Chapter 38: Changes

17 5 5
                                    

Amber's POV

Nagising ako sa maliwanag at Malamig na kwarto. Ang sakit nung ulo ko. Parang unti unting iniipit yung ulo ko sa sakit.

Nakita ko si Mommy sa tabi ko kausap yung doctor ko. "M-Mommy?" Sabi ko. Napatingin naman sila saakin. "Amber?" Sabi naman niya na parang mangiyak-ngiyak na. "Ok ka na anak, nandito na ako." Sabi niya habang umiiyak.

"Anong problema mommy? Anong pinaguusapan niyo ni Doc?" Tanong ko sakanya. Parang lalo naman lumungkot si Mommy nung tinanong ko yun.

"Sorry to say this Amber, pero kailangan mo na magpagamot ASAP. Lumala yung tumor mo. Kailangan mo na ipadala sa UK pagkalabas na pagkalabas mo palang sa ospital." Sabi naman niya.

"Eh doc, sa katapusan pa ng April nakaschedule yung flight ko." Sabi ko naman sakanya. "Napareschedule na ng Daddy mo yung flight mo. Next week you should be on the first plane to London." Sabi niya.

"Mommy pano sila Jaime? Ang rami pa naming plano bago ako umalis." Sabi ko mangiyak-ngiyak na rin. Paano yung mga plano namin? Mababago nalang na yun ng ganon ganon nalang?

"Sorry anak... Pwede ka naman bumawi paguwi mo..." Sabi niya bakas ang awa sa mga mata niya. "After 4 years?! Paano?" Sabi ko, Umiiyak na.

"I'm gonna give you two some privacy." Sabi naman ni Doc. Tumango naman si Mommy, tapos lumabas na siya sa kwarto ko.

"Mommy... Ayaw ko pa umalis. Ang rami pa naming plano." Pagmamakaawa ko. "Sorry Anak, alam kong marami pa kayong plano pero, hindi na talaga pwede. Bumawi ka nalang pagbalik mo. Pwede naman rin ang Skype o kaya Face time. Kailangan mo na talaga mapagamot." Sabi niya.

Napaluha naman ako. Bakit kasi eh? Bakit kasi ganto pa nangyare eh? Bakit kasi ngayon pa?

Bigla ko naman natandaan yung "scene" na nakita ko bago nangdilim yung paningin ko. Bakit ba palagi nalang ako naloloko? Ano bang ginawa ko para madeserve toh?

"Ay, may nagiwan pala ng kahon sa labas ng kwarto mo kanina. Hindi ko na tinignan yung laman baga kasi private yan." Sabi niya habang inaabot saakin yung kahon. Agad ko naman pinunasan yung mga luha ko at kinuha yung kahon sa mga kamay niya.

This time maliit lang naman yung kahon. Yung kahon na parang nilalagyan ng mga ring.

Napaisip naman ako. Si Martie ba talaga nagbibigay ng mga box saakin? Sa nakita ko nung gabing yun parang  nagdadalawang isip na ako kung si Martie talaga nagbibigay ng mga regalo saakin.

Hindi ko muna binuksan yung kahon. Nilagay ko muna siya sa table sa tabi ng hospital bed ko.

"Gusto mo ba kausapin sila Jaime? Nasa labas lang sila naghihintay." Sabi ni Mommy. "Please?" Sabi ko naman sakanya. Ngumiti naman siya. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya at pumunta sa may pintuan at binuksan ito.

Agad naman pumasok sila Jaime. "Amber!" Sigaw nila. "Kamusta ka? Anong nangyare anonf sabi ng doktor mo? May masama bang nangyare? Ano ba naman kasi, bakita pa kasi-" Sabi ni Jaime ng derederetso. Habang nagsasalita siya nagsasalita naman rin si Vanessa.

"Ok ka lang naman noh? Pagaling ka ah. Alam mo namang hindi mabubuo ang 'skwad' natin pag wala ka." Sabi niya.

"Alam mo nakilala ko palang yang Sophia na yan alam ko may masamang balak yan eh. Tapos aagawan ka pa? Like? What the Hell?!" Sabi naman ni May. "Tapos eto namang Martie na eto nagpadala sa mga landi ng gagang yun. Ang landi nila pareho. Like, hindi ko na talaga alam gagawin ko." Dagdah pa niya.

"Oi! Sa dinami rami niyonf sinabi wala akong naintindihan kasi sabay sabay kayo nagsasalita." Sabi ko naman. Nanahimik naman sila Finally.

Tumingin ako kay Mommy. Agad naman niya naintindihan kung ano gusto ko sabihin. "Sige girls, bibili muna akong pagkain." Sabi niya. Tumango naman ako tapos lumabas na siya.

"Alam kong biglaan toh pero..." Sabi ko. "Ano! Straight to the point na nga! naiinis na ako sa mga paandar niyo ah!" Sabi ni Jaime. Napatawa naman ako sa naging reaction niya.

"So ayun, mapapaaga alis ko. Sabi ng doktor. Kailangan raw pagkalabas na pagkalabas ko ng ospital deretso flight na ako papunta UK." Sabi ko sakanila.

"Paano na mga plano natin?" Tanong ni Vanessa. "Siguro, babawi nalang ako pagbalik ko." Sagot ko naman. "After 4 years?! 4 years ibabawi mo?" Sabi naman ni May.

"Ayan mismo sinabi ko kay mommy. Alam ko, gusto ko nga rin magstay muna eh. Kaso lumala na nga raw yung tumor sa utak ko. Kaya kailangan ko na raw magpagaling." Pagpapaliwanag ko sakanila.

"Hayst. Paano na yan? Drawing na lang ba mga plano natin?" Sabi naman ni Jaime. "Promise pagkauwi ko ng Pilipinas babawi ako sainyo." Sabi ko naman.

"Basta tandaan mo nandito naman kami saiyo. Ivideo call mo lang kami pag may problema ka. Tapos paggabi na sainyo palagi ka tatawag ah." Sabi ni May.

"Oo, ikwekwento ko rin yung mga ganap sa college ko." Sabi ko naman. "Sana nga may maging kaibigan ako doon. Kilala niyo naman ako, Mahiyain. Baka wala aki maging kaclose doon." Sabi ko.

"Magkakaroon ka ng kaclose doon, ikaw pa? Eh kung kami nga nandoon baka araw araw na nose bleed kami doon." Sabi naman ni Jaime.

"Oo nga naman." Sabi ko habang tumatawa. "Sorry talaga mga beh ah." Sabi ko ulit. "Ok lang yan, basta gumaling ka ayun lang yun." Sabi naman ni Vanessa.

"Wow, panganay na panganay talaga oh." Sabi naman ni May. Tumawa naman kami. Napahinga nalang ako ng malalim.

Sana ganto nalang palagi. Sana hindi na ako nagkasakit. Sana makasama ko parin sila.

Pero...

Hanggang sana nalang talaga.

***
Jaime's POV

Nung nakita ako ni Amber na nagpapanic attack sa CR. Hindi ko alam sasabihin ko. Alam ko mapagkakatiwalaan ko naman siya. Pero natatakot ako na baka isipin niya na ang hina ko.

Palagi ko pinapakita sa mga tao na malakas ako. Ayaw kong nasasabihan ng 'weak'. I've built these walls to hide who I really am. Pero it seems that it's time to bring them down.

Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Siguro, sasabihin ko na.

Bago pa siya umalis. Para kahit papano na ilabas ko na.

Hayst.

***

Heyy... Korni ng update ngayon noh. Natagalan ako kasi ayaw ko ng nagkakamali😂😂 Pero kahit papano may mali pa rin yan. Wag niyo nalang pansinin.

So ayun, next chapter malalaman niyo na ang Totoong Jaime. Hehe.

Salamat sa 2.4k reads. Salamat kay katterinaklnee12 Sa tadtad mo ng notifications ko😂😂 Salamat rin sa pagantay ng update garquekristel😂

Ayan lang muna sa ngayon...

Thanks!

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon