Chapter 12: Mangliligaw

96 5 24
                                    

Bago ko simulan ang chapter na toh kailangan ko lang toh sabihin sa mga basher ng 1D. T*NG INA NIYO! MGA G*GO NANANAHIMIK NA NGA KAMI EH!

Ok na sorry, Ok continue.

***

Amber's POV

"Martie?!" Napa sigaw ko. Nagtinginan naman yung mga tao sakin. Nagblush naman ako sa hiya. "Ayan kasi ang ingay eh." Sabi niya habang pinagtatawanan ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Dito ako naka tira eh." Sabi niya, nagulat naman ako. Bakit parang tinatadhana kami nito ni Martie. "Sayo tong aso?" Tanong niya, "Oo, ngayon lang niregalo sakin ni daddy yan." Sabi ko.

"Ang ganda niya, babae o lalake?" Tanong niya, "Lalake." Sabi ko, "Anong pangalan?" Tanong niya. "Max." Sabi ko. Tumingin ako sa paligid. Dumidilim na, binuksan na nga yung mga street lights eh.

May biglang malakas na hangin na dumaan kaya nanginig ako. Nakita ako ni Martie. Tumayo siya tapos tinanggal jacket niya, tapos binalot sakin. "Alam mo, halika gala pa tayo." Sabi ni Martie.

Tumango naman ako, tapos kinuha yung tali ni Max tapos naglakad na. "Saan ka nakatira?" Tanong ko, "Dyan sa may kanto." Sabi niya, "Kanto talaga eh noh." Sabi ko, "Hindi naman ako lumaki sa mayamang pamilya kagaya mo eh, yumaman lang kami nung nagtayo si daddy ng company niya." Sabi ni Martie.

"Alam mo kamukha niya aso ko, si Bambi." Sabi ni Martie. "Lalake?" Tanong ko, "Hindi, babae." Sabi niya. "Ahh, Alam mo nagbago itsura mo simula nung elementary." Sabi ko. "Oo nga eh, sabi rin nila." Sabi niya.

"Sinong 'nila'?" Tanong ko, "Sila oh." Sabi niya habang may tinuturo, sinundan ko naman yung tinuturo niya. Ay nako sa lahat ba naman ng tao sila pa. "Hi! Amber!" Sigaw ni Tracey. Pahumble si gaga. Kasama niya pa si g*go.

"Hi, Tracey. Hi Luke." Sabi ni Martie. Nanahimik nalang ako tapos umirap. "I think we were destined to meet here." Sabi ni Tracey, tapos nilagay yung kamay ni Luke sa balikat niya kaya Parang inaakbayan siya ni Luke.

Umirap nalang ako. "Well, maybe me and Luke were just destined to see Martie not this bitch." Sabi ni Tracey. "Ah!" Pagaarte kong masakit ulo ko. Tumingin ako sakanila si Martie lumapit sakin. "Ok ka lang?" Tanong ni Martie.

"Oo, ang panget lang nung nasa unahan ko." Sabi ko, pinigil naman ni Martie yung tawa niya. "What? Who? Me?" Tanong niya. "Oh, Yes who else would I be talking about." Sabi ko, "Whatever." Sabi niya. "Anyway, Me and Luke are having a cute little date." Sabi niya habang hinalikan si Luke.

Napairap naman ako. Pagkatapos nung kung ano mang ginagawa nila kanina. Tumingin sakin si Luke, tapos ang g*go ngumisi. "Anyway, mukha naman nakakaistorbo kami kaya halika na Amber." Sabi ni Martie habang inakbayan ako tapos hinalikan ako sa pisngi.

Nagulat ako, bakit niya ako hinalikan sa pisngi? Nagsisinungaling ako kung sinabi Kong Hindi ako kinilig. Oo, kinilig ako pero Mas marami parin yung gulat. Tinignan ko si Max, buhay pa naman siya.

Tinignan ko si Luke, sumimangot siya. Ako naman tong ngumisi. Naglakad na kami ni Martie paalis. "Good luck sa realsyon niyo!" Narinig Kong sigaw ni Tracey nung nakalayo na kami. Tuluyan na kami lumayo ni Martie.

Nung nakalayo na kami ni Martie, tinanong ko siya. "Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko, "Diba nasabi mo sakin na gusto mo si Luke? Alam Kong nagselos ka kaya ayun." Sabi niya. "Hindi mo naman kailangan gawin yun eh." Sabi ko.

"Diba matagal na kita crush? Itatanong ko nga sana kung pwede ako mangligaw eh." Sabi niya. "Ha? Bakit ako?" Tanong ko. "Bakit Hindi ikaw?" Sabi niya.

"Maganda, mabait, matalino, friendly, maldita, mahiyain. Oh, kung ako nga lang Kay Luke eh ikaw pipiliin ko." Sabi niya, namula naman ako. Tumingin ako kay Max.

Papayagan ko kaya si Martie mangligaw? Wala naman masasaktan eh, walang nararamdaman si Luke sakin, Wala namang ibang nangliligaw sakin kaya pwede naman siguro.

"Oo, pwede naman siguro." Sabi ko, "Talaga?" Tanong niya pa ulit. Tumango ako. "Yes!" Sigaw niya. "Pero ligaw lang, ligaw ah." Sabi ko. "Oo, thank you, thank you talaga." Sabi niya habang niyayakap ako.

"Uuwi na ako, baka hinahanap na ako nila daddy." Sabi ko, "Sasama nalang ako, magpapakilala rin ako sa parents mo." Sabi ni Martie. "Oo, sige pwede naman." Sabi ko naman.

"Halika na." Sabi ko, sumunod na si Max tapos naglakad na kami papunta sa bahay namin.

"Hi Ate!" Salubong ni Lucas sakin. "Sino siya?" Tanong ni Lucas habang tinuturo si Martie. "Ahh, naalala mo ba si Idol?" Tanong ko. "Oo, yung madalas mo kachat." Sabi naman ni Lucas. "Siya yun." Sabi ko naman.

"Ahh, good luck pala kuya, mahirap pasagutin yan si ate." Sabi ni Lucas, papaluin ko sana si Lucas pero nakailag siya. Tumingin naman ako kay Martie tumatawa siya.

"Wag ka magalala, mapapasagot ko yang ate mo." Sabi niya, papaluin ko rin sana si Martie pero umililag rin siya. Tinignan ko si Max, lumuhod ako tapos tinanggal tali niya. Pagkatanggal ko, bigla naman siya nagtatakbo.

"Nasaan pala sila mommy?" Tanong ko kay Lucas. "Ah, nasa kusina si mommy, si daddy nasa office niya." Sabi ni Lucas. "Tawagin mo nga, papakilala ko si Mart-" sabi ko pero pinutol ni Martie. "Wag na, busy ata mga magulang mo. Sunday naman bukas eh." Sabi niya.

"Sure ka ah?" Tanong ko, "Oo, sige na uuwi na rin naman na ako eh. Magpahinga ka na, ayaw ko namang mapuyat yung future girlfriend ko." Sabi niya tapos kinindatan ako.

"Manahimik ka nga dyan! Hindi ka pa nga technically nangliligaw eh." Sabi ko, "Hayaan mo bukas, may supresa ako sayo." Sabi niya, napangiti naman ako, "Sige na, Baka hinahanap ka na ng mommy mo." Sabi ko, "Bye, Amber." Sabi niya tapos hinalikan ulit ako sa pisngi.

"Oo na, sige ma bye." Sabi ko, habang pinapanood siya umalis. Napangiti naman ako. At least Alam ko na may isang lalake na mamahalin yata ako ng tunay. "Uy!" Sigaw ni Lucas. Napatalon naman ako sa gulat.

"Ayie, si ate may nangliligaw." Pangiinis ni Lucas, "Manahimik ka na nga, aakyat na ako ah inaantok na ako eh." Sabi ko tapos umakyat na papunta sa kwarto ko. Sumunod naman si Max sakin.

Humiga ako tapos, bigla naman pumatong sa ibabaw ko si Max. Dinidilan niya yung mukha ko. Umayos na ako Para matulog. Nagbihis muna ako tapos humiga na ulit ako.

Bago ako matulog may narinig akong nagmessge saakin. Kinuha ko naman cellphone ko at tinignan kung sino. Napangiti naman ako sa nabasa ko.

IDOL😂😂😂😂:
Goodnight, love

***

Team Luke o Team Martie?

Nagselos kaya si Luke? Mahal kaya talaga ni Martie si Amber?

Malalaman natin yung sagot sa mga tanong na yan sa mga susunod na chapter. Salamat sa 200+ reads!!! Love lots

Nagfofollow pa ako ng nagaadd ng story ko sa reading lists nila kaya continue reading and voting.

Sorry sa typo 12:00 na po, inaantok na si otor. Kaya hanggang sa muling update, mahal na mahal Kong readers...

Thanks

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon