Amber's POV
"Gusto na yata kita."
Wala na ako nasabi, tinitigan ko nalang siya tumayo at naglakad palayo. Hindi na nagcocooperate brain cells ko, naglakad nalang ako palayo.
There's nothing left to say, isang araw siguro? sa isang linggo? sa isang buwan? Never?
Hindi ko na talaga alam.
***
Makalipas and ilang linggo, naging tahimik ako, halos hindi na ako nagsasalita, kahit sila May hindi ko na kinakausap. Siguro kailangan ko lang ng panahon para saakin. Naging supportive naman sila May sa naging decision ko.
Madalas kami nagkakasalubong ni Luke sa Hallway, pero hindi kami naguusap. Ever since nung araw na yun, naging awkward kami, short glances and all, wala ng iba.
Pero, kahit ganon suot ko parin yung kwintas na binigay niya saakin kahit papano.
Malapit na graduation, mga ilang linggo nalang. Kahit ang raming nangyare this whole school year, may part sa sarili ko na parang mamimiss toh. Yung classroom, yung Ingay, Sermon, at marami pa.
Dahil tapos na Exam, wala na masyadong ginagawa sa classroom, hindi ko nga alam kung bakit pinapapasok pa kami eh, wala naman nang ginagawa.
Iba kong kaklase nagjajamming nalang, yung iba naman naglalaro ng Mobile Legends ba yun? Ewan ko, adik na adik sila dun, Yung iba naman gaya ko nagbabasa.
"Bes." May kumalabit sakin, pagaharp ko nakita ko si May. Ngumiti ako tapos Binalik niya naman rin. "Tara, Tambayan tayo." Sabi niya, tumango lang ako. Tumayo na ako at naglakad na kami papunta sa CR.
Pagdating namin doon nandon na si Jaime at Vanessa. Ngumiti sila. "Mamimiss ko toh." Sabi ko, "Kahit CR lang toh, ang rami nating alaala dito this past 6 years." Sabi ko.
"Oo nga." Sabi ni Jaime. "Naaalala niyo yung naloko natin si May nung Grade 5, nung sinabi ko na meron na ko, tapos si May sabi 'PENGENG 5 PESOS' para mabilan ako ng pads." Sabi ni Vanessa, Habang tumatawa. Lahat kami napatawa sa sinabi niya, natatandaan yung araw na yun.
"Oo nga, dito mismo yun sa CR na toh." Sabi ko, lahat naman kami napatigil. "Mamimiss ko kayo..." Sabi ko, lungkot halata sa tono ko. Niyakap naman nila ako. " Mamimiss ka rin namin, sana isang araw magkita kita ulit tayo..." Sabi ni May.
"Oo nga, tapos noh sa concert pa ng BTS tayo nagkita kita." Sabi ni Vanessa. Napatawa naman kami, "Oo nga tapos nameet natin mga bias natin." Sabi ni Jaime. Ngumiti nalang ako. Mamimiss ko mga ganto namin.
Mamimiss ko lahat, yung school, yung culture, mga event, mga pagsasalo... Iba na lahat yan pagdating ko sa UK. Nagkasakit pa kasi ako eh, dahil kay Luke lahat toh eh. Sana hindi nalang nangyare lahat na nangyare nung araw na yun.
"Halika na lakad lakad tayo sa Campus." Sabi ko. Tumango naman sila, at agad na kaming umalis sa CR. (ang weird para sa author niyo na itype yung 'paglabas namin sa CR' XD) Of course being well behaved students *daw* nagpaalam kami. Dahil wala ng classes pinayagan kami.
Unang pinuntahan namin ay ang Gymnasium ng school namin. Tinignan namin yung mga bleachers. "Natatandan niyo ba yung pwesto na yan? yung pinaka unang ash Wednesday ng grupo natin, nung University week natin nung grade 5?" Sabi ko.
"Oo nga yung tabi tabi pa tayong apat." Sabi ni Jaime halata sa tono niya ang saya. "Oo nga yung mangiyak ngiyak na si Amber sa sakit, dahil pinahid sa tigyawat niya." Sabi naman ni Vanessa habang tumatawa. "Nangyari nga saakin yun noh? gustong gusto ko na ngang hugasan yung noo ko nun eh." Sabi ko tumatawa rin.
"Oo nga tapos nung naggrade six tayo, yung tanging grade na nagkahiwalay tayo ng section, si Vanessa nalang yung hindi pa nagkakamens." Sabi naman ni May. "Oo nga." Sabi ko naman patuloy ang pagtawa. "Oo nga, kahit siya yung pinaka matanda saating apat." Sabi naman ni Jaime.
Pagkatapos namin sa Gymnasium, pumunta naman kami sa MiniForest ng school namin. " Alam niyo ba sa batch natin yung nagpangalan sa miniforest na miniforest? Dati pala ang tawag dito garden." Sabi ko. "Oo nga, pero si Vanessa hindi pa natin kaklase noon noh?" Sabi ni Jaime. Si Vanessa kasi new student pa siya nung grade 5 kami. Noong Grade 5 rin na buo ang grupo namin. Na ang pangalan ay BurnBibehGurls o BBG for short.
"Grade 3 o 2 yata natin sinimulan yun, Tapos ngayon buong school ang tawag na dito miniforest." Sabi naman ni Jaime. "Oo nga, galing talaga natin." Sabi naman ni May. "Tapos marami rami pang puno noon, ngayon paunti na ng paunti." Sabi ni Jaime. Nagbago naman ang mood namin. Dahil sa modernization ayan na nangyayari...
"Hayy... Ang saya balikan ng mga alaala noh? Lalo na pagmasasaya." Sabi ko, "Oo nga." Sabi naman ni Jaime. "Kung wala man forever sa pagibig, sana saating pagkakaibigan meron." Sabi ni Vanessa.
Ngumiti Ako...
Sulitin ko na tong panahon na toh...
At least i know memories last forever...
Para pagnawala ako may matatandaan pa ako...
pagnawala na ako ng tuluyan.
***
Heyy... So ayun nga sa computer na ako naguupdate kaya medyo matatagalan ako ng slight. Shou out pala kay liit (Alam kong nagbabasa ka). Dahil si liit malayo na narating sa wattpad, nagkapagbasa na siya ng mga libro na tulad ng 'Happy Family'.
Kung hindi niyo pa nababasa yun inaadvice ko kayo wag niyo basahin.
Anyway, bibigyan ko kayo ng choice...
It's either mahabang update pero isa lang kada week o kada 2 weeks or maikling update pero halos 3 times a week ang update.
Ayan mamili kayo. Salamat sa mga masipag pumindot ng notifs. Salamt sa mga readers na nandyan pa. Salamat kay liit kasi pinangiti mo ulit ako, matapos ang halos ilang buwan na pagiyak. Salamat sa lahat.
Sa ngayon ayan muna...
Nagmamahal,
Happy niyong otor :)

BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Teen FictionAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...