Chapter 16: Bumalik

71 7 4
                                    

Luke's POV

Pagkauwi ko tinatanong ko sa sarili ko kung sasaktan ko pa ba si Amber. Kung Lalo ko pa palalalain yung sitwasyon niya ngayon.

Nasa kwarto ako ngayon, tinitignan yung mga picture ni Catherine. Hindi ko na Alam kung mahal ko pa siya o hindi na.

Babalik pa ba kaya siya? Mahal pa ba siya ako? May iba na kaya siya? Kamusta na kaya siya?

Magnunumbalik pa ba Ang nakaraan?

"Hi, Luke." Sabi ng isang napakapamilyar na boses saakin. Hinarap ko siya, nabitawan ko yung picture na hawak ko.

***
Amber's POV

"Sabi ko kasi wag na magpuyat eh." Sabi sakin ni Martie, "Ginawa ko kasi yung project eh." Sabi ko, habang pinipilit ibukas mga mata ko, "Ikaw nga dyan huling nagmessage eh." Sabi ko pa.

"Ako kasi kaya ko tiisin, ikaw Hindi yata eh." Sabi naman niya, "Nagpupuyat ako, minsan lang." Sabi ko, "Mhm, aalis na ba tayo? Malalate tayo niyan." Sabi niya. Tinignan ko lung anong oras na.

5:48 am

"Shet! Oo nga." Napasigaw ko, tumayo na ako tapos kinuha backpack ko. Lumabas na ako, Hindi ko na hinintay si Martie. Nagtatatahol naman si Max, binilan namin siya ng kulungan eh kaya nasa labas na siya.

"Huy! Sandali lang." Sigaw ni Martie, pagkalabas niya nilapitan niya ako tapos binuksan na yung kotse niya. Umupo naman kagad ako. "Matulog ka muna." Sabi niya.

"Sure ka?" Tanong ko, "Since Hindi mo ginawa kagabi gawin mo ngayon." Sabi niya, "Salamat ah." Sabi ko. "Ok lang, basta nakakabuti sayo gagawin ko." Sabi niya.

Napangiti naman ako, pinaandar niya na yung kotse niya. Tapos ako, pumikit naman. At siya, si Martie lang Ang laman ng isip ko.

***

"Amber, nandito na tayo." Narinig ko sabi ni Martie. Binuksan ko mga mata ko, una Kong nakita si Martie, tumingin naman ako sa likod niya, doon nakita ko sila May nagtatawanan. "Bakit nandyan yang mga yan." Sabi ko.

"Ang cute mo matulog bes." Sabi ni Vanessa, tapos nilabas niya cellphone niya. Doon nakita ko yung picture ko ng natutulog. "Grabe naman kayo, natutulog ako eh." Sabi ko. Nagtawanan naman sila.

"Nandito sila, kasi sabi ko sayo papasamahan kita eh, dahil sa nangyare kahapon." Sabi niya, "Samahan ako, Hindi pagtawanan habang natutulog." Sabi ko, "Hayaan mo na sila, halika na malalate ka pa, pagnalate ka malalate rin ako." Sabi ni Martie.

"Oo na, nakakainis kayo eh." Sabi ko kila May habang lumalabas ng kotse. Pagkalabas ko, kinuha ko backpack ko. Nagpaalam na ako kay Martie, tapos kinawayan naman niya ako tapos umalis na.

Naglakad na kami papunta ng classroom. Maguusap sila Jaime, Hindi naman ako nakisali nakatingin lang ako kung saan saan. Nakita ko si Luke, umiwas naman siya ng tingin. Nakita ko sugat niya sa ilong dahil sa pagsutok sakanya si Martie kahapon.

Umiiwas siya ng tingin sakin, napangisi naman ako. Mukhang gumana naman pananakot ni Martie sakanya kahapon. Maya-maya nakarating na rin kami sa room.

Umupo na ako sa upuan ko, pinatong ko muna ulo ko sa upuan ko. Pinikit ko ulit mga mata ko, nakatulong naman ng onti yung pagtulog ko sa kotse ni Martie kanina pero kulang pa eh.

Mga ilang minuto siguro nakalipas dumating na teacher namin, nag good morning naman making lahat. Kahit papano nawala na antok ko.

***

Lunch na, hanggang ngayon iniiwasan parin ako ni Luke. Ok naman sakin, kasi kahit papano Hindi na niya ako kinukulit. Pero madalas ko siya nahuhuli na tinititigan ako. Pagnakita ko siya, umiiwas naman siya ng tingin.

Tumunog na yung bell, kaya tumayo na kami nila May, tapos pumunta na sa classroom. Maya-maya dumating na teacher namin. "Good morning class." Sabi ni Sr. Pastores.

Lahat naman kami nag 'good morning'. Umupo na kami, tapos nagannounce naman si Sr. "Dun sa mga nagsimula na ng project, pwede kayo magpresent sa Friday kung tapos na kayo." Sabi ni Sr. Pagkatapos nun nagklase na kami.

***
Continuation of Luke's POV

"Hi, Luke." Sabi ng isang napakapamilyar na boses saakin. Hinarap ko siya, nabitawan ko yung picture na hawak ko.

"Catherine?" Tanong ko, "Kamusta na, Luke?" Tanong niya, habang naglalakad papalapit sakin. Napalayo naman ako sakanya. "Iniwan mo ko, dalawang taon. Walang tawag, kahit text manlang Wala." Sabi ko naman.

"Sila mommy Ang ayaw, nilayo nila ako sayo. Ngayong 18 na ako, hinayaan na nila ako gawin Ang gusto ko." Sabi niya. "Mahal pa kita, mahal mo pa ba ako?" Tanong niya sakin, habang lumalapit parin.

"Oo mahal pa kita." Pagsisinungalung ko, actually Hindi ko talaga Alam kung mahal ko pa siya o Hindi na eh. Natatakot lang ako na masaktan siya.

Lumapit siya sakin, tapos hinalikan niya ako. Wala na yung spark, parang may kulang na eh, parang may nawawala. At bakit parang imbis na mga alaala namin ni Catherine ang nasa isip ko, mga alaala namin ni Amber Ang pumasok sa isip ko.

Yung isang buong gabi kami naguusapan, nagkwekwentuhan, nagtatawanan. Noon, pakiramdam ko Wala na ako ng problema sa buhay. Nakalimutan ko na lahat ng paghihirap ko.

Lumayo na si Catherine sakin tapos niyakap niya naman ako. "May diba ka bang minahal nung Wala ako?" Tanong niya. Napaisip naman ako, Wala nga ba?

"Wala, ikaw lang. Hinintay lang kita bumalik." Sabi ko, "Wag ka na maghahanap pa ng ibang babae, nandito naman na ako." Sabi niya. "Oo, ikaw lang." Sabi ko.

Pakiramdam ko niloloko ko lang si Catherine. Niloloko ko nga lang ba siya? mahal ko ba talaga si Catherine? O si Amber na ba mahal ko? Litong lito na ako.

"Umuwi ka na muna." Sabi ko,"Sige, kita nalang tayo bukas pagkatapos mo sa school." Sabi niya naman. Hinalikan niya ulit ako tapos lumabas na ng kwarto ko.

Umupo ako  sa kama ko tapos napaisip, sisirain ko pa ba kasiyahan ni Amber? Papabayaan ko na lang ba sila ni Martie? Mahal ko pa ba si Catherine? Si Amber na ba ang mahal ko?

"Luke?" Tanong ni mommy, "Ok ka lang ba?" Tanong niya, tapos pumasok sa kwarto ko. "Oo, Ok lang naman ako." Sabi ko naman. "Mhm, Luke Alam Kong may problema ka." Sabi ni mommy.

"Yung tungkol ba to kay Catherine? Nandyan naman na siya ah, siya lang diba hinihintay ko. O may iba pa ba?" Sabi ni mommy, "Paano kung meron ng iba, pero sinabi ko na mahal ko pa si Catherine." Sabi ko.

"Sino ba tong babae na minamahal mo na ngayon?" Tanong ni mommy. "Si Amber, Si Amber mommy." Sabi ko, "Sinaktan ko siya, galit na siya saakin ngayon." Sabi ko. "May pagkakataon ka pa, ang Mali mo lang nagawa na sinabi mo na mahal mo pa si Catherine." Sabi ni mommy.

"Siguro nga." Sabi ko naman, "Sige, matulog ka na, bukas pala simulan mo na yung project mo ah." Sabi ni mommy, "Good night." Sabi ko kay mommy, "Good night rin matulog ka na." Sabi ni mommy.

***

Ang Hindi niya lang Alam, narinig ni Catherine lahat ng pinagusapan nila ng mommy niya.

***
Hala na! Lagot tayo dyan. Salamat pala ulit sa 300+ reads malaking pasasalamat sa mga nagtyatyaga na basahin story ko.

Keep reading! Keep voting! Add niyo rin story ko sa reading list ninyo! Sorry sa typos, sa wrong grammars, sa wrong spellings.

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon