Chapter 29: Exams

47 6 2
                                    

Amber's POV

Naipasa ko na yung project namin kinabukasan. At kami yung may pinaka mataas na nakuhang grade. Ngayon, Exams na. Nakakalungkot nga eh, hindi dahil mahirap, kasi pagkatapos nito graduation na.

Tapos UK, tapos college, arranged marriage, tapos tuloy tuloy na. Nakakaiyak kasi hindi ko Alam kung kelan ako ulit babalik sa pinas.

Kakatapos lang ng History exam namin, hindi siya ganon kahirap, ang rami mo lang kakabisaduhin na date at mga pangalan na hindi mo maprounounce ng maayos.

Kanina ko pa natapos, five minutes nalang yata natitira eh. Maya Maya tumayo na teacher namin, si ma'am Elaurza. Kinuha niya na isa isa yung mga papel namin.

Last na Exam nanamin yun, nung nakuha na yung pinakahuli na exam, tumunog na yung bell. Lahat naman kami nagsigawan na.

"Finally! Tapos na classes!"

"Woohh! Summer na!"

"Yes! Finally!"

Isa isa nilang sigaw, kami naman nila May nakaupo lang sa upuan namin. Nagtinginan lang kami, isa si Luke sa mga nagpapakasaya, nung tumingin siya sakin nawala naman yung ngiti niya, nung nakita niya na nakasimangot lang ako.

Tumingin naman siya kay May, umiling lang si May. Umupo si Luke, halata sa mga mata niya nagtataka siya. Naputol naman yung mga iniisip ko nung pumasok si ma'am Dorado, yung adviser namin.

"So, gaya nga ng sabi ko, after graduation magkakaroon tayo ng maliit na farewell party." Sabi ni ma'am, "Saan niyi gusto? Magdadala ba ng pagkain? Camping ba? Beach? Resort?" Sabi pa niya.

Napaisip naman kami ng lahat, "Ma'am paano po kung magcamping nalang tayo?" Sabi ni Mateo, "Pwede, pero huling mga araw na magkakasama tayo eh tapos camping?" Sabi ni Jaime, "Hmm, paano kung beach?" Tanong ni Vanessa. "Pwede." Sabi ni ma'am.

"Ah! Alam ko na!" Sabi ko, "Ano yun?" Tanong ni May. "May kakilala si daddy na mayari ng isang resort, nung bata ako nakapunta na kami doon, sa resort na yun may iba ibang activities na Pwede gawin, may hiking, mga rides, at may beach rin, katabi rin nun museum, kaya Pwede rin tayo pumunta doon." Sabi ko.

"Oo nga, parang maganda doon." Sabi ni Vanessa. Sumangayon naman yung iba ko pang mga kaklase sa binigay ko na suggestion. "Sige, ganto gawin natin, magbook ka na tapos magaamabagan nalang tayo sa mga babayaran." Sabi ni ma'am.

"Sige po ma'am." Sabi ko, tumunog naman na yung bell, signifying na tapos na classes. Inayos na namin yung mga gamit namin at lumabas na ng classroom.

Hindi ako masusundo ni Martie ngayon kasi may sakit raw siya. Ang distant na nga namin lately eh. Hindi na kami masyado naguusap. Pero kami parin, Hindi lang kami ganon kadalas magkita.

Pagdating ko sa kotse ko bubuksan ko na sana yung pintuan pero may biglang humila sakin papunta sa may sulok. Nung nakita ko kung sino nagulat nanaman ako.

"Luke? Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko, "May itatanong lang ako." Sabi niya, "May itatanong ka lang pala eh, hindi mo naman ako kailangan hilahin eh diba." Sabi ko

"Hayaan mo na nagawa na eh." Sabi niya, "Ok, Fine. So ano yung Tanong mo?" Sabi ko. "Sabi nila May Wala ka na raw sa pinas pagkagraduate, bakit?" Tanong niya. "Hindi mo pa ba Alam?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"Kasi, diba natatandaan mo nung sumakit yung ulo ko noon sa classroom, as in yung sobrang sakit?" Sabi ko, Tumango naman siya. Actually nagulat ako kasi, noon akala ko Hindi niya ako pinansin nung pinapunta ako sa clinic.

"Pinauwi ako non, tapos ilang araw yata ako hindi pumasok non. Tapos pumunta ka sa bahay ko non diba?" Sabi ko, Tumango naman siya. "Tapos sa sobrang sakit ng ulo mo napasigaw ka non dahil sakin." Sabi niya.

"Oo, nagpacheck up kami kinabukasan tapos nalaman namin na may brain tumor ako, pero hindi Panaman raw ganon kalala, nacocontrol ko pa yung sakit dahil binigyan ako ng gamot." Sabi ko.

"Tapos, pwede ko raw tuluyan na magamot yung brain tumor ko, pero nasa UK lang yung mga machine para magamot ako. Kaya sabi ni daddy pagkagraduate ko, sa UK na ako magtatapos ng college Para magamot na rin ako." Sabi ko.

"Ahh." Sabi niya, "Sorry ah." Sabi niya, nagtaka naman ako, "Para saan?" Tanong ko. "Alam kong ako yung dahilan kung bakit nangyayare sayo to eh." Sabi niya. "Ah, Wala yun, past is past, nakalimutan ko na yun." Sabi ko.

Sa laking gulat ko hinawakan niya bigla kamay ko. "Ako, hindi pa eh." Sabi niya, palapit ng palapit yung mukha niya sa mukha ko, Nangyayare ba talaga toh? Gagawin ko ba? Hahayaan ko ba siya gawin toh? Anong nanggagawin ko?

Agad naman ako lumayo sakanya, "Sige, Uh aalis na ko." Sabi ko tapos nagmamadali maglakad papalayo. Pagkalapit ko sa kotse ko agad ko naman binuksan ito, at sumakay na kagad.

Nung na paandar ko na agad naman ako umalis.

Hindi ko gagawin yun, hindi, si Martie gusto ko, ayaw ko sakanya, si Martie gusti ko. Siya nga ba talaga?

***
Unknown's POV

"Kamusta ka na Martie?"

"Ok lang naman, eto may sakit."

"Kawawa ka naman, kayo ni Maber kamusta kayo?"

"Ok lang naman, staying strong."

"Ahh, swerte mo naman, nakahanap ka nga babae na kagaya ni Amber."

"Parehas nga kayo ng ugali eh."

"Bakit hindi nalang ako pinili mo?"

"Uhm—Uh- Alam mo naman kung bakit eh diba."

"Oo, pero, bakit hindi mo ko bigyan ng pagkakataon?"

"Ayaw ko na pagusapan toh ngayon ah."

"Pero—"

"Tama na, si Amber na Napili ko."

Sabi niya tapos binaba na yung telepono. Kainis naman talaga oh, ano ba kasing meron sakanya na Wala sakin eh, parehas naman kami ng maganda Mas maganda pa nga yata ako eh.

Hayaan mo na, onting araw nalang mapapakita ko na rin sakanila na ako karapat dapat na maging girlfriend ni Martie.

Onting araw nalang.

***
Heyy! Ang talaga ko nanghindi naguupdate, mga 4 or 5 days yata, Ewan.

Malapit na pasukan kaya Baka busy na naman si Author, hindi naman nagbabago eh, palagi naman akong busy eh. Anyway...

Salamat sa 1.3k reads! Mahal ko kayong readers! Salamat sa mga loyal readers. Salamat rin sa mga hanggang prologue nalang, at least binasa niyo parin.

Nagfofollow pa ako kaya add lang nga add. Salamat talaga!

Thoughts on the latest chapter?

Bakit sinubukan na halikan ni Luke si Amber? Sino na naman si Unknown? Matutuloy ba plano niya?

Keep reading lang Para malaman!
Sa ngayon eto muna...

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon