Prologue

279 9 0
                                    

"Mahal ko siya eh."

Ayan Ang madalas ko sabihin sa sarili ko pag naiisip ko nanaman siya. Hindi ko alam kung bakit ganto.

Sabi ko magmomove on na ako, na kakalimutan ko na siya. Pero bakit hanggang ngayon hindi ko parin magawa. Ilang taon nalang na paulit ulit.

Ako si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao nagmamahal rin ako. Kaso yung taong minamahal ko hindi kayang tanggapin ang nararamdaman ko para sakanya.

Kasama ako sa isang grupo ng babae, kilala kami sa year namin. Kung tutuusin para kaming mean girls na hindi mean. Matagal na kami magkakaibigan, Simula pa nung grade 5 kami. Natatandaan ko noon 4 years ko palang siya gusto.

Ngayon 9 years na, Wala parin. Siguro expected naman na yan, kilala siya ng buong school. Play boy, babaero pero mabait siya. Makulit Oo pero seryoso, minsan. Madalang mo lang makitang naumiiyak yan. Pero sa tagal ng nakilala ko siya, napakaiyakin niya.

Captain siya ng basketball team ng school, very athletic siya. Ang sarap kasama, kaso nga lang...

Babaero! napaka. Sasabihin niya magseseryoso siya pero hindi totoo yun. Ni minsan hindi nagseryoso sa babae yun.

Matagal ko na siyang gusto, at alam niyang matagal ko na siyang gusto. Parang pinapamukha niya pa nga sakin na di niya ko gusto eh. Bawat araw na ginawa ng diyos palagi may linalandi.

Hindi na ko umaasa na magseseryoso siya. Di nga ako naniniwalang ikakasal siya eh. Pero minsan napapaisip talaga ako kung pano pag isang araw, malaman ko nalang na ikakasal na pala siya. Tsk, bata pa naman namin kaya madalas winawalang bahala ko lang yun.

Gusto ko na siyang kalimutan. Ako naman, gusto ko ako naman yung mahalin. Palagi nalang ako yung nagmamahal. Kelan ba?

Kelan ko ba makikilala yung tunay na magmamahal sakin?

***

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon