Chapter 21: Breaking a Heart

71 6 1
                                    

Luke's POV

Nasa kwarto ako ngayon, nakayakap sakin si Catherine. Binabalak ko na sabihin na sakanya na Hindi ko na siya gusto. Kaso natatakot ako baka masaktan siya, o kaya masira yung buhay niya.

"Catherine..." Sabi ko, napatingin naman siya sakin, "May sasabihin sana ako sayo..." Sabi ko. "Ako naman yun, Luke?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim. Lumayo ako sakanya para mapakita ko sakanya na seryoso talaga ako.

"Ganito kasi yun eh, matagal ka na nawala... Matagal rin kita hinintay... At hinanap at..." Sabi ko. "Anong ibig sabihin mo?" Tanong niya. "Kasi..."

"Hindi na kita mahal." Sabi ko, pinikit ko muna yung mga mata ko pagbukas ko nakita ko na tumatawa siya. "Hahaha! Grabe nakakatawa ka." Sabi niya.

"Seryoso ako, nakalimutan ko na na mahal pa kita, nakahanap na ako ng ibang mahal, sorry." Sabi ko. Bigla naman nagbago yung emosyon ng mukha niya. Nakita ko sa mga mata niya na paiyak na siya.

"Sino naman yung ipapalit mo sakin?! Ha?!" Sigaw niya, pinanood ko siya habang umiiyak siya. Wala na akong nasabi. "Yung Amber?! Ha?! Siya ba?!" Sigaw niya ulit, nanglaki naman mata ko dahil nabanggit niya yung pangalan ni Amber.

"Paano mo nalama—" Sabi ko pero pinutol niya, "Narinig ko kayo! Kayo ng mommy mo naguusap! Narinig ko na sinabi mo sakanya na- a-aya-w m-mo na sakin!" Sigaw niya pa. "Catherine, Mas maganda siguro kung umalis ka na." Sabi ko na may mahinhin na tono.

Bigla naman siyang tumayo at kinuha yung bag niya. "Pagbabayaran niyo to!" Yung huli niyang sinabi bago siya umalis. Bigla naman akong kinabahan.

Paano kung saktan niya si Amber? Bigla naman tumunog yung cellphone ko. Tinignan ko yung caller ID, nanglaki yung mata ko nung makita ko yung pangalan.

Yung nanay ni Amber.

Sinagot ko naman.

"Bakit po?"

"Nasa ospital si Amber!"

"Ha?! Bakit po ano pong nangyare?!"

"Nagka nervous breakdown si Amber sabi nung doctor nawalan siya ng Malay."

"Pupunta po ako, saan po yung ospital?"

"Sa CMC, pumunta ka sa info center tapos nandoon si Lucas."

"Sige po papunta na ako."

Agad naman ako tumayo tapos lumabas ng kwarto ko, bumaba na ako ng hagdan tapos kinuha yung susi ng sasakyan ko. Bago ako makalabas ng bahay tinawag ako ni mommy.

"Bakit lumabas na umiiyak si Catherine?" Tanong niya, "Mamaya na ako mageexplain mommy, pupunta ako ng ospital sinugod raw doon si Amber." Sabi ko.

"Ha?! Sige sige, pumunta ka na kamustahin mo rin sila ah." Sabi ni mommy. Tumango naman ako tapos lumabas na ng bahay.

***
Catherine's POV

"Gawin mo na yung Plano!" Sigaw ko sa telepono. "Ma'am Hindi pa po pwede." Sabi niya, "Bakit Hindi pa pwede! Lahat nalang kayo kumakampi sakanya!" Sigaw ko, "Hindi sa ganon ma'am, nasa ospital pa po siya, kasama niya pamilya niya Hindi ako makakalapit sakanya." Sabi niya.

"Siguraduhin mo lang na pagkalabas na pagkalabas niya gagawin mo na yung plano." Sabi ko, "Opo ma'am." Sagot naman niya, tapos binaba ko na yung telepono.

Pagbabayaran ni Amber toh.

***
Amber's POV

Nagising ako sa malamig na kwarto, binuksan ko yung mata ko sa tabi ko nakita ko si Martie hawak yung kamay ko. "Ilang oras ako nakatulog?" Tanong ko.

"Mga 12 hours siguro, sabi nung doctor pagkagising mo raw pwede ka na lumabas ng ospital eh." Sabi niya sakin. "Ahh." Sagot ko naman, tumayo na ako. Nakita ko naman si mommy.

Agad naman ako niyakap ni mommy. "Ok ka na ba? Masakit pa ba ulo mo? Nahihilo ka ba? Tawagin ko kaya si doc? Kailangan mo ba ng tubig? Nagugutom ka ba? Bibili ako ng pagkain." Derederetso niyang sabi natawa naman ako.

"Mommy, Ok na ako, ikaw nakakain ka na ba?" Sabi ko, "Oo, halika na magbabayad nalang sila daddy mo tapos uuwi na tayo." Sabi naman ni mommy. Tumango naman ako, tapos hinintay na namin sila daddy dumating Para makauwi na kami.

***

Pagkauwi namin, pinagpaalam ako ni Martie na pumasyal Para sa first weeksary namin. Nagbihis na ako, namili ako sa mga damit ko kung anong Mas babagay na susuotin ko. Sa huli Napili ko nalang magdress na off shoulder tapos blazer na white, since floral yung dress bagay siya dun sa blazer.

Bumaba na ako ng hagdan, doon naman sinalubong ako ng kapatid ko. Nagkabanggaan kami kasi nakatitig siya sa cellphone niya. "Ayan kasi tignan mo dinadaanan mo." Sabi ko Kay Lucas. "Sorry ate." Sabi niya tapos nagmadali paakyat at pumunta sa kwarto niya.

Pumunta ako sa kitchen nandoon si mommy nagaayos ng lulutuin. "Anong problema nun?" Tanong ko, "Nakita ko nanaman eh kachat yung Daisy, edi napagalitan ko." Sabi ni mommy. "Kausapib mo nga yang kapatid mo, bata bata pa eh." Sabi pa niya.

Tumango naman ako tapos lumabas na ng kusina at umakyat na ng hagdan. Pumunta ako sa kwarto ni Lucas tapos unti unti kong binuksan yung pintuan. Nakita ko siya nakahiga sa kama niya, hawak yung cellphone niya.

Pumasok naman ako sa kwarto niya. "Lucas..." Sabi ko, tumingin naman siya sakin. "Bakit ate?" Tanong niya. Lumapit ako sakanya tapos umupo dun sa dulo nung kama niya. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Kachat mo na naman si Daisy noh?" Tanong ko, tumingin naman siya sa lapag. "Alam mo Ok lang naman yung magkacrush ka eh, wag mo lang masyadong seseryosohin, kasi lahat naman tayo nagdadaan diyan eh, pagnagkacrush ka parang hinahangaan mo lang siya o you mostly admire him or her." Sabi ko.

"Pero yung nag I love you ka na sakanya, hindi na kasi tama yun eh, bata ka pa ayaw ko naman mawala yung baby kong kapatid." Sabi ko tapos niyakap siya. Tumawa naman siya.

"Kung mahal niyo ang isa't isa maghihintay kayo kung tama na ba yung panahon, kung kayo na nga ba, kung kayo na yung natadhana." Sabi ko pa. "Maghintay kayo, kung kahit sa pagtanda niyo gusto niyo parin ang isa't isa, edi kayo na nga yung pinagtadhana." Sabi ko.

Tumingin siya sakin, "Thank you ate ah." Sabi niya, "Basta siguraduhin mo sakin na kahit crush mo yan si Daisy mataas grades mo ah, Ok lang sakin." Sabi ko. Tumango naman siya tapos ngumiti. "Halika baba na tayo." Sabi ko.

Bumaba naman na kami, umupo kami sa sofa at hinintay na sunduin ako. Maya-maya may narinig narin akong katok sa pintuan. Agad ako pumunta sa pintuan para pagbuksan si Martie.

Pagkabukas ko ng pintuan, imbis na si Martie nakita ko. Yung nakita ko, yung halos limang taon ko nang hinahanap. May mga luha na bumuo sa mga mata ko tapos derederetso na tumulo. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, dahil kailan man Hindi ko na siya iiwan.

"Kamusta na ate?"

***
Heyy! Sorry ang tagal ko na Hindi naguupdate, busy kasi lately eh. Pero salamat Kay ALBANIEL24 sa pag add nang story ko sa reading list niya.

Sorry busy lately si otor, pati nga yung pinaka importanteng lalake sa buhay ko nagtatampo na sakin eh. Sorry talaga mga readers. Pagnagkatime ako promise maguupdate ako.

Sorry sa typo, sa wrong grammar etc. Salamat pala sa 540+ reads.

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon