Shout out Kay mirandacloe ganda mo bes!!!😂😂😂
***
Amber's POVSabado na, sabi ni Martie may pupuntahan nanaman raw kami. Pagkagising ko, ang saya ko parin kahit anong gawin ko. "Amber, nandito na si Martie!" Narinig Kong tawag sakin ni mommy mula sa baba.
"Oo eto na bababa na ako!" Sagot ko naman, tinignan ko ulit yung suot ko sa salamin. Naka black ako na skirt, tapos white na shirt na may nakalagay na 'True Love Never Let's Go.' May naramdaman naman akong yumakap sakin. "Alam mo, ang ganda mo ngayon." Sabi ni Martie, namula naman ako.
"Palagi mo naman sinasabi yan eh." Sabi ko, habang namumula parin. "Araw araw ka naman kasi maganda eh." Sabi naman niya. Lalo naman ako namula, "Bakit ka pa nagblublush on kung ganyan naman na kapula yung mga pisngi mo." Pangiinis ni Martie habang hinahawakan yung pisngi ko.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, Para na akong kamatis sa pula ng pisngi ko. Ngumiti naman ako tapos hinalikan si Martie. "Halika na." Sabi ko tapos hinila siya palabas ng kwarto ko.
Pagkababa na pagkababa namin, pinanood ko si Martie tumakbo papunta Kay Lucas para kulitin. Natawa naman ako, Nilapitan ko sila. "Anong nanamang paguusapan niyo? Ha?" Tanong ko, "Ah, sinasabihan ko siya ng mga techniques sa soccer, varsity kasi ako nun dati bago ako nagbasketball." Sabi ni Martie.
"Sigurado ako pagnaglaban na mananalo school natin, kung tuturuan ako ni kuya." Sabi ni Lucas. "Bukas doon kayo sa park, maglaro kayo doon maghapon." Sabi ko naman. "Yehey!" Sigaw ni Lucas, "Pero sa ngayon aalis muna kami ng ate mo." Sabi naman ni Martie.
"Aww, palagi naman kayo umaalis eh halos araw araw." Pagiinarte ni Lucas. "At palagi mo naman kachat si Daisy eh, kaya may libangan ka naman eh." Sabi ko naman. "Oo nga naman, geh alis na kayo." Sabi naman ni Lucas. Natawa naman si Martie.
"Mommy, aalis na kami ah." Sabi ko, "Oo, umuwi ng maaga ah." Sabi naman ni mommy, "Oo, bye." Sabi ko tapos lumabas na ng bahay. Pagkalabas namin tinahulan ako ni Max. Minsan naaawa ako sakanya.
Hindi niya magawa yung gusto niya, Hindi siya free na maggala. Minsan nga gusto ko siyang pakawalan eh. Kaso nakakaawa naman Baka mapahamak pa siya.
"Martie, gusto ko ilabas si Max." Sabi ko Kay Martie. "Hmm, Hindi ko Alam eh." Sabi niya. "Please..." Sabi ko habang nagpupuppy eyes. "Sige na nga, pacute ka pa eh." Sabi niya. "Yehey!" Sigaw ko.
Nilapitan ko kulungan ni Max tapos binuksan. Agad naman niya ako tinalunan at dinilaan yung mukha ko. Tawa naman ako ng tawa. Tumayo ako tapos kinuha yung tali niya. Kinabit ko na sa collar niya. "Halika, pasyal muna tayo." Sabi ko Kay Martie.
Tumango naman siya, tapos naglakad na kami palayo. Inakbayan ako ni Martie, tapos namula nanaman ako. Pinanood ko si Max, habang takbo siya ng takbo pero bumabalik sakin dahil dun sa tali.
Maya-maya nakarating na kami sa playground. Pumunta kami sa swing tapos umupo kami. "Tulak mo ko." Sabi ko, "Aa yan, hawak mo pa si Max eh." Sabi niya. Tumawa naman ako.
Tumayo muna ako tapos tinanggal muna yung tali ni Max. Agad naman siya nagtatatakbo. Since malaki laki naman yung park saamin at may Parang naman Hindi naman siya makakalabas.
Umupo ulit ako doon sa swing, "Tulak mo ko." Sabi ko habang pinapaliit yung Boses ko para magtunog bata. Tumawa naman siya. "Alam mo masgusto ko pagnagkukunyare lang bata." Sabi niya. "Ang cute." Sabi pa niya.
Tumawa naman ako. Maya maya tinulak na niya ako. "Wag masyadong malakas ha." Sabi ko, "Oo Hindi ko naman lalakasan yan eh." Sabi naman niya.
Tapos naramdaman ko naman na nilakasan niya bigla tulak niya, bigla naman akong napasigaw. "Ahh! Sabi ko wag mo lakasan eh!" Sigaw ko, Tumawa naman siya. "Mahuhulog ako!" Sigaw ko.
"Hayaan mo nandito naman ako para saluhin ka eh." Sabi niya, kung Hindi lang ako sumisigaw sa takot namula nanaman ako niyan. Nagmumukha na akong Ewan dito, sumisigaw. Habang tumatagal lumalakas ng lumalakas yung tulak niya.
"Tama na! Tama na!" Sigaw ko naman. Tumawa nanaman siya tapos tumigil sa pagtulak. Onti onto namang humina yung lakas ng pagswing ng swing (Ano raw 😝).
Pagkatigil bigla naman akong tumayo at pumunta kay Martie at hinampas yung braso niya. "Sabi ko wag mo lakasan eh." Sabi ko. Tumatawa namab siya. "Oo na, sorry." Sabi niya habang humihina yung tawa niya.
"Kung mahuhulog ka man, gaya nga ng sabi ko nandito naman ako para saluhin ka eh." Sabi niya, "Heh! Hugot ka nanaman." Sabi ko, "Halika na nga, kunin mo na si Max tapos baba muna natin siya sa bahay niyo tapos aalis na tayo." Sabi niya.
Kinuha ko naman yung tali ni Max at hinanap na siya. Nakita ko siya doon sa may mga bulaklak. Nilapitan ko naman siya. Kinabit ko na yung tali niya. Pagkatayo ko, nakita ko si Martie may hawak na rose inaabot sakin.
"Aww, ang sweet mo." Sabi ko, "Hehe, Mahal kita eh." Sabi naman niya. Kinuha ko yung rose na inaabot niya. Inamoy ko, "Hmm, ang bango." Sabi ko. "Ok halika na, Baka mamaya Hindi pa tayo makapunta doon sa pupuntahan natin." Sabi ko.
Tumango naman si Martie. Tapos naglakad na ulit kami pauwi. Pagdating namin doon pinasok ko na ulit sa kulungan niya si Max. Nginitian ko si Max tapos tumayo na.
"Halika na." Sabi ni Martie, Tumango naman ako. Hinawakan niya kamay ko tapos pumunta na kami sa kotse niya. Binuksan niya yung pintuan ko tapos sumakay naman na ako.
Pagkasakay ko sinarado ko na yung pinto ko, sumakay naman na rin siya. Pagkasakay niya, pinaandar na niya yung kotse niya at umalis na kami.
"Saan mo nanaman ba ako dadalhin?" Tanong ko sakanya, "Basta, surprise." Sabi niya nanaman. "Ayan ka nanaman sa surprise mo eh." Sabi ko, "Hindi mo sakin sinasabi kung saan tayo pupunta pagumaalis tayo." Sabi ko pa.
"Kasi surprise nga, Hindi na surprise yun pagsinabi ko." Sabi niya, "Sige na nga." Sabi ko naman. Tumingin na ako sa bintana at nakinig na lang sa pinapatugtog sa radio.
Saan nanaman kaya ako dadalhin nitong ni Martie.
***
Hey! Sorry Parang ang iksi nitong update ko. Sorry rin kung ang tagal ko magupdate.Sorry sa typos! Wrong grammars! Wrong spelling! Salamat pala sa 420+ reads! Ang bills tumaas ng reads ko. Nangfofollow pa ako ng mga nagaadd ng story ko sa reading list nila.
Salamat sa votes! Sa mga nagcocomment! At sa mga nagbabasa!
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Novela JuvenilAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...