Amber's POV
Paggising ko unang nakita ko sila Jaime. "Good morning bes!" Sigaw nila. "Grabe naman kayo, Ang aga pa eh." Sabi ko, "Maaga kanina pa kami nandito, 12:00 na oh." Sabi ni May habang pinapakita niya yung cellphone niya.
"Bakit naman ngayon niyo lang ako ginising?" Sabi ko, "Kasi baka mamatay ka." Sabi ni Vanessa. "Grabe siya oh." Sabi ko naman. "Ah!" Napasigaw ako. Takteng sakit ng ulo na yan. "Tutuloy pa ba natin yung sa SM?" Tanong ni Jaime, "Oo nga." Pangsasangayon naman ni Vanessa.
"Bes, hanggang dito ba naman Oo nga talaga sagot mo." Sabi ko habang tumatawa. "Oo nga naman noh Vanessa." Sabi naman ni May habang tumatawa pati si Jaime natawa. "Alam niyo Ang sama niyo sakin." Sabi naman niya habang pinipigil tumawa rin.
Nung tumawa naman ako, lalo lumakas tawa nila May. "Bakit naman?" Tanong ko habang pinipigilan na tumawa. "Yung tawa mo kasi." Sabi ni May habang halakhak parin ng halakhak. "Lumabas na nga kayo, magaayos pa ako." Sabi ko.
"Magiingat ka ah." Sabi ni Jaime. "Sa CR lang naman ako eh." Sabi ko, "Excuse me marami na po Ang namamatay sa CR, main causes yung pagnadudulas tumatama yung ulo sa lapag tapos namamatay, eh ikaw may brain tumor ka eh maari lang mamatay pagnangyare yun." Sabi ni Jaime.
"Ok, sa labas mo na dalhin yang mga trivia mo." Sabi ko, "Ok, halika na nga Jaime si Vanessa nasa baba na yata naghahanap ng pagkain." Sabi ni May. "Ayun naman talaga hanap nun eh." Sabi ni Jaime tapos lumabas na, kumaway sakin si May tapos lumabas na ng kwarto ko.
Humiga muna ulit ako, bakit kasi kailangan magkakasakit pa ako. Matapos ng ilang minutong nakahiga tumayo na ako tapos pumunta sa closet ko. Kinuha ko yung susuotin kong damit. Pagkakuha ko pumasok na ako sa CR at naligo.
***
Matapos ko magbihis at magayos bumaba na ako, doon nakita ko si Vanessa kumakain si May nagcecellphone sigurado akong kdrama nanaman yan si Jaime naman kausap si Lucas.
"Ang ganda ng suot mo ah." Sabi ni May. "Ang simple lang ng suot ko eh." Sabi ko, simple nga lang naman, crop top na white tapos blue na stripes tapos jumper na black na parang ripped jeans tapos boots na brown tapos yung salamin ko na walang grado. Diba simple.
"Tandaan mo magmamall lang tayo hindi fashion show." Sabi ni Jaime. "Hayaan niyo yan si ate, magsisimba nga lang eh ang haba ng dress." Sabi ni Lucas, natawa naman sila May.
"Well, it's because I have a nice sense of style for short I'm fashionable." Sabi ko naman. "Sosyal ka lang bes." Sabi naman ni Vanessa. "Ok, whatever." Sabi ko naman.
"Tara na." Sabi ko, "Sino magmamaneho?" Tanong ni May, "Sino lang ba ang may driver's license?" Tanong ni Vanessa. "Oo nga naman." Sabi naman ni Jaime. Tapos tumingin sila sakin.
"Alam niyo ako nga pinakabata dito, pero ako yung unang nagkaroon ng driver's license." Sabi ko, "Tamad lang kasi kami, Ok na yun at least may driver sa grupo natin." Sabi ni Jaime.
"Lucas, pagdating ni mommy galing palangke sabihin mo lumabas lang kami nila May." Sabi ko, Tumango naman siya habang Hindi inaalis yung tingin niya sa cellphone niya. At least Hindi kagaya ni Daisy yung kuya niya.
Lumabas na kami tapos pumunta sa kotse ko. "Sino tatabi sakin?" Tanong ko, "Si May nalang." Sabi ni Vanessa. Binuksan ko na yung kotse ko tapos sumakay na. Sumakay narin sila May pagkatapos ko sumakay.
"Seatbelt." Sabi ko, kinabit naman nila yung Seatbelt nila. "Wala bang naiihi?" Tanong ko, "Ako." Sabi ni Vanessa. "Pigilin mo." Sabi ko naman, "Ok na, ah." Sabi ko, Tumango naman sila pinaandar ko na kotse ko at umalis na.
***
Pagkadating namin tumakbo kagad si Vanessa sa loob sumisigaw ng 'PAGKAIN!' Natawa naman kami nila may sa ginawa niya.
Pumasok na kami sa loob. Hinanap namin si Vanessa, nakita namin siya doon sa may DQ. Tinuturo niya yung ice cream. Natawa nanaman kami, tapos nilapitan si Vanessa.
"Ikaw napaka PG mo palagi." Sabi ni May, "Masarap lang kumain." Sabi ni Vanessa. Nung kami naman yung oorder sinabi ko kay Vanessa dalawa ibibili ko sakanya kasi nakakatawa siya. Sumimangot siya pero sabi niya Ok lang basta pagkain.
Yung lalake sa counter napaka pamilyar sakin. Tinignan ko yung tag niya.
'Martie' agad naman ako nagulat, "Idol?!" Napasigaw ko, "Amber?!" Sagot naman niya. "Grabe, dito ka pala nagpapart-time job." Sabi ko, "Oo, nasabi ko na sayo ah." Sabi niya. "Akala ko sa ibang DQ ka nagtratrabaho." Sabi ko.
"Martie! Ibigay mo na order nila!" Sigaw nung babaeng mukhang manager nila. "Sasusunod nalang sa chat ah." Sabi niya habang inaabot yung ice cream namin Tumango naman ako tapos umalis na.
"So siya pala si Idol." Sabi ni May. "At least Alam nating may papalit Kay Luke pagnagmove on ka na." Sabi ni Vanessa habang puno pa yung bibig niya ng ice cream.
"Move on na ako Simula pa nung araw na yun." Sabi ko. "And speaking of the devil." Sabi ni May habang tinuturo si Luke at— Tracey?!. Inirapan ko sila, si Tracey naman mukhang nakita kami tapos lumapit pa samin. Subukan niya Hindi lang sampal makukuha niya.
"Well, well, well." Sabi ni Tracey. "Balon, balon, balon." Pangiinis ni May. Natawa naman kaming tatlo ng panginis. "Me and Luke are actually having a date right know and what are you doing here, tambay lang? Wala naman yata kayong perang pambili eh." Sabi ni Tracey subukan niya lang talaga ako.
"Tracey, sabi ko maguusap lang tayo Hindi naman tayo nagdadat—" pagsasabi ni Luke pero pinutol ko. "Siguro naman mahal na mahal ka talaga niyan ni Luke noh, iniwan ka tapos babalikan." Sabi ko.
"Past is past, nagmamahalan kami at dahil yun kasi maganda ako." Sabi ni Tracey. Kaming tatlo naman nagkunyareng nagsusuka. "YUCK! EW!" Sigaw ko, pinipigil naman tumawa ni Luke.
"What it's true! You guys are too dumb to know anyway." Sabi pa niya, "B*tch what?!" Sigaw ni May. "Uhm, excuse me ikaw yata yung dumb." Sabi ni Jaime. "I am not." Sabi naman niya.
"Ok sige nga, what is the square root of 64?" Tanong ni Jaime. "Pangelementary na yan." Sabi ni Vanessa. "Uhm—8-16— 7." Sagot niya. Natawa naman kami nila May. "8." Bulong ni Luke sakanya. "Ay, 8 pala." Sabi niya. Tawa parin kami ng tawa nila May.
"Matuto nga kayo gumalang sa nakakaganda." Sabi ni Tracey. "At matuto ka naman gumalang sa nakakatalino." Sabi ni Jaime. Nag'oohh!!' Naman kaming tatlo. "You b*tches don't know who you're messing with." Sabi niya.
"May pa english english pang nalalaman eh, Amber talunin mo nga." Sabi ni May, "With pleasure." Sabi ko.
"What it seems like you don't even know the basics on speaking in English." Sabi ni Tracey. "Well, you might be surprised." Sabi ko.
"Ugh, you whore." Sabi niya. Sila May naman napagasp. Alam ng buong school na walang tatawag sakin whore o slut kasi it's either papabubog kita sa tatay ko o papakaladkad kita sa pinsan kong racecar driver.
"You know, I really want to slap you right know but I guess that will be animal abuse." Sabi ko. Natawa naman sila May sa sinabi ko. "Ugh!" Sigaw niya, tapos naglakad naman kami paalis. "Hoy! I'm not done talking." Sigaw niya. "Well we're done listening." Sabi ko naman.
"Galing mo talaga eh." Sabi ni May habang inaapir ako. "Ganyan talaga nga Reyes." Sabi ko. "Isang araw magbabayad sakin yan si Tracey sa pagtawag niya sakin na whore." Sabi ko.
Isang araw talaga.
***
Hey! Salamat sa mga nagvote sa nga nagfollow at nagadd ng story ko sa reading list niyo.
Tuloy tuloy lang ang drama. Sorry sa typo gabi na at inaantok na si otor. Kahit Alam kong Baka 12 o'clock na ako matulog.
Continue sa pagbabasa niyo.
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Подростковая литератураAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...