Amber's POV
Ilang araw na nakalipas Simula nung 'insidente' sa warehouse. Ngayon binigyan na kami ng isang linggo ng teacher namin para matapos yung mga project namin at yung mga requirements since ilang weeks nalang graduation na.
Kasama ko sila Jaime kasi nagiinterview na kami ng younger levels. Napagdesisyonan namin na maghiwalay hiwalay para Mas mabilis matapos.
Pabalik na kami sa classroom ng madaanan namin si Luke. At actually this time nagulat ako sa ginagawa niya instead na dapat Sanay na ako sa nakikita ko. May kahalikan na naman siya. Kapal diba.
Anyway, umirap nalang tapos pumasok sa loob ng room. Umupo na ako sa upuan ko, para magpahinga kanina pa kami paikot ikot nila Jaime eh. Maya-maya tumunog na yung bell, ibig sabihin tapos na yung mga klase.
Inayos ko na yung gamit ko at umalis kasabay si Jaime. Pumunta ako sa parking lot para hintayin si Martie na dumating. May bigla namang humawak sa balikat ko. Napaharap naman ako sa kung sino yung taong yun.
Nakita ko si Luke, "Oh? Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko, "Ok ka lang? Hindi ka naman nila nasaktan noh?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Hindi naman ako nasaktan, except nalang dun sa dalawang sampal na naranasan ko." Sabi ko.
"Sorry nga pala ah, nagawa pa ni Catherine sainyo yun." Sabi niya. "Oo, hayaan mo na pagaling naman na sila." Sabi ko. Tumango nalang siya. Pagkatapos nun Wala na nagsalita, kaya naisipan ko na itanong nalang sakanya.
"Sino yung babaeng kahalikan mo kanina? Bago mo?" Tanong ko. "Uh, hindi, fling lang." Sabi niya. "Ah, maitatanong lang sana ako." Sabi ko, "Ano naman yun?" Sabi niya.
"Ano yung sinabi ni Catherine na gusto mo raw ako kaya niya kami ginanon?" Tanong ko, Parang bigla naman siya kinabahan. "Uh—ah-uhm, ano k-kasi e-eh..." Sabi niya.
"Uhm, kasi uh, uhm, kasi gust—" naputol naman siya nung may umakbay sakin, humarap naman ako dun sa umakbay sakin at nakita si Martie. Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Kamusta na Luke? Kamusta mga nilalandi mo?" Sabi ni Martie, sumimangot naman si Luke. "Ok naman sila, sige Amber bukas nalang." Sabi ni Luke, "Ay sandali Luke. Thank you nga pala ah." Sabi ko. Tumango naman siya tapos naglakad na paalis.
"Nilalandi ka ba niya?" Tanong ni Martie. "Hindi naman, tinanong ko lang siya tungkol dun sa project namin." Sabi ko. "Ah, Ok halika na." Sabi niya, Tumango naman ako tapos pumunta na kami sa kotse niya at umalis na.
***
May's POVNanonood ako ng Kdrama ng may magmessage sakin. Tinignan ko yung nagmessage, agad naman akong sumimangot nung nakita ko kung sino. Si Dan.
Dan:
MayDan:
MayDan:
MayDan:
MayDan:
May, magusap tayoMay:
Wala nang kailangan pagusapanDan:
Parang awa mo na kahit sandali langMay:
Sabihin mo na sasabihin mo, Wala na akong oras sayoMay:
Ngayon ko lang gagawin toh pasalamat ka binibigyan pa kita ng panahon Para magsalitaDan:
Mahal pa kita, pinipilit ko na si daddy na pigilan na yung arranged marriage naming dalawa ni Briana Hindi pa niya ako pinapayagan, pero Hindi ako titigil hanggang hindi niya pinipigil yung kasal
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Teen FictionAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...