Chapter 32: Gusto kita

52 4 1
                                    

Amber's POV

Matapos ang lahat ng mangyari kahapon, Ito ako nagcecelebrate ng monthsary namin ni Martie. Alam kong si Martie dapat nasa isip ko, pero Hindi eh.

Hawak ko yung binigay sakin na necklace ni Luke, yung necklace na higit pa sa ₱42,000. Kausap ko si Martie kanina eh pero iba nasa isip ko.

"Amber? Uy? Naririnig mo ba ako?" Narinig kong sabi ni Martie. "Ha? Sorry, ano yun?" Tanong ko. "Sabi ko, nagustuhan mo ba yung binigay ko na bouquet?" Sabi niya.

"Ahh, Oo ang ganda." Sabi ko, "Alam mo ba si Sofia, yung kaibigan ko, napakilala ko na yata siya sayo eh." Sabi niya, parang may selos naman akong naramdaman.

"Oo, kilala ko siya." Sabi ko, "Kaninang umaga, siya pa nagsabi saakin kung saan magandang bumili ng bulaklak, sinamahan niya pa ako." Sabi niya.

Tuluyan naman na akong nainis. Hindi niya ba Alam na akin lang si Martie. Pero, parang... Parang may Mali. Pagsinasabi ko na akin si Martie, bakit kaya?

"Ahh, talaga ba?" Sabi ko, na may halong sarcasm. "Oo, matagal na kasi kaming close nun eh, siguro Simula pa nung grade 3." Sabi niya. Sumimangot naman ako. 'Edi shing' sabi ko sa sarili ko.

Ano ngayon? May magbabago ba? Past naman na diba? Dati lang yun. Dati.

"May problema ba?" Tanong niya, "Ha? Wala naman, bakit mo nasabi?" Sabi ko, "Nakasimangot ka kasi eh." Sabi niya. "Ahh, hindi Wala naman." Pagsisinungaling ko.

"Nga pala, kanino galing yang kwintas mo? Ngayon ko lang nakita eh." Sabi niya, bigla naman ako kinabahan. Ano sasabihin ko? Sasabihin ko ba yung totoo? O mag sisinungaling nalang ako?

"Ahh—Eto-uh- galing toh kay-uh- Kay— May." Pagsisinungaling ko. Kahit naguguilty ako sa mga Pagsisinungaling ko Alam Kong Mas nakakabuti na yun.

"Ahh Bait nam—" naputol naman siya nung may biglang kumatok sa pintuan. Tumayo naman si Martie tapos binuksan yung pintuan.

"Happy Monthsary!" Sigaw ng pinaka ayaw Kong makitang tao ngayon. Si Sofia. May hawak hawak pa siyang mga shopping bag.

"Sofia, nandito ka." Sabi ko, naiinis na talaga ako diyan sa babaeng yan. Tinignan niya lang ako ng masama, tapos tumingin Kay Martie tapos ngumiti.

Plastik.

"Martie! Nagdala ako ng regalo sayo at sa girlfriend mo." Sabi niya at diniin pa yung pagsabi ng 'girlfriend'. "Salamat, Alam mo, talagang tunay na kaibigan ka." Sabi naman ni Martie.

Inabot ni Sofia yung mga shopping bag Kay Martie. Pinatong naman ni Martie sa coffee table yung binigay ni Sofia.

Nasa bahay kami ni Martie, wala kasi parents niya at mga kapatid niya sabi niya may pinuntahan raw. "Gusto mo ba ng water? Coffee? Juice?" Tanong ni Martie Kay Sofia. "Water's fine, thanks." Sabi ni Sofia.

English pa ng English Mas magaling naman diction ko, Mas magaling pa yata ako magenglish diyan eh. Show off.

"Kukuha lang ako ah, diyan lang kayo." Sabi ni Martie saming dalawa. "Okay." Sabay naming sabi, nagkatinginan naman kami. Kung nakakamatay yung titig ko napatay ko na yang babaeng yan.

"So..." Sabi ko, "Matagal na kayong close ni Martie noh." Sabi ko sakanya. "Oo, since magkaibigan parents namin, Simula pagkabata magkaibigan na kami." Sabi niya.

"Ahh..." Sagot ko naman, "Selos ka naman." Narinig Kong bulong niya. Parang nasusunog naman mata ko sa sama ng tingin ko sakanya.

"Ano sabi mo?" Gigil na gigil kong sabi Kay Sofia. "Alam mo naman na sa huli, ako parin pipiliin ng parents niya." Pangiinis niyang sabi sakin. "Kilala ako ng parents niya, Alam nilang ako mahal niya." Sabi ko naman

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon