Chapter 20: Meeting The Parents

80 4 0
                                    

Amber's POV

"Amber, nandito na tayo." Paggising sakin ni Martie. Binuksan ko yung mata ko tapos sumilip sa bintana. May nakita akong malaking bahay. Sa paligid ng bahay may mga bulaklak. "Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Hindi pa naman kasi kita napapakilala sa pamilya ko eh, kaya ngayon kita naisipang ipakilala sakanila." Sabi naman niya. "H-Ha? Ng-gay-yon." Paputolputol Kong sabi dahil sa kaba.

Bakit Hindi niya sinabi na papakilala niya ako sa pamilya niya. Nakapagayos sana ako, ang gulo pa naman ng buhok ko, yung damit ko Parang pangmall. "Kinakabahan ka ba?" Tanong niya.

"O-Oo Sino ba namang Hindi?" Sabi ko, "Wag ka magalala mababait naman sila eh." Sabi niya, "Hindi ako natatakot sakanila, nahihiya ako kasi Hindi appropriate yung damit ko." Sabi ko.

"Anong Hindi appropriate?" Tanong naman niya, "Naka ripped jeans at crop top ako, Baka kung anong isiping ng pamilya mo." Pagdadahilan ko. "Ok lang yan, dalawa babae ko na kapatid ganyan rin sinusuot nila." Sabi niya.

"Ok fine, pero magaayos muna ako ng buhok." Sabi ko, "Oo, bilisan mo lang." Sabi niya. Tumango naman ako tapos kinuha sa bag ko yung suklay ko at pangtali. Nagponytail nalang ako, at dahil may bangs ako inayos ko nalang.

"Alam mo Hindi mo naman kailangan mag ayos eh, maganda ka naman eh." Sabi niya. "Pero Para sayo Mas maganda si Sofia." Bulong ko, "Ha?" Sabi niya, "Wala sabi ko thank you." Palusot ko. Pasalamat nalang ako Hindi niya narinig.

"Halika na." Sabi niya, "Oo na, halika na." Sabi ko. Binuksan na niya yung pintuan ng kotse niya tapos lumabas na siya. Kinuha ko naman muna yung bag ko, bago ko pa mabuksan yung pintuan ko nabuksan na ni Martie.

Lumabas na ako tapos hinalikan siya sa pisngi, "Thank you." Sabi ko. Sinarado na niya yung pintuan nung kotse tapos nilock. Naglakad naman kami papunta doon sa pintuan ng bahay.

"Ready ka na?" Tanong niya, Tumango naman ako. Tapos kumatok na siya. Wala pang limang Segundo bumukas na yung pintuan. Pagkabukas may nakita akong bata babae kasi ng edad siguro ni Lucas. Bigla naman siyang yumakap Kay Martie. "Kuya!" Sigaw niya.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Martie, "Namiss kita, ano nang ginagaw—" naputol naman siya nung nakita niya ako, ngumiti nalang ako. "Sino siya?" Tanong niya, "Ah, siya si Amber yung sabi ko sayo na matagal ko nang gusto." Sabi naman ni Martie.

Nagulat naman ako nung biglang yumakap sakin yung batang babae. Napangiti nalang ako tapos tumingin Kay Martie. "Mahilig siya sa mga tao eh, mabait yan wag ka magalala." Sabi naman ni Martie.

Lumuhod naman ako Para makita ko yung itsura niya. Infernes ang ganda niya ah, kamukha niya kuya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya na may malambing na tono. "Maria, grade six na ako." Sabi niya. Napangiti naman ako.

"Ikaw ate may kapatid ka?" Tanong niya, bigla naman nawala yung ngiti ko kasi naisip ko si Bryce. Napansin naman ni Martie kaya inunahan na niya akong sumagot. "Oo, dalawang lalake yung isa kasing tanda ni ate Michaela yung isa Mas matanda sayo ng isang taon." Sabi ni Martie.

Nagkunyare nalang akong ngumiti, tapos tumayo na. Hinawakan naman ni Maria yung kamay ko. Napangiti naman ako. "Halika pasok na tayo sa loob." Sabi ni Martie. Tumango naman ako tapos pumasok na kami hawak parin ni Maria yung kamay ko.

Pagkapasok namin, may biglang yumakap na mommy niya yata. "Kamusta na, Simula nung lumipat ka Wala na akong maustusan." Pagbibiro ng mommy niya. Napatingin naman yung nanay niya sakin.

"Siya ba si Amber?" Tanong niya, "Oo, si daddy?" Tanong ni Martie. "Ah nasa office niya sa taas, nandoon rin si Michaela tawagin mo sabihin mo kakain na." Sabi nung mommy niya. "Ok, halika papakilala kita kay Michaela." Sabi ni Martie.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon