Chapter 37: Problems

31 3 5
                                    

Amber's POV

"Jaime? Bakit ka umiiyak?" Sabi ko at agad naman lumapit sakanya. "Amber?" Sabi niya saakin habang inangat yung ulo niya mula sa pagkakayuko niya.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Umiiyak siya, Yung make up niya ang kalat na.

"Anong nangyare?" Sabi ko halata sa tono ko ang pagaalala. Nagulat naman ako nung makita ko na may mga sugat siya sa wrist niya.

"H-Hin-ndi... M-Mal-li..." Paulit ulit niyang sabi, habang palakas naman ng palakas yung pagiyak niya. Hindi nagtagal alam ko na nagpapanic attack siya.

"Shhh... Hindi, Walang mali." Pagtatahan ko sakanya. Alam ko pakiramdam niya ngayon. Ilang beses na ako nagkapanic attack. Lumala pa nga nung nagkatumor ako.

"Shh... Ok ka lang... nandito ako..." Tuloy kong pagtatahan. Unti unti naman nang umayos yung paghinga niya.

"S-Sorry... Nakita mo p-pa t-tuloy ak-ko." Sabi niya habang nakayuko. "Wag ka na magalala, alam ko pakiramdam mo." Sabi ko naman.

"Gusto mo ba pagusapan?" Tanong ko. "Kung ayaw mo ok lang naman Hindi naman kita pinipilit." Sabi ko pa. Nanahimik naman siya na para bang may iniisip.

"Sa susunod nalang, hindi pa ako ready. Pero, s-salamat A-Amber a-ah." Sabi naman niya. "Sana maintindihan mo..." Sabi niya habang pinipigilan na umiyak.

"Wag ka magalala, nandito lang naman ako. Kahit kailan pwede mo ako kausapin." Sabi ko. "Aish. Tumayo ka na nga diyan, sayang pa tuloy yang make up mo." Sabi ko para at least ma pa ngiti siya.

Gumana naman. "Ikaw eh, sira ulo ka rin eh naisip mo pa make up ko." Sabi naman niya. Tumawa naman kami. Hayst. Kung ano man problema ng babaeng yan, alam kong kakayanin niya.

Tinulungan ko siya tumayo at hugasan yung mukha niya. Tinulungan ko na rin siya ayusin yung make up niya at yung buhok niya.

Hindi ko na tinanong yung mga sugat niya. Baka kasi hindi pa siya handa pagusapan at baka makatrigger pa ng panic attack.

Agad naman kami bumalik sa loob ng gymnasium. Sakto at nagdatingan na mga tao sa loob. Nilapitan namin sila May na nandoon parin sa pwesto nila kanina nung umalis ako.

"Ang tagal niyo naman. Ilang layer ba ng make up yung niretouch mo?" Sabi niya. Nagtinginan kami, umiling lang siya. "Nakailang ulit lang kami, at inayos ko pa buhok niya." Sabi ko naman.

"Hayst. Halika na nga selfie muna tayo." Sabi naman ni May. Ngumiti naman kami tapos nagtabi tabi na. Nakailang picture at nakailang pose kami hanggang sa pinapila na kami para sa entrance march.

Nagtaka ako kasi wala mga magulang ni Jaime, kaya nadesisyonan nalang nila mommy na sila nalang muna sasama kay Jaime sa march. At of course pumayag naman ako, best friend ko siya eh.

*PAGKATAPOS NG PROGRAM*
[Oo kasi tamad Author niyo]

Kinanta nanamin yung huling verse ng graduation song namin.

'And I'll Taste every moment and love it out loud... I know this is the time, this the time of my life.'

Pagkatapos ay kinanta na namin yung School hymn. Halos lahat kami ay naiyak, kasi hindi namin alam kung ayun na ba ang huling beses na kakantahin namin yun nang sama sama.

Nung nagexit march na kami nakita namin yung mga bata na dating grade 1 o 2 palang ngayon graduate na sila ng Elementary.

At isang salita lang ang makakapagdescribe sa  moment na ito...

Overwhelming.

Nilapitan ko sila May at for the last time niyakap ko sila. Naiyak nalang ako. "Mamimiss ko kayo... Sobra." Sabi ko.

"Mamimiss ka rin namin." Sabi naman ni May. Humiwalay na ako sa yakap at nginitian ko sila. "Hindi ko kayo kakalimuta." Sabi ko sakanila habang pinipigilan na maiyak.

"Basta walang kalimutan ah. Papasabugin ko UK pagkinalimutan mo kami." Sabi ni May. Natawa naman ako. "Ikaw talaga eh." Sabi ko. Kinalabit ako ni Mommy. Hinarap ko naman siya.

"May gusto magcongratulate sayo." Sabi niya. Sinamahan naman niya ako sa labas ng gymnasium. May nakita naman akong mga ilaw na nakalagay as a path papunta sa Field.

Napangiti naman ako. Panigurado si Martie may kagagawan nito.

***
Martie's POV

"Kinakabahan ako." Sabi ko kay Sophia na nasa tabi ko. Panigurado naglalakad na papunta dito yun si Amber.

"Tsk. Bakit ka naman kakabahan ikaw naman May gusto nito eh." Sabi naman niya. Nahalata ko naman sa boses niya na naiinis na siya.

"Bakit ganyan tono mo? Parang ayaw mo gawin ko toh." Sabi ko sakanya. "Talagang ayaw." Narinig kong bulong niya.

"Anong sabi mo?" Sabi ko sakanya. "Sabi ko, Talagang ayaw ko na magpropose ka diyan sa babaeng yan!" Sabi naman niya.

Nagulat naman ako, magsasalita na sana ako pero tinuloy niya yung sinasabi niya. "Mas deserve mo yung taong maganda! Mapagmahal at yung Mahal ka talaga!" Sabi niya.

"Bakit? Si Amber ba hindi ganon?!" Sabi ko sinisigawan narin siya. "Hindi! hindi ka mahal non! Ginagamit ka lang niya kasi sawi ka!" Sigaw niya.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinasabi niya. "Hindi totoo yan! Alam kong mahal ako ni Amber!" Sigaw ko naman sakanya.

"Mas deserve mo yung MAHAL ka talaga! Hindi yung ginagawa kang panakip butas! Masyado kang mabait para sa mga taong ganon! Mas deserve mo..." Nanghina naman boses niya nung sinabi niya yun.

"Tsk. Sino mas deserve ko? Hah? Ikaw ba?!" Sabi ko iritang irita na. "Hay nako Sophia! Ilang taon na nakalipas simula nung gabing iyon. Hindi ka parin ba nakakamove on!" Sabi ko galit na galit na.

"Hindi! kasi simula noon, hindi ko na maalis sa isipan ko kung paano mo ako hinawakan at hinalikan." Sabi niya, paiyak na.

"Aksidente lang yun! parehas tayong wala sa sarili non. Bata pa tayo nun." Sabi ko sakanya. Umiling naman siya ng umiling. "Hindi! hindi aksidente yon!" Sigaw niya.

"Tigilan mo na nga ako Sophia!" Sigaw ko. Bigla naman siya lumapit saakin at bago ako makapagsalita hinalikan niya ako.

"M-Martie?"

***
Amber's POV

Sinundan ko yung mga ikaw papuntang field. Naglalakad ako habang nakayuko. Oo na tanga na ako kasi baka madapa ako pero Hindi ko maalis sa isipan ko kung anong plano non ni Martie eh.

Nung nakita ko na rose petal na ang pumalit tumingin na ako. At pinagsisisihan ko na tumingin pa ako. Parang binugbog yung puso ko sa nakita ko.

Naghahalikan si Martie at si Sophia. At ang masakit pa doon parang gusto pa ni Martie. Nahilo naman ako. Parang inalis yung hangin sa lungs ko hindi ako makahinga.

"M-Martie?" Sabi ko. Tumingin naman siya saakin. At nakita ko sa mga mata niya ang awa at pagsisisi.

At yun ang huli kong nakita bago naglabo ang paningin ko at unti unti nang natumba.

Iisa lang ang tanong na pumasok sa isip ko.

Bakit? Bakit ngayon pa?

***

Heyy... Oy bitin ulit. Abangan niyo yung susunod na chapter. Ang raming magbabago.

Sooo.... Kamusta? Ano na kalagayan ng mga puso niyo ngayon? Rami nangyayare noh.

Kaya baka iextend ko yung librong ito baka mga 40 o 45 na parts netong librong ito. Mahaba haba pa kasi yung story eh.

Pero wag kayo magalala Derederetso na SIGURO update ni author.

Thank you loyal readers at sorry sa mga wrong spelling at wrong grammar English kasi forte ni Ateng Otor eh😂😂😂

Salamat sa lahat...

Ayan lang muna sa ngayon...

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon