Amber's POV
"M-Martie?" Mahina kong sabi. Panigurado naman akong hindi nila narinig. Yung babaeng kasama niya, Si Sophia.
May naramdaman akong mga luha na tumulo mula sa mga mata ko. Ang sakit, ang sakit sakit parin hanggang ngayon.
Ang sakit isipin at balikan lahat ng pinagdaanan namin ni Martie tapos ganon ganon nalang niya itinaboy lahat.
Pinunasan ko kagad yung mga luha nung nakita ko silang lumapit sa H&M. I put my b*tch face on at pinagpatuloy yung pagtitingin ko ng damit.
"Amber..." Narinig kong sabi ni wala na akong pakialam kung sino siya. "Oh, Hi Martie! Oh, Sophia! Nagdadate kayo. Wow, congrats pala ah. Kayo na pala. Sige una na ako." Sabi ko pinipigilan yung mga luha ko tapos tumalikod na ako.
Maglalakad na ako palayo pero biglang hinawakan ni Martie yung braso ko tapos pinaharap ako sakanya.
"Amber, please. Hindi kami ni Sophia, nagpasama lang siya dito. Ikaw ang mahal ko. Ikaw." Sabi niya saakin. Yung lungkot ko naman napalitan ng galit. Parang kumulo naman ang dugo ko sa mga pinagsasasabi niya.
"Kung mahal mo ako, Paano mo maeexplain saakin yung nakita ko nung gabi ng graduation? Ha?! Ang sakit nun! Hindi mo alam epekto nun saakin! Dahil sayo napaaga ang pagalis ko! Nasira mga plano namin ng mga kaibigan ko! Dahil yun sa inyong dalawa!" Sigaw ko.
Wala na akong pakealam kung pinagtitinginan na ako. Edi tumingin sila, wala na akong pake.
"Hindi ko ginusto yun Amber. Si Sophia May gusto noon, Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang yung nagpapangiti saakin. Ikaw lang ang taong nagpapasaya saakin." Pagpupumilit niya saakin.
"Tsk. Bakit kasama mo siya? Bakit hanggang ngayon magkaibigan parin kayo kahit siya yung may dahilan ng lahat ng ito? Ano yung nakita ko kanina? Yung pangiti-ngiti mo sakanya? Sa babaeng yan." Sabi ko habang nakaturo kay Sophia.
"Wag mo na siya isama dito." Sabi niya saakin tapos pinwesto sa likod niya na para bang prinoprotektahan niya si Sophia.
"At bakit ko siya hindi isasama eh siya naman talaga may dahilan kung bakit lumala yung sakit ko! Siya!" Sigaw ko. Nakita ko naman sila May na tumatakbo papunta kung saan kami nagaaway.
"Amber, tama na. Nakakahiya naman sa mga tao sa paligid. Kung ayaw mo makalbo yang babae mo, Martie, Umalis na kayo." Sabi ni May.
"Martie umalis na kayo." Sabi naman ni Jaime sakanila. "Hindi, gusto ko parin patunayan kay Amber na siya ang mahal ko at na siya ang mamahalin ko habang buhay." Sabi ni Martie.
"Tsk. Mahal raw. Hindi mapapatunayan ang isang bagay kung hindi naman totoo." Sabi ko sakanya.
"Totoo, Amber." Bulong naman nI Sophia. Aba, Parang may nakain yata tong babaeng toh ah. Nawala yung bossy b*tch na kilala ko.
"Noong gabing yung dapat magpropropose siya sayo. Nagselos ako, kasi gusto ko ako nalang. Kaya, hinalikan ko siya. Sinubukan ko na baguhin yung decision niya. Pero ikaw parin pinipili niya eh. Kaya naisipan ko na, kung saan siga masaya support nalang aki sakanya. Kaya please, tanggapin mo na sorry niya." Pagmamakaawa ni Sophia.
Nakakatuwang panoorin siyang nagmamakaawa. Kasi sa buong pagkakilala ko sakanya isa siyang b*tch.
"Ano ngayon kung totoo nga? Nung gabing yun nakita ko na nakapikit mata niya! Hindi ka niya tinulak palayo! Kung mahal niya ako dapat lumayo na siya nagdikit palang labi niyo! Eh ilang segundo na ang lumipas nandoon parin kayo eh! ineexpect mo ba ako na tanggapin yung sorry niya pagkatapos nun! Wag nalang." Sabi ko naman.
Naiirita na ako. Ayaw ko na marinig yung mga pinagsasabi nila. Maglalakad na sana ako palayo nang may biglang sinabi si Martie.
"Mahal kita, Amber."
"Who cares? Not me. At least not anymore." Sagot ko naman at naglakad na papunta ng cashier para bayaran yung mga binili namin.
"Thank you ma'am. Come again." Sabi nung security guard saakin nung palabas na kami. "Won't be coming back for a long time." Bulong ko sa sarili ko.
"Sorry beh, dapat pala hindi ka namin iniwan doon. Naiwasan pa sana lahat ng yun." Sabi ni Vanessa. "Ok lang, at least nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin." Sabi ko naman.
"Tara na nga, sulitin na natin tong araw na toh. Kalimutan na natin lahat ng yun." Sabi naman ni Jaime. "Oo nga, masasayang lang oras natin sa dalawang yun." Sabi naman ni May.
Huminga nalang aki ng malalim.
'Kalimutan mo na...'
***
Nasa airport na kami. Hinihintay nalang namin tawagin kami para sa flight.
'Flight to London, England on terminal 2 leaving in ten minutes.'
Sabi sa speaker kaya tumayo na ako at si Bryce. Since walang magbabantay kay Lucas at sa kompanya maiiwan si Daddy at Mommy.
Ok na yun at least may kasama ako kahit papano. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa pila para sa flight namin.
"Ate!" Narinig kong sigaw ni Lucas. Tumalikod naman ako at hinarap si Lucas. Nakita kong may mga luha sa mga mata niya. Tumakbo siya saakin at bigla nalang ako niyakap.
Niyakap ko naman rin siya.
"Mamimiss kita." Sabi ko sakanya habang umiiyak siyang nakayakap saakin. "Magiingat ka doon ah, Palagi mo tatandaan na tumawag saamin paggabi na sainyo." Paalala ni Lucas saakin.
"Oo, hindi ko kakalimutan." Sabi ko habang pinupunasan yung mga luha niya. "Kuya ikaw ah, aalagaan mo si ate. Palagi mo siyang babantayan." Sabi naman niya kay Bryce.
Ngumiti lang si Bryce.
"Bye na!" Sigaw ko. Kumaway naman sila. Bago pa ako makapaglakad ay may humawak sa braso ko. Agad naman ako napatalikod para tignan kung sino yung pumigil saakin.
Hayst. Si Martie nanaman.
"Please Amber, stay safe. Sorry sa lahat sana mapatawad mo ako." Sabi napansin ko naman yung mga pasa niya sa mukha at yung pagmamaga ng labi niya.
Baka binugbog siya ni Daddy. "Napatawad na kita, pero hindi ibig sabihin nun mababalik pa ang dati nating pagsasama. Napatawad na kita, pero hinding hindi ko makakalimutan lahat ng sakit na naidulot mo saakin." Sabi ko sakanya.
Tumango nalang siya at lumayo na saakin. Nakita ko rin na paikaika siya maglakad. Mukhang bugbog sarado siya.
Tinawag na aki ni Bryce kaya naglakad na kami papunta sa eroplano.
Pagkaupo ko sa seat ko tumingin ako sa bintana.
'Paalam na muna, sa ngayon.'
Sabi ko sa sarili ko. Maya-maya nagtake off na. I looked out the window one last time. Bago pinikit ang mga mata ko.
Mahaba-habang byahe toh.
***
Heyy... So ayun. Patapos na ang MKS. Pero yung last chapter and the following chapters ay malaking parte sa story kaya tatandaan niyo yung mga details.
Sorry sa wrong grammar at sa wrong spelling hindi ko po kasi english po kasi ang forte ni Author.
Ayun lang muna sa ngayon...Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Roman pour AdolescentsAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...