Chapter 40: Bonding

27 6 4
                                    

A/N
Yang picture na yan ay yung picture nila mamaya sa may serenitea.
(Oo na si Author na spoiler😂)

***
Amber's POV

Nagiimpake na ako ng gamit. Nadischarge na ako kaya pwede na ako umuwi.Napayaran na ni Mommy yung mga bills kaya ngayon iniimpake ko na yung mga damit ko.

Lumabas naman ako at binigay na sa desk ang discharge papers ko. Paglabas ko bitbit ang gamit ko, nakita ko sila Jaime naguusap habang nakasandal sa kotse ko.

"Oh? Bakit nandito kayo?" Tanong ko sakanila.

Nginitian lang nila ako at lumaput saakin. "Alam namin na bukas aalis ka na kaya, naisipan namin na maggala ngayon. Parang farewell namin sayo." Sabi ni Vanessa.

Napangiti naman ako tapos agad na niyakap sila. "Alam niyo, Isa kayo sa mga blessings na naibigay saakin ng diyos katapat ng lahat ng malas sa buhay ko." Sabi ko sakanila.

"Yesh nemen eng sweet." Sabi ni Jaime. Oo, ganyan siya magpronounce pagkinikilig siya. (kaya wag kayo magalit sa author niyo😂)

"Oh, tama na yang kaartehan mo Jaime. Tara na, Amber ikaw magdridrive kasi wala pa kaming kotse." Sabi ni May tumawa naman kami.

"Kayo mangtritreat ahh, wala akong alam sa mga plano niyo." Sabi ko sakanila. "Oo na, ako nalang. Ako naman panganay eh." Sabi ni Vanessa. Nagagree naman kami sakanya.

"Sabi mo yan ah?" Sabi ko, habang binuksan na yung kotse at sumakay na. "Nako, Van mukhang mauubos pera mo kay Amber." Sabi ni Jaime habang sumasakay na rin sa kotse.

"Yah! Ang sama niyo saakin!" Sabi ko sakanya. "As if naman hindi totoo." Sabi niya. "Aish, oo na ako na matakaw." Sabi ko sakanya gabang umiirap. Pero of course nakangiti.

Hindi ko kayang magalit sa mga best friends ko.

Pinaandar ko na yung kotse at umalis na kami. Habang tinuturo nila saakin kung saan pupunta.

***

Pagdating namin sa Solenad may nakita kaming bazaar. Ayun muna pinuntahan namin. May nakita kaming booth na puro bracelet ang binebenta.

"Uy! Ang ganda neto oh." Sabi ni Van habang tinitignan yung bracelet na may cross. Yung design niya parang rosary na kahoy tapos yung beads niya rose shaped.

"Alam ko na! Bili tayo ng Friendship bracelets! pero yung cross iba iba kulay!" Sabi ni Jaime. "Ang korni mo, pero bet ko." Sabi naman ni May.

"Basta wala naman akong say diyan sa mga desisyon niyo eh. Maknae (bunso) Kasi eh." Sabi ko. "Basta, ako na bibili." Sabi naman ni Van. "Geh, basta iba iba nalang kulay." Sabi ni Jaime.

Pumili na kami ng kulay.

Yellow saakin, Orange kay Jaime, Red kay Vanessa at blue kay May. Little did they know bumili pa akong isa na pink. Ewan ko ba kung bakit. Parang tinutulak lang ako ng tadhana na bilin yun. Bahala nalang.

Pagkatapos nun ay dumeretso naman kami sa Serenitea.

Dapat sa Starbucks kami eh. Kaso wala kaming pera kaya sa murang version nalang.

Hindi naman rin ganon kamura eh. Isang daan rin binayad naman kada drink eh. Kaya naka 400 rin kami.

"Uy! picturan naman natin." Sabi ni Vanessa. "Oo nga para sa cover ng Group Chat natin." Sabi Jaime. Pinicturan na namin yung mga inumin namin habang hawak ang mga ito.

Umalis na kami sa Serenitea at naisipan nalang maggala at libutin ang Solenad 3. Pinaguusapan namin yung mga dapat na plano namin at kung paano namin magagawa ngayon araw lahat nang yun.

