Amber's POV
Nagising ako dahil sa malakas na music na narinig ko mula sa baba. Tumayo Ako tapos napahawak nanaman sa ulo ko. Bakit hanggang ngayon ang sakit parin ng ulo ko.
Tumayo Ako, yung katawan ko Hindi na ganon ka sakit pero yung ulo ko talaga. Sinubukan ko bumaba, well nagawa ko naman.
"Mommy, ang aga aga ang lakas ng patugtog mo." Sabi ko, "Anong maaga? 12:30 na." Sabi ko, napatingin naman kagad ako sa orasan namin. 12:30 na nga. "Masakit pa ba ulo mo?" Tanong ni mommy. "Oo, sobra." Sabi ko naman.
Tapos may bigla naman Parang kumulo sa tiyan ko, tapos tumakbo ako papunta sa lababo. Tapos nasuka ako. "Anak, sabihin mo nga sakin buntis ka ba?" Sabi ni mommy.
"Ha?! Ako buntis?! Mommy naman hindi pa nga ako nahahalikan eh buntis na kagad?" Napasigaw ko dahil sa gulat. "Paguwi ng daddy mo magpapacheck up tayo." Sabi ni mommy.
"Pero sabi niyo pagtatlong araw na hindi pa ako magali—" na putol nanaman ako kasi bigla nanaman ako napasuka. "Tignan mo na, basta paguwi ng daddy mo magpapacheck up na tayo." Sabi ni mommy.
Naghilamos na ako tapos umupo sa sofa. "Kakain ka ba?" Tanong ni mommy. "Mamaya na." Sabi ko. Naalala ko naman yung mga luma naming picture. Nasa attic pa kaya yung mga yun.
"Mommy, nasa attic pa ba yung luma nating picture?" Tanong ko kay mommy, "Oo, nasa isang box lahat yun." Sabi ni mommy. Tumayo naman na ako kahit masakit pa yung ulo ko.
Umakyat ako tapos umakyat pa ulit tapos pumunta ako sa attic. Doon nakita ko yung mga box na puno ng luma naming gamit. Mga lumang damit, lumang laruan, lumang libro etc.
Nakita ko na yung box na puro lumang picture namin. Binuksan ko yung box, napangiti naman ako sa mga picture na nakita ko.
Yung una picture ko nung bagong panganak pa ako, yung pangalawa si Lucas nung baby pa talaga siya. Tapos, yung isa...
Picture nung isa Kong kapatid, si Bryce. Nung bata kami nawala siya, hanggang ngayon Hindi pa namin siya nahahanap. 2 taon pagitan namin, kami naman ni Lucas 5 taon. Halos isang month ako umiiyak nung nawala siya.
Kahit madalas kami magaway nun, kapatid ko parin siya. Aaminin ko namimiss ko siya kahit naiinis ako sakanya minsan. 5 taon na siyang nawawala nung pang isang taon palang, sabi na ng pulis baka namatay na si Bryce. Lalo lang ako umiyak nun.
Yung nakita kong picture ni Bryce, yung naliligo siya sa timba nung baby pa siya sa bahay nila Lola. May tumulo na mga luha sa mga mata ko. Lahat ibibigay ko makita ko lang ulit kapatid ko.
"Amber?" Sabi ni mommy, tumingin siya sakin. "Si Bryce nanaman ba yan?" Tanong ni mommy. Tumango nalang ako. Bigla naman kumirot yung ulo ko. "Amber bumaba na tayo, sasakit lang lalo ulo mo." Tumango nalang ako, tapos bumaba na kami ni mommy.
Maya-maya dumating na si daddy. "Amber, sabi ng mommy mo nagsuka ka raw?" Tanong ni daddy pagpasok niya sa bahay. "Kanina panaman yun daddy." Sagot ko naman, "Nangyare parin." Sabi naman ni daddy tapos nilapitan ako.
Hinawakan niya yung noo ko, "Magpapacheck up na tayo." Sabi ni daddy tapos kinuha ulit susi ng kotse niya. "Hindi naman kailangan e—" sabi ko tapos napahawak sa ulo ko dahil sa sakit.
"Tignan mo, magpapacheck up na tayo, paano kung lumala pa yan hindi ko kayang mawalan pa ng anak." Sabi ni daddy tapos lumabas na. Nagulat naman ako dun sa sinabi ni daddy.
Limang taon na namin Hindi nababanggit yung tungkol Kay Bryce. Pupuntahan sana ni mommy si daddy pero hinarangan ko. "Ako na kakausap Kay daddy." Sabi ko Kay mommy.
Tumango naman si mommy, tapos lumabas na ako. "Daddy?" Sabi ko, nakita ko siya umiiyak. Hindi naman yung OA na iyak yung parang lumuluha lang siya. "Daddy, Hindi ako mawawala sainyo ni mommy." Sabi ko kay daddy.
"Masakit lang ulo ko, Wala ng iba masakit lang talaga ulo ko." Pagconvince ko kay daddy. "Basta magpapacheck up parin tayo." Sabi ni daddy, "Sige na nga." Sabi ko.
"Halika na." Sabi ni daddy, "Tatawagin ko lang si mommy." Sabi ko, "Sige tawagin mo na." Sabi ni daddy habang sumasakay sa kotse niya. "Wait, kayo maghahatid sakin?" Tanong ko kay daddy. "Oo." Sabi niya tapos sumakay na at sinarado yung pinto ng kotse niya.
Pumasok na ako sa loob. "Mommy, halika na raw magpapacheck up raw ako." Sabi ko naman. Tumango naman siya tapos kinuha yung bag niya.
Lumabas na kami tapos sumakay na sa kotse ni daddy. Ang tagal ko nang Hindi nakakaupo sa backseat, madalas kasi ako sa front seat o driver's seat.
"Ah!" Napasigaw ako sa sakit. "Kapit ka lang, tiisin mo muna." Sabi ni mommy, tapos umandar na kami. "Oo, susubukan ko." Sabi ko.
***
"Reyes?" Tawag saamin nung nurse. Kanina pa kami naghihintay dito ngayon Parang kami tinawag. Tumango na kami at pumunta doon sa kwarto nung doctor.
Binuksan ni daddy yung pintuan, "Good morning Mr. And Mrs. Reyes and Ms. Amber." Pagbati saamin nung doctor namin. "Please sit down." Sabi niya umupo naman kami nila mommy, "Thank you Dr. Rodriguez." Sabi naman ni mommy.
"What seems to be the problem?" Tanong niya. "Uhm, si Amber kasi kahapon sumakit yung ulo niya, hanggang ngayon actually, tapos kanina nagsuka siya." Sabi ni mommy.
"Uhm, are the headaches severe?" Tanong ni Dr. Rodriguez. "Yes, she sometimes screams in pain." Sabi ni mommy, "Mhm, does she vomit often or occasionally?" Tanong ni Dr. Rodriguez. "Uhm, just last night and this morning." Sabi naman ni mommy.
Tumango si Dr. Rodriguez tapos pumunta saakin. Tinapat niya sa ibdib ko yung stethoscope niya. "Her heart rate seams to be stable, can you please inhale then exhale." Sabi niya. Sumunod naman ako, "Breathing is fine." Sabi niya tapos tumayo at bumalik sa desk niya.
"Uhm, we will have to take a X-ray to see if she has some sort of fracture near to her brain." Sabi naman ni Dr. Rodriguez. "Ok, how long will that take?" Tanong ni mommy. "Uhm, maybe 10-20 minutes." Sagit naman ni Dr. Rodriguez.
"Ok, come here Ms. Amber." Sabi niya sakin, "Ok." Sagot ko naman. Tapos pumunta kami sa kwarto na madilim. "May you please lay down on that bed there." Sabi niya sumu of naman ako tapos humiga sa kama na nasa ilalim ng malakeng machine.
"Ok, close your eyes." Sabi niya. Pinikit ko naman. "Masakit ba yan?" Tanong ko. "Hindi naman Para ka lang pinipicturan pero yung buto mo yung pinipicturan." Sabi niya.
Matapos siguro Ang ten minutes natapos rin. "We're done you can stand up." Sabi ni Dr. Rodriguez tapos tumayo na ako.
"You can wait in my office with your parents." Sabi ni Dr. Rodriguez. Bumalik naman na ako sa office niya. "Ok na?" Tanong ni mommy. "Oo, ieexamine nalang raw niya." Sabi ko.
Tapos hinintay na namin si Dr. Rodriguez.***
"Uhm..." Sabi ni Dr. Rodriguez habang pumapasok sa office niya matapos Ang ilang minuto. "Doc ano na po." Sabi ni daddy. "Uhm, I have bad news."
"She has..."
***
Hey, mirandacloe thanks for trying and ramaaaeeeee salamat sa pagtulong saakin sa pangalan nung nawawalang kapatid ni Amber.
Salamat sa mga nagbabasa! Sorry sa typo!
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Genç KurguAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...