Chapter 35: Who?

26 3 2
                                    

Amber's POV

Nilapitan ko sila Jaime nakumakain. Tinabihan ko naman sila. "Salamat nga pala ulit. Sa lahat ng nabigay niyo saakin eto yung hinding hindi ko malilimutan." Sabi ko. "Ayun namaon talaga point ng lahat ng eto eh. Para matandaan mo kami sa pagalis  mo. Para kahit umalis ka, hindi ka aalis ng malungkot at nagiisa." Sabi ni May.

Ngumiti naman ako. Bigla ko naman natandaan yung box na nakuha ko kanina. "Uy, oo nga pala. Alam niyo ba may nakita ako box sa may Gate namin." Sabi ko. "Huh? Kanino galing?" Sabi ni Vanessa. "Ewan, walang nakalagay na pangalan eh. Note lang." Sabi ko. "Ano naman nakalagay dun sa note?" Tanong ni Jaime. "Lyrics ng 'If I Could Fly'." Sagot ko. "'For your eyes only... I'll show you my heart.'" Dagdag ko pa. "Baka si Martie." Sabi ni May. Napaisip naman ako.

Oo nga naman. Wala namang ibang taong magbibigay sakin ng ganon eh si Martie lang. "Siguro nga." Sabi ko. "Tinignan mo na ba yung laman nung box?" Sabi ni Jaime. Umiling lang ako. "Siguro mamaya ko nalang titignan paguwi ko." Sabi ko. Tumango naman sila.  

Mga ilang oras nakalipas naguwian na sila. Kahit sila mommy nauna na. Natira nalang dito ako, si Jaime, si May,at si Vanessa. Nagliligpit na kami. "Geh, mga beh mauuna na kami ni Vanessa, nandito na raw si kuya eh. Magpapahatid nalang kami pauwi." Sabi ni May.

"Geh, kami na ni Jaime tatapos magligpit dito." Sabi ko naman. Tumango naman sila May at kinuha na nila gamit nila at Umalis. Patapos na kami magligpit nang may makita akong maliit na kahon. Wala naman akong matandaan na may nagbigay saakin nun. At lahat ng regalo na binigay saakin nasa kotse ko na.

Pinulot ko toh at tinignan. 

'To: Amber'

'Everything has changed...'

Natandaan ko naman yung kahon na natanggap ko rin kaninang umaga. Parehas sila ng size. Magkaiba lang sila ng kulay. Sa ibang kanta niya rin kinuha yung lyrics. Ngayon naman sa 'Everything Has Changed' ni Taylor Swift at Ed Sheeran. Hindi ko naman nakita si Martie kanina. Sino kaya nagbibigay sakin ng mga ganto? Ano kayang meron sa loob nito?

Bubuksan ko na sana, per kinulubit ako bigla ni Jaime. "Hoy! Ano na ako na lang ba magliligpit ha?" Sabi niya. "Nakakagulat ka naman eh, Oo na may naiwan lang na regalo dito." Sabi ko. Tumango naman siya. Iniwan ko muna sa lamesa yung kahon at nagpatuloy na sa paglilinis.

"Jaime, ako na maghahatid sayo pauwi." Sabi ko. "Geh." Sabi niya, nagtaka naman ako. "Parang ang tahimik mo ngayon Jaime." Sabi ko. "Ay, grabe ka. Ganon na ba ako kadaldal na pagnanahimik ako ng ilang segundo may problema na kagad ako." Sabi niya. "Wala naman akong sinabe na may problema ka eh." Sabi ko.

Ngumiti lang siya na halata na pilit. "Meron ba?" Tanong ko. "Ahm, wala -ah- pagod lang." Sabi niya. "Kilala kita beh. Alam ko pag may tumatakbo sa isip mo." Sabi ko. "Alam mo naman na mapagkakatiwalaan mo ako diba?" Dagdag ko pa.

Huminga naman siya ng malalim. "Ayoko muna pagusapan. Sa susunod nalang." Sabi niya. Tumango naman ako. Iniintindi yung sitwasyon niya, at binibigyan siya ng space. "Ikaw?" Sabi naman niya. "Kadalasan hindi ka na sumasama saamin. Palagi ka nalang nasa loob ng kwarto mo sabi rin ng nanay mo." Dagdag pa niya.

"Wala, Marami lang ako iniisip." Sabi ko. "Gusto mo ba pagusapan?" Tanong niya. Napaisip naman ako. "Minsan ba naramdaman mo na parang mali na? Parang May kulang na? yung parang nawala na yung spark?" Sabi ko. 

"Hmm... isa lang ibig sabihin nun. It's either sawa ka na sakanya oh, nawala na yung nararamdaman mo sakanya dati." Sabi ni Jaime. "Kadalasan nangyayare yan pagmay nakilaang bago, o tinamaan ka na sa iba." Dagdag pa niya. "Bakit? Ayun ba yung nararamdaman mo?" Tanong pa niya.

Napaisip naman ako, paano kung Oo? Ibig sabihin ba nun niloloko ko si Martie? "Hindi ko na alam gagawin ko..." Sabi ko. "Wala na akong ibang ipapayo sayo, kundi magpakatotoo ka sa sarili mo. Kung alam mo na mali na, o hindi mo na talaga nakikita future niyo itigil mo na. Kesa lokohin mo pa siya." Sabi niya. Tumango nalang ako. 

"Geh tama na nga yang drama. Tara na, uwi na tayo." Sabi ni Jaime. "Tapos naman na tayo eh." Dagdag pa niya.

Tumayo na kami at binitbit na lahat ng gamit na naiwan at pumunta na sa kotse ko. Nilipat ko muna yung dalawang kahon sa backseat kasama nung mga regalo para makaupo si Jaime. Tinignan ko yung oras, nakita ko na past 9:20 na.

Hinatid ko na si Jaime sa Village nila. Pumasok muna ako ng mga ilang inuto sa bahay nila para batiin magulang ni Jaime. Pagkatapos ay nagpaalam na ako at umalis na. 

***

Paguwi ko tinignan ko ulit yung orasan, mageeleven na kaya siguro tulog na sila mommy. Pinasok ko na sa loob. Since marami rami siya naka ilang balik ako bago ko nakuha lahat. 

Paakyat na ako nang makita ko yung dalawang kahon. Kinuha ko muna yung dalawang kahon bago ako muling umakyat. 

Pagakyat ko sinarado ko na yung pinto ko, at umupo sa kama ko. Kinuha ko yung unang kahon na nakuha ko kaninang umaga. binuksan ko at tinignan yung laman. Nakita ko may orange na origami flower. Parang yung mga paper flower na binibigay ni Luke saakin noon. 

Sa Loob ng box meron ring note

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa Loob ng box meron ring note. Binuksan ko ito at binasa. 

'Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat...'

Nagtaka naman ako kasi yun lang ang nakalagay sa pirasong papel na yun. Binuksan ko naman yung pangalawang box. Nagulat naman ako na ang laman nito ay loom bands na singsing. Pink at Purple yung pattern niya. Parang familiar siya eh, pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita dati.

Tinignan ko ulit yung loob, at surprisingly may laman rin siyang note. Binasa ko ulit ito.

'Kung inaakala mo... Ang pagibig ko ay magbabago...'

Napaisip naman ako. Sino magbibigay saakin ng ganto? Eh si Martie lang naman ang naging seryoso saakin noon. At well, nung grade 6 siguro si Marcel isa rin sa mga naging [ehem] mangliligaw ko. Pero that's impossible, kasi lumipat na yun sa ibang bansa. at hindi ko na alam kung anong nangyare dun.

Humikab ako sa pagod at Antok. Bukas ko nalang siguro hanapin yung sagot sa mga tanong ko. Ngayon inaantok na talaga ako. Kinuha ko yung speaker ko at pinatugtog ang isa sa mga paborito kong playlist.

Naisip ko naman yung sinabi ni Jaime saakin kanina. Bakit kasi ang tanga ko eh? Palagi nalang ako bumabalik sa lalakeng yun. Kahit playboy balik parin ako ng balik. Tanga ko kasi.

Binalik ko na sa loob ng kahon yung note at paper flower. At ganon rin sa singsing. Pinatay ko na yung ilaw at natulog na.

***

Heyy... so ayun... inaantok na ako at napipikit na. At kung ang panget ng chapter na toh pasensya na inaantok na talaga si otor. Salamat nga pala sa 2.37k and counting reads. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Salamat sa lahat ng support niyo.

Gragraduate na author niyo sa tuesday. Salamat sa mga kaklase ko na sumubaybay sa MKS. At congrats rin kay bebeh Kate, Official member ka naaa. Hindi rin edited toh kaya sorry sa mga mali koo~ wala kasing taong perfect.

Anyway...

Ayun lang muna sa ngayon....

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon