Chapter 23: Trouble

73 4 4
                                    

Amber's POV

Pagkapark namin agad naman ako lumabas ng kotse at tumakbo derederetso papunta sa Entrance. Pinanood ko naman na magkasunod na naglalakad si Martie at si Bryce papunta sakin habang tumatawa dahil sa kakulitan ko.

Nung nakalapit na sila sakin pinatong ni Bryce yung kamay niya sa balikat ko. "Alam mo, Wala ka talagang pinagbago makulit ka paring kahit Mas matanda ka sakin." Sabi niya. Ngumiti nalang ako. "Alam mo ikaw rin Wala ka rin pinagbago, protective ka parin." Sabi ko naman sakanya.

"Ayaw lang kita mapahamak ate, at ayaw ko na mahiwalay pa ulit sainyo." Sabi niya. "Aww, ikaw parin talaga yung napakacheesy at napaka sweet Kong baby brother!" Sabi ko habang pinipisil yung pisngi niya. Tumawa naman siya.

"Uy! Halika na nga kayong dalawa hahaba pa pila sa mga rides niyan." Sabi ni Martie. Inakbayan ako ni Martie tapos pumasok na kami. Pinanood ko habang naguunahan yung mga bata sa mga rides, yung iba bumibili ng mga laruan.

Nakakamiss naman maging bata, "Ano muna unang ride!?" Sigaw ko habang nagtatatalon at nagsisisigaw na Parang bata. "Saan mo ba gusto?" Tanong ni Martie, "Uhm..." Sabi ko habang tinitignan yung mga rides at games.

Nakita ko yung bump car, "Sa bump car! Gusto ko sa bump car!" Sigaw ko habang nagtatatalon at nagsisisigaw na naman na Parang bata. Tumawa naman si Martie at si Bryce dahil sa kakulitan ko na naman.

"Sige na nga halika na."

***

Matapos ang paglalaro namin, bigla ko naman naramdaman yung gutom na ang tagal ko nang pinipigil dahil sa excitement ko. "Nagugutom na ako." Sabi ko. "Oo nga eh, ako rin." Sabi ni Bryce.

"Halika doon tayo oh, may food court." Sabi ni Martie. Naglakad naman na kami papunta doon sa may food court. Pagkadating namin doon naghanap na kami ng uupuan. Naka kita rin kami doon sa may kabilang dulo.

Umupo na kami, "Sino na magoorder?" Tanong ko, "Ako nalang." Sabay na sabi nila Martie at Bryce. "Sige kayo nalang dalawa." Sabi ko. "Dito ka lang ah." Sabi ni Martie. "Oo, Hindi naman ako aalis." Sabi ko. Tumayo naman na sila tapos umalis na Para magorder.

Nilabas ko yung cellphone ko at nagbasa nalang ng mga story sa wattpad. Tumingin muna ako sa paligid ko. May mga lalaking tumitingin sakin pero Hindi ko nalang pinansin.

***

Nung paiyak na ako dahil dun sa story na binabasa ko dumating na sila Martie na may bitbit na tray ng pagkain. Yung kay Martie may Dalawang large fries at tatlong burger, kay Bryce naman tatlo coke hawak niya.

"Nagbabasa ka na naman noh?" Tanong ni Martie, "Bakit masama ba?" Tanong ko, "Hindi naman, ako nga eh nagbabasa." Sabi ni Martie, "Anyway, ano ba yung binabasa mo?" Tanong ni Martie. "Four Bad Boys and Me? I'm In love with a DOTA player? Teen Clash? A Place in Time? He's Into Her? Anong?" Dagdag pa niya.

"Ha? Hindi fan fiction." Sabi ko, "Grabe ah, nagbabasa ka pala." Sabi ko. "Oo, pero tumigil narin siguro ako dati." Sabi niya. "Kumain na nga tayo." Pagputol naman ni Bryce. "Oo na." Sabi ko naman. Tapos kumain na kami.

-

Pagkatapos namin kumain, umalis na kami at pumunta ulit sa mga rides at pinagpatuloy yung paglalaro namin. Maya-maya naramdaman ko na Parang bigla ako naiihi. "Uy naiihi ako." Sabi ko sakanila.

"Sige umihi ka na muna." Sabi ni Martie, "Halika sasamahan ka namin, pero Malang Hindi sa loob ng CR sa labas lang kami." Sabi ni Bryce. "Oo na sige." Sabi ko. Pumunta naman kami sa may restrooms.

"Dyan lang kayo ah." Sabi ko, Tumango naman sila tapos humarang sa dalawang gilid ng pintuan ng CR na Parang bodyguard. Napatawa nalang ako sa ginawa nila.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon