Jaime's POV
Kanina pa umalis si May at Vanessa kasi may pupuntahan pa raw sila. Ako naman naiwan dito sa Hospital room ni Amber. Pinaguusapan namin yung mga nangyare nung bigla nalang siya nawalan ng Malay.
Dahil pala sa babaeng yon na si Sophia kaya napahanak beshung ko. Well, screw her. My best friend doesn't need her bullsh*t.
"Jaime?" Bigla namang sabi ni Amber. "Bakit beh?" Sagot ko naman sakanya. "Dalawang beses lang kita nakita umiyak, ever. Yung pinakauna ay nung naggraduation tayo nung grade 6. At pangalawa, Well... alam mo na nangyare yon." Sabi niya.
"Gusto mo ba pagusapan?" Tanong niya saakin. "Kung hinde ok lang naman, ayaw kita ipilit sa ayaw mo gawin." Sabi pa niya.
Napaisip naman ako, alam ko naman na maiintindihan niya ako. Hindi ko lang alan kung paano ko sasabihin sakanya. Sa grupo namin sakanya ko lang madalas sinasabi mga problema ko. Kasi alam ko na maiintindihan naman niya ako.
"G-Gusto k-ko s-sab-bih-hin." Sabi ko sakanya. "Hindi ok lang naman kung hindi ka pa handa. Hindi na kita kukulitin kung ayaw mo muna sabihin." Sabi pa niya.
"Hindi, gusto ko sabihin." Sabi ko naman sakanya. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin toh. Parang ang gaan lang kasi ng mga problema ko." Sabi ko sakanya.
"Wag mo sabihin yan. Pagikinumpara mo sa problema ng ibang tao ang mga problema mo iisipin mo talaga na parang ang gaan lang ng problema mo. Pero may iba ibang isip ang tao. Meron nga para sakanila ang gaan lang ng problema nila, pero para saatin ang bigat na ng pinagdadaanan nila." Sabi niya saakin.
"Thank you ah, hindi ko pa nasasabi problema ko ang rami mo nang sinabi." Sabi ko sakanya habang napapatawa. Tumawa naman rin siya.
"Pero hindi seryoso, salamat. At nandito ka para pakinggan mga problema ko." Sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya and looked at me fondly.
"So ayun nga, lately kasi palagi wala sila mommy. Palagi sila bumabyahe, at naiiwan ako alagaan yung kapatid ko. Ako nagluluto, ako nagpapaligo, ako nagtuturo, ako gumagawa ng lahat pagwala sila. Minsan napapagod na ako. Nung araw bago namin gawin yun surprise namin sayo..." Napatigil naman ako. Yumuko ako at inisip yung mga nangyare.
"Kaya mo pa ba?" Tanong niya saakin. "O-Oo." Sabi ko naman. "Yung araw na yun uuwi na sila mommy. Pinapatulog ko si Issey. Nung nakatulog ako. Nung nagising ako wala na siya sa tabi ko... a-at..." Sabu ko habang derederetso na tulo ng luha ko.
Kahit anong pigil yung ginagawa ko derederetso parin ang pagtulo ng luha ko. "Ok lang, Jaime. Nandito ako." Sabi ni Amber at niyakap ako.
"Nawala siya. Maghapon ko siya hinanap. Hanggang sa umuwi sila mommy. Nalaman nila yung nagyare, t-tapos, hindi ko na ganon ka tanda yung nangyare. Narinig ko lang yung mga salita na sinabi nila saakin." Sabi ko sakanya.
"Gaya ng ano?" Sabi niya. "W-Walan-ng s-sil-lbi, i-irresponsible at m-marami pang masasakit na salita.
Napayuko naman uli ako. Habang hinayaan ko bumuhos yung mga luha ko at ipakita.
Tandang tanda ko naman yung mga pangyayare noon at lahat ng sinabi nila saakin...
flashback
"How can you be so careless Jaime? Nakalabas ng bahay kapatid mo at hindi mo alam kung saan siya nagpunta? How can you be that selfish? inuna mo pa pagtulog mo kesa sa kapatid mo?" Sabi ni mommy saakin.
Gusto ko siyang sigawan, sagutin at sabihin lahat ng pagkukulang nila saamin.
"How did she even get out? Two palang kapati-" Sabi niya at agad ko naman pinutol yung sinasabi niya. "Four na siya mommy." Sabi ko naman. Natahimik naman siya.

BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Ficção AdolescenteAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...