Chapter 13: Oo

87 5 2
                                    

Amber's POV

"Saan mo gusto pumunta bago tayo pumunta sa secret napupuntahan natin?" Tanong ni Martie. "Siguro sa SM muna, kain muna tayo nagugutom ako eh." Sabi ko.

"Ok, matakaw ka pero hindi halata sa katawan mo." Sabi niya, "Kasi madalas ako magjogging pagumaga, pero hindi araw araw." Sabi ko naman. "Pero Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sayo ni Luke." Sabi niya.

"Kasi marami na siyang babae, hindi na niya kailangan ng katulad ko." Sabi ko, "Anong masama sa katulad mo? Masarap kausap, mabait, palagi natawa, mas nakakatawa pa yung tawa kesa dun sa sinabi, at marami pa." Sabi ni Martie.

"Sabihin nalang natin na ayaw niya sakin at umayaw na ako sakanya." Sabi ko, "Ako, kailan man hindi kita aayawan." Sabi niya habang nakatingin parin sa kalsada.

"Buti ka pa nga eh, napapansin mo halaga ko." Sabi ko tapos tumingin sa bintana. Bakit nga ba talaga ayaw sakin ni Luke? Kasi ba panget ako? Kasi ba masyado akong self-conscious? Baka ayaw niya lang talaga saakin.

"Huy, ang lalim ng iniisip mo ah, nandito na tayo." Sabi ni Martie, "Sorry, halika na." Sabi ko habang lumalabas na ng kotse. Hinintay ko siya lumabas tapos, naglakad na kami papasok sa SM.

Pagpasok namin tinanong ako ni Martie, "Saan mo gusto kumain?" Tanong niya, "Sa McDo." Sabi ko naman, "Ala king ioorder mo noh?" Tanong niya, "Kilala mo naman ako eh, Alam mong gusto ko yun." Sabi ko.

"Oo nga naman, halika na." Sabi niya, pumunta na kami sa McDo. "Magoorder na ako maghanap ka na ng uupuan." Sabi niya. Tumango naman ako tapos naghanap ng uupuan namin.

Nakahanap rin ako ng upuan. Umupo na ako tapos hinintay si Martie. Maya maya dumating narin siya, na may dalang tray na may pagkain.

"Oh, ayan na kain na, baka hindi pa tayo makapunta sa pupuntahan natin niyan." Sabi ko, kasi kanina pa siya nakatingin sakin pagkaupo niya. "Alam mo, mamaya pagkatapos natin kumain dadaan tayo sa National." Sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko, "Basta, sige na kain na." Sabi niya. Kumain naman na kami. Matapos ang ilang minuto, natapos narin pagkain namin. "Ay, wait sanadli lang." Sabi ni Martie nung patayo na ako.

"May ketchup ka pa sa pisngi mo." Sabi niya tapos pinunasan yung pisngi ko. "Halika na, dadaan pa tayo sa national." Sabi niya. Tumango naman ako tapos umalis na kami.

Pagkapasok namin sa national, hinila niya ako doon sa may mga libro. Tinignan ko puro wattpad books. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko, "Diba sabi mo mahilig ka magbasa ng wattpad? Kaya ayan bibilan kita ng libro." Sabi niya.

"Kahit ilan pa bilin mo, basta mapasaya kita Ok lang." Sabi niya. Namula naman ako tapos tumingin nalang sa mga libro para makaiwas ng tingin.

"Nakapili ka na?" Tanong niya, pumili ako ng tatlo tapos, pumunta na kami sa cashier. Nung kami na magbabayad, pinatong ko yung mga libro na napili ko tapos nilabas yung wallet ko. Inunahan naman ako ni Martie, at siya na yung nagbayad.

"Hindi mo naman kailangan gawin yun eh." Sabi ko, nung binibigay na nung cashier yung paper bag na naglalaman ng mga librong pinili ko.

"Hayaan mo na, basta nga ikaw diba kahit ano gagawin ko." Sabi niya, "Alam mo, ang cheesy mo talaga." Sabi ko. "At least Alam kong napapakilig kita, halata kaya sa pisngi mo." Sabi niya, "Heh! Manahimik ka nga." Sabi ko habang hindi na napigilan na napangiti.

Lumabas ma kami ng national at dumeretso na sa exit ng SM. Pagkalabas namin ng SM, dumeretso na kami sa kotse niya at umalis na.

***

"Salamat dun sa libro ah." Sabi ko, "Ok lang, napasaya naman kita eh." Sabi niya, "Saan naman tayo pumunta ngayon?" Tanong ko. "Malayo layo yung pupuntahan natin, kaya kung gusto mo matulog pwede ka pa matulog." Sabi niya.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon