Chapter 34: Salamat

54 4 9
                                    

Amber's POV

Nakahiga ako sa kama habang tinatapos basahin ang isa sa mga paborito kong libro. Kakatapos lang ng rehearsal para sa graduation namin. Habang binabasa yung mga huling salita at dialogue nung main character napapaisip ako. Hindi ko alam kung sinasadya ng tadhana na paringgan ako. 'Umpisa palang ikaw na.' 'Kahit kailan hindi nawala yun.' 'Hanggang ngayon, habang pinapanood kita maglakad sa aisle.' 'Minahal kita.' 'At minamahal parin kita.'

"Nangiinis yata toh eh." Sabi ko sa sarili ko. Sinarado ko muna yung libro ko, at tumingin sa ceiling. Iniisip ko yung mga sinabi ni Luke sakin. Ang tagal na niyang sinabi sakin pero hindi ko pa napagisipan yung mga nangyare nung araw na iyon.

Maniniwala nanaman ba ako? Lolokohin nanaman ba niya ako? Nagbago na nga ba talaga siya? Hindi ko alam kung masasagot ba yung mga tanong ko. Sana masagot. Sana lang. 

Nagising uli ako sa katotohanan ng biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko naman kinuha at tinignan kung sino yung tumatawag. Nagulat naman ako nung makita na si Jaime pala yung tumatawag. Kadalasan kasi text lang siya kasi 'mauuubos' daw yung load niya. Pero sinagot ko Parin.

"Hello, Beh? napatawag ka." Sabi ko, "Beh, sama ka samin? maggagala kami." Sabi naman niya saakin. "Sorry beh, wala ako sa mood eh. Next time nalang." Sagot ko naman sakanya. "Beh, kilala kita, pagkailangan mo ko alam mong palagi ako nandito para sayo." Sabi ni Jaime. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Fine, pupunta ako."

"Yehey! hintayin ka na namin ah." Sabi niya. Ngumiti naman ako, nahahawa sa saya ng kaibigan ko. Pagbaba ko ng telepono agad naman ako nagbihis. Tinignan ko yung itsura ko sa salamin. Medyo maputla na ako, Dahil sa pagpupuyat ko. "Hindi naman nila mapapansin yan." Sabi ko sa sarili ko. 

Kinuha ko na susi ng kotse ko at nagpaalam na kay mama. Paglabas ko may nakita akong kahon sa Gate namin. Kinuha ko yung kahon, habang tumingin sa paligid. Umaasang makita yung nagiwan. Tinignan ko naman yung kahon. May ribbon na nakadikit na may kasamang note. Binasa ko naman yung note.

'For your eyes only... I'll show you my heart.'

Bilang hardcore fan ng One Direction, natandaan ko kagad yung lyrics na nakalagy sa papel. If I Could Fly yung kanta. Isa siya sa mga kantang nagpaiyak saakin. Kahit halos 3 years na nakalipas nung irelease nila yung kantang yan, pinapaiyak parin ako niyan hanggang  ngayon.

Pumunta na ako sa kotse, inilagay ko muna yung kahon sa passengers side. Hindi ko muna bubuksan, siguro paguwi ko nalang mamaya. Tinext ko muna si Jaime kung saan ko sila pupuntahan. Nung sumagot na siya, Stinart ko na yung kotse at umalis na.

***

Pagdating ko sinalubong naman ako ng mahigpit na yakap ng mga kaibigan ko. "Amber!" Sigaw nila, surprisingly sabay sabay. "Bakit sa forest na walang kataotao niyo naisipan maggala?" Tanong ko, "Wala, Bes magblindfold ka pala muna." Sabi ni Vanessa. "Ha? Bakit? Kayo ah pinagtritripan niyo nanaman ako." Sabi ko. "Bilis na." Sabi naman ni May.

Tumango naman ako, tapos nilagay na nila yung blindfold. Agad ko naman hinawakan yung balikat ni Jaime. Alam ko kay Jaime yung kasi mas maliit siya sakin. Agad ko naman silang sinundan. Ilang beses na ako nadapa at natumba pero wala parin kami dun sa pupuntahan namin.

"Hoy! Nasan na ba tayo ah? Ang sakit na ng paa ko sa layo ng nilakad natin." Sabi ko iritang-irita na. "Oo eto na malapit na tayo." Sabi ko. Tumigil naman bigla si Jaime sa harap ko, at muntikan nanaman ako matumba sa Bigla niyang pagtigil.

"Ano ba naman yan! magsabi ka naman pagtitigil na." Sabi ko. "Nandito na tayo pwede mo na tanggalin yung blindfold." Sa sinabi niya nagmamadali naman akong tanggalin yung blindfold ko. Nagulat naman ako sa nakita ko.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon