Chapter 1: Unang Araw

255 9 7
                                    

Amber's POV

"Kaya mo yan, hindi naman yan Ang katapusan ng mundo eh." Sabi ni Jaime, yung kaibigan ko. Isa siya sa apat na kasama sa grupo namin. Sawi rin siya sa pagibig.

Bakit ako umiiyak? Nakita ko na naman kasi si Luke. Ang masakit pa lumalandi nanaman siya sa babae.

"Ok lang yan bes, nandito naman kami eh." Sabi naman ni Vanessa. Kasama rin siya sa grupo namin. Apat kami lahat, Si Jaime, Si Vanessa, Ako, at Si May.

Si Jaime ang pinakamatalino samin, Si Vanessa ang pinakamasipag samin, Ako ang pinakacharming o kadalasan masiyahin samin, at Si May naman ang pinakamatapang samin.

"G*go kasi yung Luke na yun eh, landi doon landi dito." Sabi ni May, "Hayaan mo na siya, Sanay na ako." Sabi ko, habang pinipigilan nang umiyak. "Umiiyak ka tuloy." Sabi pa ni May.

"Ok na ako, Tara na." Sabi ko, habang pinipilit ngumiti. Hinila ko na sila palabas ng CR, kung saan kami tumatambay pagmay brokenhearted samin.

Pumunta na kami sa classroom kung saan nakaupo at naguusap na yung iba naming kaklase. Kadalasan kumakanta kami sa classroom pag Wala pa yung teacher namin.

Ilang minutong nakalipas dumating na teacher namin, si Mrs. Dela Cruz. Buti pa si ma'am may nagmamahal na sakanya ako kaya kelan? Anyway, nandoon siya, si Luke sa kabilang sulok ng classroom.

As always may kausap na babae. Kahit  kailan yun palagi may kausap na babae. Somehow yung nanay niya at nanay ko magkaibigan. Pati yung nanay ni Jaime at ni May kaibigan ni mommy.

"Ok, since patapos na rin ang school year gagawa tayo ng group project..." Sabi ni ma'am Dela Cruz. "Tatawagin ko lahat ng magkakagrupo." Sabi ni ma'am habang nilabas yung class record niya.

"May, Dan, Vanessa, John, Nicole." Sabi ni ma'am tumayo naman sila May at pumunta sa isang sulok. Nung Kalahati na ng classroom ang natawag saka ko narinig yung tawag sakin ni ma'am.

"Amber, Luke, Jaime, Casey, Mateo." Sabi ni ma'am. Bakit ba pinagtadhana na magkagrupo kami ni Luke. Palagi nalang minsan sa SM kami nagkakakita. Minsan nagkakasalubong kung saan-saan.

As usual wala siyang pake.

Pumunta na ako sa isang sulok, at least kagrupo ko si Jaime. Ngayon ayun nanaman siya nilalandi si Casey. Si Casey yung isa sa mga members ng fan club ni Luke.

Ang lupet noh? May fan club na siya. Kahit hindi niya Alam, una palang siya na mahal ko. Kaso hindi niya nga alam. Nung isang beses kaming apat nalang yung Alam na walang interest sakanya, (kahit ako meron) nilandi niya si Vanessa.

Nagalit si Vanessa nagsumbong siya kay May at Simula non wala na siyang nilandi saming apat.

"Amber? Nakikinig ka ba." Sabi ni Jaime. "Ay, Sorry ano raw?" Tanong ko, mamaya nayang thoughts na yan. "Sabi ni ma'am mangiinterview raw tayo ng mga younger grades tungkol sa Love." Sabi ni Jaime.

"Kelan raw deadline?" Tanong ko, "Last day of school raw." Sabi niya. Sumulyap ulit ako kay Luke, ayun lumalandi parin. "Sige, kelan raw sisimulan?" Tanong ko, "Pwede na raw ngayon." Sabi niya.

"Kelan natin sisimulan?" Tanong ko, "Ang rami mong tanong." Sabi ni Mateo. Isa siya sa mga may gusto kay Jaime, kaso 'studies first' raw muna sa Jaime.

"Ngayon na natin simulan para matapos kagad tayo." Sabi ni Jaime, "Next week na natin simulan." Singit naman ni Luke, "Bakit naman?" Tanong ni Jaime na may tonong halatang naiinis.

"Kasi last day of school pa naman eh. Sa March pa yun February palang eh." Sabi niya Kay Jaime kahit kay Casey siya nakatingin. Babaero.

"Ok, Fine." Sabi naman ni Jaime. "Amber samahan mo ko mamaya, bibili tayo nung materials." Sabi ni Jaime. "Yeah, sure." Sabi ko naman. "Ako hindi niyo ko sasama?" Tanong ni Mateo. "Hindi." Sabi naman ni Jaime.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon