Amber's POV
"Dan?!" Sigaw ko, "Kailangan ko magexplain." Sabi niya, "Bakit Hindi ka dun kay May magexplain." Sabi ko, "Ayaw niya ko pagbuksan ng pintuan." Sagot naman niya.
"Kay Jaime? Kay Vanessa?" Tanong ko, "Tignan mo nga pisngi ko, sinampal nanaman nila ako eh." Sabi niya, tinignan ko nga yung pisngi niya.
Namumula nga, pati sa kabila meron. Natawa naman ako, "Bakit ka tumatawa?" Tanong niya, "Para kang nagblublush." Sabi ko, habang tumatawa parin.
"Para lalo pang mamula." Sabi ko, tapos sinampal yung isang pisngi niya tapos yung kabila. "Oh, ayan bagay sayo, Alam ng buong school na wag sasaktan kaming apat." Sabi ko, tapos sinubukan sarahan ng pintuan.
Hinarang naman niya gamit yung Paa niya. "Bakit ba?" Sabi ko, "Hindi ko ginusto na iiwan si May!" Sigaw niya, "Ha?!" Sigaw ko naman. "Tinext ko siya, Hindi na siya sumagot." Sabi ni Dan.
"Uh, kasi pinapalitan namin yung sim niya para hindi ka na niya makausap." Sabi ko naman. "Ah kaya naman pala." Sabi naman niya. "Peri bakit mo siya iniwan kung ayaw mo naman pala siya iiwan?" Tanong ko.
"Yung daddy ko kasi at yung daddy ni Briana nagkaroon ng kasunduan para sa company." Sabi niya, "Tapos?" Tanong ko. "Tapos, pinagkasunduan nila na magpapakasal kami ni Briana pagnakapagtapos na kami ng pagaaral." Sabi naman niya.
"Paano si May?" Tanong ko, "Mahal na Mahal ko si May, may plano na nga kami na magpakasal eh as in planadong planado na." Sabi naman niya.
"Pero ano nang magagawa mo kung tatay mo na ang nagsabi?" Tanong ko, "Gagawa ako ng paraan." Sabi naman niya. "Geh, bukas nalang inaantok na ako." Sabi ko. "Paki sabi nalang sa grupo niyo." Sabi niya, "Oo, sige na." Sabi ko.
Pagkaalis niya umakyat na ako ng kwarto. Humiga na sa kama ko. Ngayon ko lang napansin na nakaakyat na pala si mommy.
Kawawa naman pala love story nila May at Dan. Naawa ako kay Dan Mahal naman pala niya si May yung daddy niya lang ang humahadlang sakanila.
Eh, bukas na nga yan. Matext ko muna yung squad.
Amber❤:
Pangalawang beses ko na sasabihin toh, Tambayan tayo bukas.Seen by May🔫, Vanessa🌈, Jaime🌵
At nung nakita ko yan, sinaksak ko na sa charger yung cellphone ko at natulog.
Marami pang ganapan bukas.
***
"Amber! Paghindi ka pa tumayo dyan lagot ka sakin!" Sigaw ni mommy. Tumayo naman kagad ako, tinignan ko yung oras.
5:30 am
Shet! Lagot na. Hahatid ko panaman kapatid ko. Agad naman ako tumayo kinuha yung towel ko at pumasok na sa CR.
Matapos ko magbihis at magayos, bumaba na ako. "Mommy bakit naman gigisingin mo ko 5:30, Baka tuloy malate pa kami ni Lucas. "Eh, bakit kasi matutulog ka 10 o'clock nang gabi." Sabi ni mommy.
Maaga pa nga yun sakin eh. Pagsummer natutulog ako, 3 o'clock ng umaga. "Oo na, nasan si Lucas?" Tanong ko, "Nasa kwarto niya inaayos niya gamit niya." Sabi ni mommy.
Umakyat naman ako, pumunta ako dun sa kwarto nung kapatid ko, "Lucas, halika n—" naputol Kong sinasabi nang bigla nalang siya sumulpot sa harap ko.
"Good morning ate." Sabi niya, habang naglalakad pababa. Bumaba narin ako. "Kumuha ka naman kahit isang isang tinapay Amber." Sabi ni mommy.
Ginawa ko nga yung sinabi niya kumuha ako ng isang tinapay at lumabas na. "Sumakay ka na kahit saan, Hindi naman na natin ihahatid si ate May mo." Sabi ko.
Natuwa naman siya at umupo sa front seat. Tinignan ko muna yung relo ko.
6:10 am
Hindi kami malalate, kaya pa naman humabol. Pinaandar ko na yung kotse ko at umalis.
***
Pagkadating namin sa school hinatid ko na sa classroom yung kapatid ko at pumunta sa tambayan namin. Nakita ko doon si May, Vanessa at Jaime.
"Bakit mo kami pinapunta dito?" Tanong ni May. "Wag kayo magwawala, pumunta si Dan sa bahay namin..." Sabi ko, "Pumunta rin siya samin eh." Sabi naman ni Vanessa.
"Oo nga sabi niya nga, sinampal niyo pa nga raw siya eh." Sabi ko naman, "Anyway, sabi niya Mahal niya raw si May ayaw lang nung tatay niya." Sabi ko.
"Tapos pinagkasunduan lang ng tatay niya at ng tatay ni Briana yung relasyon nila ngayon." Sabi ko, "Tapos gagawin niya raw ang lahat para mapigil niya yung arranged marriage nila ni Briana."
"Mahal niya pa ko?" Tanong ni May, "Oo raw Mahal na Mahal raw." Sabi ko naman. "Kailangan ko magsorry, kailangan niyang malaman na Mahal ko pa siya." Sabi ni May habang tumatakbo palabas.
Hinawakan ko yung braso niya, "Wag, nandoon si Briana magagalit yun ako nalang magsasabi sakanya." Sabi ko, Tumango naman siya.
Pagkatapos nun tumunog na yung bell. Lumabas na kami at pumunta na sa classroom namin.
***
Matapos ang isang buong araw ng pag sulyap at pagaral, nakauwi narin kami ng kapatid ko. May bisita nga pala kami.
Si mommy nasa kitchen nagluluto, si Lucas tumutulog sa paghanda ng dining table ako naglilinis si daddy hindi pa dumadating eh.
Matapos ko maglinis, dumating na si daddy. "Magbihis nga kayo, para maayos naman kayo tignan." Sabi ni mommy. Umakyat naman kami at isa isa nagbihia sa sari-sarili naming kwarto.
Simple lang suot ko, sabi ni mommy bawal raw ako magpants eh kaya nagdress nalang ako. Blue yung dress tapos nagheadband ako na green. Somehow ang cute ko tignan. Joke.
Bumaba na ako at umupo sa living room namin. Hinihintay yung bisita. Hanggang ngayon hindi ko pa kilala kung sino yun. Bumaba si Lucas nakatutok sa cellphone niya.
Naka blazer na black tapos T-shirt na white sa loob tapos maong pants. Hula ko may kachat nanaman yan. "Lucas, halika nga dito." Tawag ko sakanya, tumingin naman siya sakin at lumapit.
"Si Daisy nanaman ba kachat mo?" Tanong ko, "Uhm, uhh... O-Oo." Sabi niya, kinakabahan pa. "Wag lang kabahan lahat naman tayo dumadaan dyan." Sabi ko, "Pero first year ka palang ah, Wala muna girlfriend girlfriend." Sabi ko. Tumango naman siya.
Maya-maya may narinig na kaming kotse na pumarada sa harap ng bahay namin. Pumunta si mommy sa pintuan at binuksan niya yung gate.
Naghintay lang ako sa may pintuan kasi hindi ko pa naman kilala yung bisita namin eh. "Amber halika nga dito." Sabi ni daddy sumunod naman ako.
"Umakyat nanaman kapatid mo, tawagin mo na nga." Sabi ni daddy sumunod naman ako. Umakyat ako at nakita si Lucas na sinasaksak sa charger yung cellphone niya. Yun lang naman pala eh.
"Halika na nandyan na yung bisita." Sabi ko, sumunod naman siya sakin at bumaba na. Doon nakita ko kinakamayan ni daddy yung mga bisita.
May pumasok pa na dalawa yung isa babae tapos nga lasing edad ni Lucas yung isa naman Parang lasing edad ko. Tumingin samin yung dalawa.
At halos mahimatay ako sa nakita ko
***
Hala! sino kaya yun?
Krstl_Grq25 ramaaaeeeee yan na hingi niyo.
Comment niyo thoughts niyo, vote at pagpatuloy niyo pagbabasa niyo sa mga story ko.
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
أدب المراهقينAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...