"So, paano natin matutuloy ang plano nating swimming?" Sabi ni Jaime. "Wag nalang yun. Yung mga kaya lang natin gawin ngayon araw na toh." Sabi naman ni May.

"Bago yan pwede bang kumain muna tayo." Sabi ko. "Nagugutom na ako eh." Dagdag ko pa.

"Sige na nga, sa McDo nalang. Para mura." Sabu ni Vanessa. "Alam mo, pag ikaw nanglilibre panay mura ang binibilhan. Pagkami ang nanglibre magyayaya ka sa mamahalin." Sabi ni Jaime. "Oo nga." Sabi ko naman habang tumatawa.

"Ganon talaga." Sabi naman ni Van. "Tama na nga yan, nagugutom na si Maknae. Kumain na muna tayo." Sabi ni May. "Siya lang ba talaga? o pati ikaw?" Tanong ni Jaime. "Malamang lahat tayo nagugutom. Kaya tara na." Sabi naman ni May at naglakad na palayo para maghanap ng McDo.

Agad naman kami sumunod sakanya.

***

Matapos namin kumain at ubusin ang 'best friend' fries, as of what Vanessa would say, umalis na kami at pinagpatuloy ang paggala at paglibot.

Una namin pinuntahan ang National Bookstore para tignan ang nga bentang libro dito. Wala kaming mahanap kaya napagdesisyonan namin na umalis nalang.

May nakita naman kaming store na puro korean products/items ang benta. Siyempre unang pumasok si May. Sa sobrang pagmamadali niya hindi niya napansin na binati pala siya nung employee ng 'annyeonghaseyo'.

Agad naman namin siya sinundan. Tinignan namin yung nga benta. Kahit wala naman kaming plano bumili. Nang wala kaming mahanap na maganda lumabas na kami.

Nagyaya naman si Jaime at Van sa Timezone. "Bili na! Masaya dun." Pagpupumilit ni Jaime. "Hayst. Wala nga ako sa mood." Sagot naman ni May. "Mabuti pang maghanap nalang tayo ng ibang pupuntahan." Dagdag pa niya.

"Ayaw niyo ng Timezone, edi sa kidzoona nalang tayo." Request naman ni Van. "Van naman, ikaw pangganay natin ikaw ang nagyayaya sa mga ganyan." Sabi ni May.

Siguro mukha na kaming mag-iina dito. Ako yung isang anak na nananahimik habang si Van at si Jaime yung dalwang anak na nagyayaya sa playground at nanay namin si May.

"Ikaw Amber, san mo gusto pumunta?" Tanong ni Jaime. "Ahm, ewan ko sainyo. Kung san kayo dun na rin ako." Sabi ko.

"Hayst..." Sabi naman ni Jaime. "Tumingin nalang kaya tayo ng damit. Yung masusuot ni Amber sa UK." Sabi ni Vanessa.

"Oo nga! Finally may lumabas sa bibig mong hindi korni o nagyayaya sa playground." Sabi ni May.

Naglakad naman kami papunta sa H&M para tumingin ng damit.

***

Kanina pa kami nagkahiwahiwalay para raw mas maraming damit ang mapili para saakin.

Actually, ang gusto ko lang naman hoodie, jacket o sweater. Sila lang naman ang may kaartehan na maghanap pa raw ako ng magandang pangsosyal na damit.

Ewan ko sakanila.

Hinahanap ko sila nang may nakilala akong lalake at babae na naglalakad. Magkahawak sila ng kamay. Kung tutuusin ang cute nilang tignan.

Nangmakalapit na sila, parang sinaksak naman ako sa puso nung nakita ko kung sino sila.

'M-Martie?'

***
Heyy... So ayun po ano. 2.57k na tayo! Yey! Salamat sa supporta niyo.

Yung picture na yun ay pinaghirapan ko iedit kaya wag niyo ako ijudge.

Thoughts on Amber seeing Martie ang a 'girl' together?

Maguupdate siguro si Author mamaya. Pero siguro lang yun. Sorry sa typo Hindi edited tong chap eh.

Espesyal sakin ang chap na ito. Isa siguro ito sa pinakamahalagang parte ng librong toh kaya tandaan niyo lahat ng nangyare dito.

Ayan lang muna sa ngayon...

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon