Chapter 15: Project

83 5 2
                                    

Amber's POV

Pagkatapos ng lunch, music next subject namin. Bumalik na kami sa room, "Hi, Ann, Hi, Victor." Sabi ko, habang kinakawayan si Ann at si Victor. "Hi." Sabi naman nila. Si Victor inaakbayan si Ann. Ang sweet nila.

Si Victor, anak ng sundalo. Isa siya sa pinaka matapang na lalaki sa school. Si Ann naman anak ng teacher dito sa school, isa naman siya dun sa parang mga tomboy sa school. Pero babae siya.

"Kamusta kayo ni Victor?" Tanong ko."Eto, stay strong." Sagot naman ni Ann. "Nabalitaan ko ah, may boyfriend ka na." Sabi ni Ann. "Mabilis nga kumalat balita sa campus noh." Sabi ni May habang natawa.

Bigla namang pumasok teacher namin, umupo naman na kami. "Good morning class." Sabi ni Sr. Pastores. "Good morning sir." Sabi naman namin.

"As project niyo, naisipan ko na gumawa kayo ng sarili niyong kanta." Sabi ni sir. "Due to next week, since maaga Ang due, pwede kayo gumamit ng ibang kanta, pero papalitan niyo yung lyrics." Sabi ni sir.

Pagkatapos nun, naglesson na kami. Buong klase iniisip ko kung anong kanta gagawin ko. Kung gagamit ba ako ng kanta o gagawa ako ng kanta.

***

Pagkatapos ng mga klase inabangan ko si Martie sa parking ng school. May bigla namang humawak sa likod ko. Nanglaki mata ko nung tu,.

Si Luke.

"Hi." Sabi niya, sinimangutan ko naman siya, "Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya. "May boyfriend ka na raw?" Tanong niya saakin, "Oo, may problema ka?" Tanong ko. "Wala naman, akala ko ba ako?" Tanong niya.

"Anong, 'ikaw'?" Tanong ko, "Akala ko ba ako mahal mo?" Tanong niya, inirapan ko naman siya. "Limit na yun, pagkatapos ng ginawa mo." Sabi ko naman.

Hinawakan niya braso ko, "Bitawan mo ko." Sabi ko habang kumakawala sa hawak niya. Maya-maya dumating na si Martie, sinusubukan ko parin kumawala sa hawak ni Luke.

Lumabas siya ng kotse niya, nagmamadali siyang pumunta saakin. Pagkalapit niya saakin tinulak niya si Luke. Finally, nakawala na rin ako. Niyakap ako ni Martie.

"Bakit ba nilalapitan mo pa siya ha?" Tanong ni Martie kay Luke, habang yakap pa ako. "Si Martie? Siya pinalit mo saakin?" Tanong niya, habang natawa.

"At least Alam kong mahal niya ako, hindi kagaya mo." Sabi ko, "Sinong nagsabi hindi kita minahal noon?" Tanong niya, "Hindi mo sinabi, pinakita mo." Sabi ko.

"Pinakita mo na hindi mo ako mahal." Sabi ko. "Hayaan mo, makukuha rin kita, babalik ka rin saakin." Sabi ni Luke. Nilapitan siya ni Martie tapos sinuntok.

"Subukan mo lang lapitan girlfriend ko, tandaan mo girlfriend ko." Sabi ni Martie. "Halika na nga, malayo na kita sa g*gong yan." Sabi ni Martie, Tumango naman ako tapos pumunta na kami sa kotse ni Martie.

Agad naman kami sumakay, tapos umalis na kami. "Buti nalang dumating ka, kung hindi ka pa dumating hindi pa ako bibitawan nun eh." Sabi ko.

"Subukan niya lang talaga lumapit sayo, sasabihin ko kila May na palagi ka sasamahan ah." Sabi niya, "Oo, mabuti pa yun." Sabi ko.

Hinawakan niya kamay ko, "Promise mo saakin na lalayuan mo siya ah." Sabi saakin ni Martie, "Oo, ikaw na mahal ko, limut na siya sa puso ko, ikaw na pumalit." Sabi ko naman.

Hinalikan ko siya sa pisngi, ngumiti naman siya. Maya-maya nakarating narin kami sa bahay ko. Kinuha ko na bag ko, tapos lumabas na. Sinamahan naman ako ni Martie.

Nung nasa may pintuan na ako may sinabi saakin si Martie, habang nakasandal siya sa kotse niya, "Mahal kita ah, wag mo kakalimutan yun." Sabi niya. Tumakbo naman ako papunta sakanya, nung nakalapit na ako sakanya hinalikan ko siya.

"Mahal rin kita." Sabi ko, nagpaalam na ako tapos pumasok na sa bahay. "Nandito na ako!" Sigaw ko, "Kamusta araw mo?" Narinig kong tanong ni mommy mula sa kitchen.

"Ok lang naman, gagawa pala kami ng kanta." Sabi ko, "Simulan mo na, tatawagin nalang kita pagkakain na." Sabi ni mommy, "Ok." Sabi ko naman, tapos umakyat na sa kwarto ko.

Kinuha ko yung notebook ko tapos, pumunta ako sa music room namin. Pagkapasok ko, nakita ko yung mga instrument na binili nila mommy. Pumunta ako sa piano tapos pinatong yung notebook ko sa ibabaw.

Tapos sinumulan ko na magisip ng tono at ng lyrics ng kanta.

***

"Amber, kakain na." Sabi ni mommy, "Oo! Bababa na ako." Sagot ko naman. Hindi ko pa nakakalhati yung lyrics pero meron na akong tono. Lumabas na ako ng music room tapos bumaba na.

Doon nakita ko si Lucas nakaupo, si daddy naman nagaayos ng pinggan si mommy lumabas mula sa kitchen na may hawak na plato na may ulam namin.

"Kamusta work daddy?" Tanong ko, "Ok naman, ayun stressful." Sabi naman ni daddy. "Ikaw? Kamusta school." Tanong ni daddy. "Ok naman, gagawa kami ng kanta, sa ngayon onti palang nagagawa ko." Sagot ko naman.

"Pagkailangan mo ng tulong sabihin mo sakin." Sabi ni daddy, "Oo, halika na kain na tayo." Sabi ko, umupo naman na kami. Nagdasal na kami tapos kumain na kami.

Matapos namin kumain, bumalik muna ako sa music room. Para ipagpatuloy yung pagsusulat ko ng kanta.

***

Matapos siguro ng ilang oras sa music room, nakalahati ko na yung kanta.  Tinignan ko na kung anong oras na.

1:46 am

Tumayo na ako, lumabas na ako tapos dumeretso sa kwarto ko. Doon nakita ko si Max, mahimbing na natutulog. Naingit naman ako.

Buti pa siya Ang bombing na ng tulog, ako eto pinipilit pang magising. Tinignan ko cellphone ko, nakita ko may text si Martie sakin.

Love❤ (M):
Matulog ka na, alam kong magpupuyat ka kailangan mo ng tulog

Sent 12:53 am

Love❤ (A):
Ikaw rin matulog ka na

Love❤ (M):
Good night ❤

Napangiti naman ako, humiga na ako sa kama ko. Napaisip ako dun sa nangyare kanina.

'Sinong nagsabi hindi kita minahal?'

Yung paulit ulit na naririnig ko. Minahal niya ba talaga ako? Hindi naman siguro. Kung minahal niya ako bakit niya ginawa yung ginawa niya dati.

Baka nagsisinungaling nga lang siya, si Martie naman na talaga mahal ko eh. Siya na laman ng puso ko. Limut na si Luke, Wala na. Move on na talaga ako sakanya.

O baka mahal ko pa siya, hindi ko lang kayang tanggapin. Hindi, masyado na niya ako sinaktan limut na siya. Si Martie na, siya na laman ng puso ko.

Love❤ (M):
Mahal kita

Napangiti naman ako, at sa wakas nakatulog narin.

***

Sorry sunka_nine at Krstl_Grq25 pinaghintay ko kayo. Sorry talaga.

Salamat sa readers! Sa mga voters! Sa mga nagaadd ng story ko sa reading list nila! Mahal na mahal ko kayong readers!

Sorry sa typo, wrong grammar, at wrong spellings. Salamt rin pala sa 250+ reads.

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon