Amber's POV
Matapos ang classes sinundo ko na sa classroom niya si Lucas, kasama ko si Jaime. "Bakit kaya si Briana pa pinalit ni Dan Kay May?" Pagtataka ni Jaime. "Ewan ko nga eh, mabait naman si May, Matalino, Maganda, Matapang. Lahat na nga nasakanya eh." Sabi ko.
"Kaya nga eh, ano namang meron dun kay Briana? Wala." Sabi ni Jaime, mga ilang minuto lumabas narin si Lucas. "Hey, kamusta?" Tanong ko, "Ok lang naman." Sagot naman niya.
"Halika na, hahatid muna kita pauwi ah kasi mamimili pa kami ni ate Jaime mo." Sabi ko kay Lucas, "Hindi ba ako pwede sumama?" Tanong niya, "Hindi uuwi naman kagad ako, bibilan nalang kita ng Dairy Queen." Sabi ko.
"Sige! Tara na." Sabi naman niya, habang tumatakbo papunta sa kotse ko. Pagkarating namin dun nagulat nalang ako ng makita ko si Luke.
Of course nilalandi nanaman siya, Kelan pa ba nagbago yan. Umirap nalang ako at binuksan yung kotse ko. Pumasok na ako sa loob at pumasok narin si Jaime at Lucas.
Pinaandar ko na yung kotse at umalis.
***
Pagkahatid ko kay Lucas pumunta na kami ni Jaime sa SM. "Masakit ba?" Tanong ni Jaime. "Ng akin?" Tanong ko naman, "Nung nakita mo si Luke? Nasaktan ka ba?" Tanong pa niya ulit.
Napaisip ako, sanay naman na ako nakikita si Luke na may kasamang ibang babae pero somehow natutunan ko narin na Hindi maapektohan masyado.
"Hindi naman na ganon ka sakit pero Oo." Sabi ko, "Hindi ko pa kasi mahanap yung taong magmamahal talaga sakin eh." Sabi ni Jaime. "Nandyan naman kasi so Mateo eh." Sabi ko, "Ugh! Wag na nga natin pagusapan yung epal na yun." Sabi niya.
"Bakit ba ayaw mo sakanya? Mabait, kayang maghintay, Gwapo, matalino, mayaman." Sabi ko, "Isa nga siya dun sa mga campus heart rob eh." Dugtong ko pa. "Ganto kasi yan eh, crush niya lang ako, Hindi niya pa ako mahal." Sabi niya.
"Ewan ko sayo, si Vanessa lang talaga may forever satin." Sabi ko, "Oo nga, sila ni John. Nagdedeny pa sila sa una eh." Sabi naman ni Jaime.
Buti pa si John nagloyal na si Luke kaya Kelan?
***
Pagkadating namin sa mall, agad naman kami pumunta sa National Bookstore. "Maghiwalay tayo Lara Mas madali natin mabili lahat ng kailangan natin." Sabi ko.
"Oo nga eto, ikaw sa Bond paper, Folder, at decoration." Sabi ni Jaime. "Anong yung sayo?" Tanong ko. "Markers, Puncher, at Fastener." Sagot naman ni Jaime.
Naghiwalay na kami ni Jaime pumunta siya doon sa may mga marker ako naman sa mga folder. Pagkapunta ko doon, halos mapatalon ako sa nakita ko.
Siya nanaman? Anong kamalasan Ang binigay sakin ng mundong ito? Nanahimik ako dito eh, reresbakan nanaman ako nyan eh.
Si Tracey, isa siya sa mga babaeng ayaw na ayaw saaming apat. Nung Hindi pa kami nabubuo nang bubully yan. At isa ako sa mga nabully niya. At Ex rin siya ni Luke.
"Well well well, isn't it the great Amber Reyes." Sabi ni Tracey. "Wag mo nga akong guluhin Tracey, Wala ako sa mood manampal ah." Sabi ko. "Wow, Hindi porket kasama ka sa pinaka sikat na grupo sa school natin matapang ka na." Sabi niya.
Sinusubukan talaga ako ng bruhang to eh. "Matuto ka nga gumalang sa nakakaganda." Pangiinis ko, at halata naman sa mukha niya na naiinis siya. Kumuha na ako ng isang folder tapos naglakad paalis.
"Hoy! Hindi pa ko tapos sayo." Sigaw ni Tracey habang naglakad na ako papunta sa mga isle ng bond paper. "Well, ako tapos na." Sabi ko naman. Sumigaw siya at lumabas na ng National. Pinagtinginan siya ng mga tao, at paglabas na tinuloy na nila mga ginagawa nila.
Kumuha na ako ng bond paper at lumipat naman dun sa mga pangdekorasyon. Bakit pagpangdekorasyon kailangan puro bulaklak o kaya puro pangbata.
Paano naman yung mga highschool, Ang korni panaman ng mga sticker. Kumuha nalang ako ng foam paper/sheets, at ng glue at ng double sided tape. Ako nalang gagawa ng pangdesign namin.
Tinawag na ako ni Jaime na nakapila na sa cashier. "Bakit foam paper?" Tanong niya, "Ako nalang gagawa nung pangdekorasyon, Ang korni ng mga sticker nila dito." Sabi ko, "Bahala ka." Sabi naman ni Jaime.
Mga ilang sandali rin kami na yung magbabayad. Binigay namin sa Cashier yung mga bibiliin namin. "That will be ₱357." Sabi nung lalake. Nilabas ko naman yung wallet ko at nagbayad.
Umalis na kami ni Jaime sa National at pumunta naman sa DQ. Kasi a promise is a promise, at magagalit sakin kapatid ko paghindi ko siya binilan.
Pumunta kami sa counter, "3 Oreo cookies n' cream please." Sabi ko. "Right this way ma'am." Sabi nung babae. Pumunta naman kami doon sa may gilid. "Here you go ma'am." Sabi naman nung lalake habang binaliktad yung ice cream.
Kinuha ko na yung akin at yung kay Lucas. Binigay ko na Kay Jaime yung sakanya. Lumabas na kami ng SM, sumakay na sa kotse ko.
***
Pagkahatid ko kay Jaime sa bahay niya, dumiretso naman ako dun saamin. Ok lang kaya si May? Bakit ba talaga siya pinagpalit ni Dan? Baka naman may dahilan? Hayaan ko na nga lang Hindi ko naman buhay yun eh.
"Hi, Ate." Sabi ni Lucas sakin. "Nasan ice cream ko?" Tanong niya. "Eto oh, cookies n' cream yan." Sabi ko, habang kinukuha yung ice cream ni Lucas yung akin na ubos ko na eh.
Pagkakuha ko agad naman hinablot ni Lucas sakin. "Thank you ate!" Sigaw ni Lucas habang pumapasok sa loob ng bahay. Tumawa nalang ako. Tapos pumasok na sa loob.
"Hi, Amber. Umupo ka na at kakain na." Sabi ni mommy, umupo naman na ako. Makalipas Ang ilang minuting pagkain may naisipan akong itanong Kay mommy. "Mommy kailan pupunta yung bisita natin?" Tanong ko.
"Bukas pa naman." Sagot naman ni mommy. Tapos na kami kumain at paakyat natin nang may marinig akong katok sa pintuan. "Amber paki tignan nga kung sino yun." Utos sakin ni mommy.
Pumunta naman ako sa may pintuan at tinignan kung sino yun. "Hello sino po sil—" naputol yung sinasabi ko kung makita ko siya.
"Dan?!"
***
Ohhh...Ano kayang ginagawa ni Dan sa bahay nila Amber?
Salamat sa loyal readers! Continue reading. Paki comment ng Mali ko para maitama ko.
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Roman pour AdolescentsAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...