habang nakasimangot. "Hayaan mo isang araw, mapapakilig rin kita." Sabi naman niya. Papaluin ko sana si Martie kaso nakailag na naman siya.

"Alam mo kung papalo ka siguraduhin mong matatamaan mo ko ah." Sabi niya, pinalo ko naman siya, this time tumama na. "Aray! Ang sakit nun ah." Sabi niya, "Sabi mo siguraduhin Kong tatamaan kita eh." Sabi ko naman. Maya-maya bumalik narin si daddy kasama na si mommy.

Lumapit saakin si mommy, tapos niyakap ako. "Congrats anak, salamat sa diyos nakahanap karin ng mamahalin." Sabi ni mommy, "Hindi pa naman kami mommy eh, mangliligaw pa siya." Sabi ko, "Ah, Hindi pa pala." Sabi ni mommy.

"Wag mo sasaktan si Amber ah." Sabi ni mommy habang nakatingin Martie. "Opo, hinding hindi ko po sasaktan taong Mahal ko." Sabi ni Martie. T*ng inang pisngi yan namula na naman ako. "Ayie, kinikilig anak ko." Sabi ni mommy. "Heh! Hindi naman." Pagsisinungaling ko.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon