Unknown
"Hello?"
"Anong kailangan mo sakin?"
"May papagawa ako sayo."
"Anong kapalit?"
"The usual, pera."
***
Amber's POVNasa school na ako, kanina hinatid ako ni Martie as usual. Kagabi na tapos ko na yung kanta. Kaya eto ako ngayon, nilalabanan pagkaantok ko.
Uwian na, sinabi ko na Kay Sir na bukas na ako magperperform. "Amber, paki samahan nga kapatid mo, may soccer training siya." Sabi ni mommy pagkapasok ko ng bahay.
"Hanggang anong oras yun?" Tanong ko, "Hanggang six o'clock lang naman eh." Sabi ni mommy. "Nakaayos na siya?" Tanong ko, "Oo, hahatid mo nalang siya." Sabi ni mommy. "Pwede ba isama ko si Martie, ayaw niya kasi na nagiisa ako eh." Sabi ko, actually natatakot lang ako. Hindi sa multo na Baka may biglang magkidnap sakin.
"Oo sige, magbihis ka na at nakauniform ka pa." Sabi ni mommy, "Ok, mamaya bababa na ako." Sabi ko. Umakyat naman na ako, tapos pumunta sa kwarto ko.
Binaba ko na backpack ko, pumunta naman ako sa closet ko tapos pumili na ng susuotin ko. Nakapili na ako ng damit, yung varsity shirt ng school namin yung suot ko na top, nagsuot naman ako ng navy blue na jeans.
Kinuha ko cellphone ko tapos minessage si Martie.
Love❤(A):
Martie, pasama naman kami ng kapatid ko may laban siya ehLove❤(M):
Papunta na akoBinitawan ko naman cellphone ko tapos tinawag si Lucas. "Lucas! Halika n—" Naputol naman ako nung may narinig along busina mula sa lavas ng bahay. Napangiti naman ako, Ang bills naman dumating ni Martie.
Lumabas naman na si Lucas mula sa kwarto niya, "Hi ate, Halika na." Sabi niya sakin, tapos bumaba na ng hagdan. Bumaba na rin ako, tapos lumabas na. Since nakabukas na yung pintuan, nakita ko si Lucas kausap si Martie.
"Swerte ka sa ate ko, mabait, maalaga, mapagmahal, at masipag yan, swerte ka talaga." Narinig ko sabi ni Lucas habang naglalakad ako papalapit. "Heh! Manahimik ka nga dyan Lucas." Sabi ko habang tumatawa.
"Halika na, sakay na kayo Baka malate pa sa traning si Lucas." Sabi ni Martie, sumakay na siya, sumakay na rin kami ni Lucas. Pagkasakay namin pinaandar na niya kotse niya, tapos umalis na kami.
***
Pagkadating namin doon, nakita ko si Ann. Kinawayan ko naman siya, "Hi, musta na?" Tanong niya, "Grabe eh, kanina lang magkasama tayo sa isang classroom." Sabi ko naman.
"Hehe, sorry naman." Sabi naman niya, "Siya boyfriend mo?" Tanong ni Ann, habang tinuturo si Martie. Napangiti naman ako tapos tumango. "Ahhh." Sabi naman ni Ann. "Kamusta na Ann?" Pangangamusta ni Martie. Mukha naman nagulat si Ann.
"Kilala mo ko?" Tanong ni Ann, "Oo, diba kaklase kita nung grade 1 at 2." Sabi naman ni Martie, "Ahh, Oo nga pala noh." Sabi ni Ann. "Nagsosoccer rin kapatid mo diba?" Tanong ko, "Oo, isang taon lang pagitan ng kapatid ko sa kapatid mo diba?" Sabi ni Ann.
Bigla naman akong lumungkot, si Bryce yung sinasabi niya. Tumingin naman si Martie sakin, nakita niya lumungkot ako. Lumapit siya Kay Ann, tapos may binulong sakanya.
Maya-maya lumapit sakin si Ann, "Sorry, Hindi ko Alam." Sabi niya, "Ok lang, namimiss ko lang siguro siya." Sabi ko naman. "Amber, doon lang ako ah, papanoorin ko si Lucas." Sabi ni Martie, Tumango naman Ako.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Teen FictionAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...