Luke's POV
Kasama ko si Ann, nasa mall kami. Gusto ko kasi sana siya makausap eh, kasi isa siya sa pinaka matalik na kaibigan ni Amber. "Bakit mo nga ba ulit ako pinapunta dito?" Tanong ni Ann.
"May sasabihin sana ako eh." Sabi ko naman, "Bakit hindi nalang sa school pagpasok natin sa Monday?" Tanong niya. "Private toh eh, pagnalaman nila Jaime at nila Tracey Baka kung anong resbak magawa sakin nung mga yun." Sabi ko.
"Ahh, good point." Sabi naman niya. "So ano nga yun." Tanong niya, "Kasi ganto yun..." Pagsisimula ko. "Hulaan ko, may gusto ka kay Amber noh?" Sabi niya, nanglaki naman mata ko. "Paano mo naman nalaman?" Tanong ko.
"Obvious naman eh." Sabi niya. "Anyway wala naman nung halaga yun eh, masaya na siya." Sabi ko, "Alam mo kasi, ang tagal na naghihintay sayo nung tao eh, nine years mahigit na yata, tapos lolokohin mo siya ng ganon, Parang sinira mo na pagkatao niya." Sabi niya.
"Satingin mo hindi ko pinagsisihan yung ginawa ko? Pinagsisihan ko yun." Sabi ko naman, "Anyway, gaya nga ng sabi nila you'll only know you love her when she's gone." Sabi ni Ann.
"Matagal ko narin siya gusto eh, hindi ko lang maamin sa sarili ko Hindi rin ako ready." Sabi ko, "Hindi ready? Paano yung mga past mo? Yung mga ex mo? Si Catherine?" Tanong ni Ann.
"Hindi ko nga rin Alam eh, Oo babaero ako, pero iba yung naramdaman ko nung si Amber na yung nasaktan ko." Sabi ko naman. "Wala ka nangmagagawa eh, nakamove on na siya, may iba na siyang minamahal." Sabi ni Ann.
"Alam ko, pero Parang hindi ko siya mapakawalan eh." Sabi ko, "Kasi nga mahal mo na siya, tapos sinaktan mo lang siya." Sabi niya.
Napahinga nalang ako ng malalim, Tama naman siya, kung matagal ko na inamin sa sarili ko na gusto ko siya Baka ngayon kami na. "Alam mo, kumain nalang kaya tayo, tama na yang drama." Sabi ni Ann.
"Sige, My treat." Sabi ko, napasigaw naman siya ng 'Yes!' Bago kami makaalis may biglang tumawag sakin. Tinignan ko yung caller ID. Si Amber, agad ko naman sinagot.
"Oh, napatawag ka?"
"Guess who?"
"Catherine?! Anong ginawa mo?!"
"Well, you can say I'm taking what's mine."
"Hindi na ako sayo, ilang beses ko pa ba sasabihin?"
"Sakin ka, ako lang mamahalin mo!"
"Wag mong sasaktan si Amber!"
"Well, baka itira ko pa siya, pumunta ka dito, walamg pulis nalang kasama ikaw lang, at kung Hindi..."
Sabi niya tapos may narinig akong naglalakad,
"LUKE! WAG KANG PUPUNTA PAPATAYIN PARIN NILA KAM—"
Naputol naman siya nung si Catherine na yung nagsalita.
"Heh! Manahimik ka!"
"Wag mo siyang hahawakan demonyo ka!" Sigaw ko.
"Well, gawin mo inutos ko, simple lang naman eh." Sabi niya.
Tapos may narinig na akong 'beep' signaling na binaba niya na yung telepono. Napatingin ako Kay Ann, nanglaki yung mata niya. "Umuwi ka na, pupuntahan ko lang sila." Sabi ko sakanya.
"Magiingat ka, at siguraduhin mo rin na hindi siya mahahawak nung gagang yun, Sasabihin ko kila May yung nangyayare." Sabi ni Ann. Tumango naman ako tapos lumabas na.
Hinintay ko yung text kung nasaan sila. Pagkasend na pagkasend, binuksan ko kagad at binasa at pinaandar na yung kotse ko at umalis na papunta sa warehouse kung nasaan sila.
***
Amber's POV"Demonyo lang babae ka! Hindi ko nga sabi inagaw sayo yang boyfriend mo eh!" Sigaw ko, "Gusto ka niya! Kaya Para narinig ganon yun!" Sigaw naman niya. "Hindi niya ko gusto! Niloko niya lang ako!" Sigaw ko, kasi totoo naman eh.
"Wala kang alam!!!" Sigaw niya, nahalos nageco sa buong warehouse. Natahimik nalang ako. Wala nga ba akong Alam? Gusto nga ba ako ni Luke?
Naputol naman yung iniisip ko nung biglang bumukas yung pintuan ng warehouse. Nakita ko si Luke nakatayo, "Catherine! Bakit mo ginawa toh?!" Sigaw niya habang tinitignan kami.
Tinignan niya si Martie na bugbog sarado na nakapatong parin yung ulo niya sa hita ko, tapos si Bryce na nakahiga sa sahig na nalang Malay. Tapos sakin.
Nung tumingin siya sakin parang nasira yung mundo niya, nakita ko sa mata niya yung lungkot at pighati. Gusto niya nga ba talaga ako?
"Sabi ko nga, kinukuha ko lang yung akin." Sabi ni Catherine. "Hindi na nga ako sayo! At kailan man hindi na ako babalik sayo demonyo ka!" Sigaw ni Luke. "Gago ka! Hindi mo Alam kung sino kinakalaban mo!" Sigaw ni Catherine. Tapos bigla naman sumugod mga kasamahan ni Catherine.
Nagkaron naman nang Malay si Bryce at Martie. Tapos tumayo sila tapos tinulungan si Luke bugbugin yung mga lalake. Sinubukan ko naman kumawala sa mga tali.
May bigla namang tumusok sa kamay ko, napapikit ako sa sakit pero pumasok sa isip ko na pwede ko siya gamitin Para putulin yung tali.
Sinusubukan ko putulin yung tali, nung naputol na tumayo ako at lumapit kay Martie na naka tumba nanaman sa sahig kasi nahampas na naman siya ng bakal na tubo.
"Tum-makas k-ka n-na, t-tum-mawag ka ng pulis." Sabi niya, "Hindi kita pwede iiwan." Sabi ko habang umiiyak. "G-gaw-win-n m-mo n-na, pa-r-ra s-sa-kin." Sabi niya, may bigla namang humila sa buhok ko.
Napatayo naman ako, "Tatakas ka?! Ha?!" Sabi ni Catherine. "Layuan mo siya!" Sigaw ni Martie na pinipilit tumayo. Umiyak nalang ako kasi Wala na akong magagawa eh.
"Gaga ka! Akala mo matatakasan mo ko!" Sabi niya, "B-Bak-kit m-mo ba ginagawa toh?—ah!" Sabi ko, "Kasi inagaw mo siya sakin!" Sabi niya, "Hindi lang naman siya yung lalake sa mundo eh, pwede ka panaman maghanap ng iba eh." Sabi ko.
Tinigil niya yung paghila niya sa buhok ko tapos napaisip. Bigla naman pumasok yung mga pulis kasama sila May. Nilapitan kagad ni Mag si Catherine. tapos sinampal.
"Tang ina mo! Ha! Ikaw babae ka!" Sabi ni May habang sinasampal si Catherine. Napatumba nalang si Catherine. Agad naman siya sinipa ni May sa tyan. Napasigaw nalang sa sakin si Catherine.
Agad ko naman tinulungan sila Jaime awatin si May. "Gaga ka! Kilalalin mo kinakalaban mong hayop ka!" Sabi ni May. "Tama na." Sabi ko, tumigil naman na si May. Pinosas na nila sila Catherine.
Pinuntahan ko naman si Martie na nilalagay sa stretcher. Sinundan ko sila habang tinatakbo si Martie sa Ambulance. "Y-Yun-ng K-Kap-pat-tid m-mo..." Sabi ni Martie, bigla naman ako napatingin kung saan nakahiga sa lapag si Bryce na ginagamot. Si Luke naman Parang pilay na naglalakad at hawak hawak tagiliran niya.
Ano nanggagawin ko?
***
Heyy! Sorry pinaghintay ko kayo, salamay pala sa almost 800 reads nakakaiyak sobra.Sorry sa typo at wrong grammar! Salamat sa votes at sa reads!
Sa ngayon eto muna.Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Teen FictionAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...