Chapter 31: Necklace

57 4 3
                                    

Amber's POV

Nakapagimpake na ako at nakaalis na, sinundo ko muna sila Jaime. Kaya eto sila ngayon nakaearphones tapos nakatingin sa kalsada.

Malapit naman na kami, kasi traffic. Paano banaman kasi nakailang stop over na kami. Dahilan ni Vanessa naiihi raw siya, pero pagbalik may bitbit na paper bag na puno ng pagkain.

Wala ka namang magagawa kasi food is life. Si May naman bibili raw siya nung string bag na may nakalagay na BTS. Si Jaime naman, libro. As always, dahil ako driver ako naiiwan sa kotse.

Si Vanessa tulog na, pero may hawak parin na burger yan, Oh Pak! San pa kayo. Si Jaime naman, well, nakaearphones na tulog. Si May, sigaw ng sigaw nanonood ng kdrama habang nakaearphones.

Hay, isang kotse pero apat na iba't ibang klaseng tao.

May - Si Kdrama Addict
Vanessa - Si Food Addict
Jaime - Si Matalino girl w/ earphones
And Me - Si Normal na taong nagmamaneho

"OPPA!" Biglang sigaw ni May, nanonood parin ng Kdrama. "Swag!" Sigaw pa niya. "Weightlifting fairy? Akala ko ba tapos mo na yan?" Sabi ko, nakatingin parin sa kalsada.

"Oo nga, Hindi ba pwedeng panoorin ulit?" Sabi niya. Napailing nalang ako habang nakangiti, natutuwa ako na kahit ganto sila, magkakaibigan parin kami.

Maya-maya nakarating narin kami dun sa resort. Sila Luke palang yung nandoon mamaya pa raw sila Mateo. Binaba na namin yung mga gamut namin, at yung mga pagkain.

Agad naman nagbihis sila May, since nasa private pool naman kami at overnight naman, walang hahadlang sa kasiyahan namin.

"Wooohh!" Sigaw ni Allan, tapos nagdive sa swimming pool. Sumunod naman si Luke, tapos si John. Maya Maya lumabas na sila May sa CR nakabihis na.

Tumalon narin siya, ako naman inayos na yung table. Hindi naman ako mahilig sa mga outing outing eh, at may period ako kaya mahirap magswimming.

"Amber! Halika na!" Sigaw ni Jaime, "Hindi, kayo muna mamaya nalang ako." Sabi ko, "Heh! Ang KJ mo, patapos naman na yang period mo!" Sigaw pa niya.

Namula naman ako, sino banaman kasing hindi eh kung isigaw ng kaibigan mong may period ka malamang mamumula ka. "Hindi mamaya nalang ako." Sabi ko.

"Bahala ka nga dyan! Mag karaoke ka nalang Para at least nageentertain ka." Sabi niya, umiling nalang ako. "Sige na maganda naman boses mo eh." Pagsusuyo ni Vanessa.

"Kung ayaw mo ako nalang, sige ka Baka mabasag mga salamin sakin." Sabi ni Mary. "Ay sige, ako nalang, naaawa ako sa eardrums ng mga tao sa paligid. Baka mabingi sila." Sabi ko.

Napatawa nalang sila, "Truth be told magandang naman talaga boses ko, pero Wala ako sa mood ngayon. Eh ayaw ko naman masira eardrums namin pagkumanta si Mary kaya, sige." Sabi ko.

'Yehey!' Sigaw nila Jaime. Kinuha ko yung songbook tapos pumili na ng kanta.

Can't help falling in love with you

History

Little do you know

Little things

Love me like you

One thing

Secret love song

Skyscraper

Ano kaya? Lahat magaganda yung kanta eh, Ano kayang kanta? May nakita naman akong kantang bagay na bagay sa sitwasyon ko ngayon.

Taken by One Direction

Ang tagal na yata nga kantang yan, 4 or 5 years na yata. Pero ang meaningful niyang kantang niyan sakin, ang lalim kasi ng hugot eh. Saktong sakto pa sa sitwasyon ko ngayon.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon