Amber's POV
Matapos ang isang buong araw ng pagshoshopping umuwi ako ng may limang shopping bag. "Ate! May pasalubong ka?" Sigaw ni Lucas. "Oo, sandali lang ibaba ko lang yung iba sa kwarto ko." Sabi ko sakanya.
"Basta pagkababa mo ah." Sabi niya Tumango naman ako tapos umakyat na papunta sa kwarto ko. "Ay, Amber may regalo pala daddy mo sa kwarto mo." Sabi ni mommy, na excite naman ako tapos nagmadali nang umakyat.
Pagpasok ko may narinig akong tahol. Agad naman akong napatili. "Ang Cute!" Sigaw ko. Nakita ko may tumatakbo na maliit na husky sa kwarto ko. Blue yung mata niya tapos black and white yung kulay ng balahibo niya. Ang cute.
Binaba ko yung mga dala kong shopping bag tapos nilapitan yung husky. "Aww..." Sabi ko habang kinukulit ako nung husky. "Ang cute noh." Sabi ni daddy, binuhat ko yung aso tapos lumapit ako Kay daddy.
"Bakit mo ko binilan ng aso?" Tanong ko. "Eh, simula bata ka ayan na hiling mo sakin diba tapos yung sabi mo pa gusto mo husky, kaya ayan." Sabi ni daddy. Binaba ko Muna yung aso, tapos niyakap si daddy.
"Thank you ah." Sabi ko. Bumitaw naman na ako sa yakap niya. "Baba na kakain na tayo." Sabi ni daddy. Tumango naman ako tapos naglakad na papunta sa hagdan. Natandaan ko na ibibigay ko pala Kay Lucas pasalubong ko.
"Daddy sandali lang ah, may ibibigay lang ako kay Lucas." Sabi ko tapos Tumango nalang siya habang bumabababa na ng hagdan. Pumunta naman ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung pasalubong ko kay Lucas.
"Lucas? Halika muna dito." Sabi ko sa tonong malambing. "Alam mong grade 6 na ako diba." Sabi naman niya natawa naman ako. "Ang sarap mo gawing baby eh, anyway..." Sabi ko habang nilalabas sa bag yung regalo ko.
"Diba mahilig ka sa soccer kaya ayan, binilan kita ng bagong spike shoes." Sabi ko habang binibigay sakanya yung box na may laman na sapatos. "Thank you ate!" Sigaw niya habang yinayakap ako. Lumapit naman ako kila mommy.
"Akala niyo si Lucas lang ah?" Sabi ko tapos nilalabas yung regalo ko sakanila. "Kay mommy, pabango at yung favorite brand mo." Sabi ko Kay mommy habang inaabot yung Victoria's secret na pabango.
"Kay daddy naman since palagi ka nasa office at nagtratrabaho eto." Binigay ko sakanya binigay ko sakanya yung iPod. "Bakit iPod?" Tanong ni daddy. "Kasi palagi ka busy kaya ayan panglibang pwede mo naman suotin pag nagtratrabaho ka pero malamang Hindi pwede sa meeting." Sabi ko.
"Ang mahal naman yata netong mga to." Sabi ni mommy, "Ok lang yan pera ko naman eh, halika kain n— ah!" Napasigaw ako sa sakit. "Masakit pa ba? Eto pinuntahan ko kanina si Dr. Rodriguez sabi niya pain reliever lang yung sa sakit." Sabi ni mommy habang binibigyan ako nung pills.
Ininom ko naman, "Mamaya pa yung epekto, bumili ako ng marami Para yung diba pwede mo dalihin sa school pagsumakit." Sabi ni mommy, "Thank you." Sabi ko Kay mommy. "Tara kain na." Sabi ko binabaliwala nalang yung natitirang sakit.
Umupo na ako tapos, nagdasal na kami tapos kumain na kami. Nung nakakalhati ko na pagkain ko nawala na yung sakit, umepekto na yung pain reliever. Nung matapos ako kumain biglang kumandong yung husky saakin. Natandaan ko na Hindi ko pa pala nabibigyan ng pangalan yung aso ko.
"Hindi ko pa pala nabibigyan ng pangalan yung aso ko." Sabi ko. "Anong gusto mong ipangalan sakanya?" Tanong ni mommy. Napaisip naman ako. "Rainbow." Sabi ko, Hindi tumingin yung aso. "Boo." Wala parin. "Damsel." Wala. "Ruby." Wala parin eh.
"Max?" Sabi ko, tumingin na siya. "Aww, Max." Sabi ko habang dinidilan ako nung aso ko. "Ay, wait may binili pa pala ako." Sabi ni daddy. Naglakad naman siya papunta sa office niya sa second floor. Maya-maya bumaba na siya na may hawak na leash.
"Ayan oh, kasi baka mawala siya just in case." Sabi sakin ni daddy tapos inabot na niya sakin. Tinignan ko, blue and green Alam ni daddy paborito ko yung mga kulay na yan eh.
"Thank you ah." Sabi ko, "Hayaan mo ako ispoil ka, habang kinakaya mo pa." Sabi naman ni daddy. Parang maiiyak naman si daddy, kaya nilapitan ko.
Niyakap ko siya. "Daddy, sabi ko diba gagaling ako, Hindi ako mawawala." Sabi ko, "Alam ko, Hindi lang natin nasisigurado, Hindi ako makakampante hanggang Hindi kita napapagamot." Sabi ni daddy.
Napa hinga nalang ako ng malalalim tapos tinignan siya. "Hindi ako mawawala, dito lang ako Hindi ko kayo iiwan nila mommy mahal na mahal ko kayo." Sabi ko, "Mahal na mahal ka rin namin." Sabi naman ni daddy. Bumitaw na ako tapos pinuntahan ulit si Max.
Tumingin ako sa labas. Hapon panaman eh pwede ko pa mailabas si Max. "Mommy, pwede ko ba ilabas si Max? Maggagala lang kami sa village lang." Sabi ko, "Pwede panaman babalik ka lang kagad ah." Sabi ni mommy Tumango nalang ako tapos binuksan na yung pinto. Since nakasapatos pa naman ako lumabas na ako.
"Babalik rin kagad ah?" Sabi ni daddy. "Oo." Sabi ko naman tapos naglakad na palayo. Habang naglalakad tinitignan ko si Max. Siguro kung nandito pa si Bryce matutuwa yun.
Namimiss ko si Bryce. Siguro kung nandito pa siya, magkaclose na sila ni Max. Mahilig na mahilig yun sa aso eh. Close rin kami nun ni Bryce eh. Nakakamiss nga siya eh, kung nandito yun kasama ko siya ngayon.
'Mommy! Inaaway na naman ako ni ate'
'Bakit kay ate ganyan sakin ganto lang'
'Yey! Salamat ate'
Yan yung mga madalas na sinasabi niya. Nung kasama pa namin siya, siya nagpapatawa samin. Kasi madalas kalokohan nun eh. Kahit madalas kami magaway nun close parin kami.
Tinignan ko ulit si Max. Bakit mahilig umihi ang aso kung saan saan? Sabi ni mommy, para malaman nila kung nasaan sila. Kaya raw rin palagi rin nila inaamoy yung paligid nila, pagnaamoy raw nila, yun nalalaman nila kung nasaan sila. Ang weird nga eh.
Tinignan ko kung nasaan na kami, Hindi ko na Alam kung saan na akong lugar dinala ni Max eh sa kakaisip ko.
Nasa gitna na kami ng village, yung park sa pinaka gitna ng village namin.Umupo ako dun sa bench, pinapanood ko si Max habang pinaglalaruan yung mga damo damo. Tumingin ako dun sa playground, onti nalang yung bata na naglalaro. Natatandaan ko nung bata pa ako, mahilig kami maglaro ni Bryce sa swing. Palitan kami minsan siya magtutulak sakin tapos minsan naman ako.
Nabitawan ko yung tali ni Max, nagulat naman ako tapos bigla siyang tumakbo. Tumayo na ako tapos hinabol siya. Tumigil ako nung may nakita akong lalake na nilalaro si Max.
Tumingin siya saakin. At nagulat sa nakita ko.
"Martie?!"
***
Sorry Ang tagal nito, dapat kahapon ko pa ipupublish to eh kaso marami akong ginawa kahapon.Salamat sa 150+ reads ang laking pasasalamat ko sainyo. Sorry kung may typo pa, na edit ko na yung iba pero kung meron pa comment nalang.
Keep voting, keep reading, keep commenting, add niyo rin sa reading list niyo. The readers are very well appreciated.
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Teen FictionAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...