Amber's POV
Lunch na, nagtataka kami nila Jaime na kahit kami nilalayuan ni Dan. Si May naman ayun walang sawa sa pagiyak sa CR, kumain siya ng sandwich tapos nakita si Dan Pero si Dan iniwasan siya, tapos biglang tumakbo sa CR.
Bigla naman tumakbo papunta samin yung isa naming kaklaseng si Mary, matapos sigurong ilang minutong nakalipas simula nung tumakbo papunta ng CR si May. "Amb-ber, J-Jaim-me, V-Van-nn-e-ssa.." Sabi niya habang hingal na hingal. "Huminga ka muna, inhale... Exhale." Sabi ni Vanessa sinunod naman siya ni Mary.
"Oh? Ano yun?" Tanong ko naman, "Si May! Inaaway siya nila Briana!" Sigaw ni Mary. Agad naman kami napatayo sa upuan, sa gulat. "Ha?! Nasaan sila?!" Sigaw ko, "Nasa tapat ng classroom." Sabi ni Mary.
Nagtinginan naman kami nila Jaime at Vanessa, tapos tumakbo papunta sa classroom. Doon nakita namin si May sinasabunutan ni Briana sila Tracey naman tumatawa.
Si May umiiyak nalang, "Mangaagaw ka! Gaga ka!" Sigaw ni Briana. "Hindi ko siya inagaw! Ako na nga nagsabi na layuan niya ako eh!" Sigaw naman ni May.
"Mahal ka pa niya! Ayaw niya sakin! Dahil sayo yun!" Sigaw naman ni Briana, si May naman yung ngayon sumabunot kay Briana.
"Maghanap ka kasi ng lalaking gagawin kang priority Hindi yung gagawin kang temporary!" Sigaw naman ni May. Pinigilan ko nalang yung sarili ko sa pagsabi ng 'Oohh!' Kasi... #REKT!
Dumaan naman si Dan, bigla naman nagkunyare si Briana na siya yung inaapi. "Dan! Tulungan mo ko—huhu- Sinasabunutan niya ako!" Sabi ni Briana habang umiiyak.
Umirap si Dan pero tinulungan parin niya si Briana, "Bakit siya yung tinulungan mo? Siya pa nga yung nauna eh? Dapat si May yung tinutulungan mo." Sabi ni Vanessa.
Tumingin lang si Dan kay May, kung talagang titignan mo siya makikita mo sa mga mata niya na nalulungkot siya at mahal na mahal niya pa si May. Imbis na tulungan niya si May, nilayo niya lang si Briana at umalis na Parang Hindi niya kilala si May.
Ayun naman yung ginusto ni May eh, pero sa laking gulat namin, tumakbo si May papunta sa CR. Agad naman kami sumunod sakanya. Sa loob nakita namin siya nakaupo sa isang tabi, nakatakip sa mata niya yung kamay niya.
"May?" Sabi ko, "Iwanan niyo muna ako dito." Sabi niya habang umiiyak, "May, nandito lang kami Para sayo." Sabi ni Jaime, "Gusto ko lang mapagisa." Sabi naman ni May.
"May... Gusto lang namin malaman kung bakit ka naggaganyan." Sabi ni Vanessa. "Hindi pa ba halata ha?!" Sigaw niya, pero umiiyak parin siya. "Nagsisisi ako na tinaboy ko si Dan! Hindi ko napagisipan yung ginawa Kong desisyon, hanggang sa nasabi ko nalang!" Sabi ni May.
"Ngayon, pinagsisisihan ko na ginawa ko yun, pero huli na ako! Iniiwasan na niya ako! Kinakalimutan niya na ako!" Pagpapatuloy ni May. Lalong lumakas yung iyak niya. "May..." Paguumpisa ni Jaime pero agad naman siya pinutol ni May.
"Umalis nga muna kayo! Gusto ko mapagisa!" Sigaw ni May, "May, nandito lang kami Para sayo." Sabi ni Vanessa. "Lumabas nga muna kayo! Please!" Sigaw niya, lumabas na si Jaime at Vanessa, pero ako nanatili sa loob ng CR.
Nilapitan ko si May at tinabihan siya. Tinalikuran niya lang ako, "May, kung itataboy mo kami walang maidudulot yan, masisira lang tiwala natin sa isa't isa, Wala ka bang tiwala samin?" Sabi ko.
"Hindi naman sa ganon, gusto ko lang talaga mapagisa." Sabi niya habang umiiyak siya. "Nangyare narin sakin yan, ako nga 9 years na paulit ulit yan eh." Sabi ko, humina yung pagiyak niya. "Diba ako, palagi ako nakangiti, palagi tumatawa, palagi nakakahanap ng makakapagpasaya sainyo..." Sabi ko.
Tumango siya, "Kahit ganon ako, marami akong tinatagong problema, tinatagong kalungkutan, mga problema na hindi ko masabi sa inyo o sa pamilya ko, palagi ako may depression, diba nga ilang beses ko na ginusto na magpakamatay..." Pagpapatuloy ko.
"Parehas lang tayo, ang simple lang kasi niyan eh, walang relasyon na panghabang buhay pag may malanding nabubuhay." Sabi ko, Ngumiti naman siya tapos tumawa. "Tignan mo oh, tumatawa ka na, tama na nga yang drama, halika na magkaklase na oh." Sabi ko.
Tumayo naman ako tapos tinulungan siya tumayo. "Salamat ah." Sabi niya, "Heh, maliit na bagay." Sabi ko. Lumabas naman kami, pumunta na kami sa classroom kung saan nandon si Jaime at Vanessa.
Maya-maya dumating na rin yung teacher namin, kaya nagpatuloy na kami sa mga gawain sa school.
***
Unknown's POV"Oh? Ano nang balita?"
"Ma'am may nauna pong kumilos satin, pero nahuli po sila."
"Sino raw yun?"
"Catherine raw yung pangalan, ma'am."
"Ah, si Cath, kahit kailan talaga palpak yung babaeng yun eh."
"Magkakilala po kayo?"
"Of course, anyway, maghintay ka onting onting oras nalang."
"Sigaw po ma'am."
Binaba ko yung telepono at naglakad na papunta sa kotse ko Para makauwi na. Akala niyo si Catherine lang kalaban ni Amber dito noh, nagkakamali kayo...
Meron pang tututol sa relasyon nila Amber at Martie.
***
Heyy! Sorry ang iksi nito, hayaan niyo sa susunod hahabaan ko na. 800+ words pangalang to eh kaya sorry!Anyway, salamat sa 980+ reads ilang reads nalang 1k na, mahal na mahal ko kayong readers ko!!! Mwah! Mwah!
Sorry sa typos at wrong grammar ko! Salamat rin sa mga nagvovote at sa mga nagtiyatiyaga basahin yung story ko!!! Mahal na mahal ko kayo!
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Fiksi RemajaAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...