Amber's POV
Nagising nanaman ako sa malakas Kong alarm. This time iniba ko naman yung tugtog.
'Been a lot places, I've been all around the world.'
'Seen a lot of faces, not knowing where I was.'
'On the horizon, hmm, well I know, i know, I know the sun will be rising...'
'Back home.'
At nung nagchorus na tumigil na, nakakainis yung ganon. Yung gagawin mong alarm favorite song mo, tapos pagdating sa chorus titigil.
Tumayo na ako tapos, tinignan ko muna si Max, tulog panaman siya. Kinuha towel ko at nagbihis. Hindi ko manlang tinignan kung anong oras na. Pagkatapos ko maligo at magbihis saka ko lang tinignan kung onong oras na.
4:15 am
What the heck?! Na tapos na ako maligo at magbihis 4 o'clock palang ng umaga. Binuksan ko pintuan ko at bumaba na, since 4 nalang ng umaga tulog pa si mommy.
Pumunta ako sa refrigerator, tapos kinuha yung bacon, eggs, at hotdog. Marunong naman ako magluto eh. Nilabas ko na rin yung tinapay. Pagkatapos ko magluto bumaba na si mommy. Tinignan ko relo ko.
4:50 am
"Oh, gising ka na?" Tanong ni mommy. "Oo, 3 yata ako nagising eh, naligo na ako tapos nagbihis." Sabi ko, "Anong naggising sayo, bakit Ang aga?" Tanong ni mommy.
"Nagkamali siguro ako ng set ng alarm." Sabi ko. Kumuha ako ng tinapay tapos pinalaman yung bacon, tapos nilagay yung scrambled egg na niluto ko. Tapos kinagatan ko.
"Nagluto ka na?" Tanong ni mommy, "Oo, nagutom ako eh." Sagot ko, maya-maya may narinig akong katok sa pintuan. Tinignan ko muna relo ko.
5:20 am
Pumunta ako sa pintuan, tapos binuksan ko yung pintuan. Nakita lo nakatayo si Martie nakangiti, napangiti narin ako. "Good morning, Love." Sabi niya.
"Alam mo, kung gagayahin mo accent ni Louis Tomlinson wag mo na gawin. Walang nakakagaya ng accent niya." Sabi ko. "Sabi mo diba, favorite mo siya kaya ayan, ginagaya ko siya Para favorite mo rin ako." Sabi ni Martie.
"Korni mo, pumasok ka nga muna." Sabi ko, pumasok naman siya. "Good morning, iho." Sabi ni mommy, "Good morning rin po." Sabi naman ni Martie. May narinig ako na mga tahol na nagmumula sa kwarto ko, "Sandali lang ah, kukunin ko lang si Max." Sabi ko Kay Martie.
Tumango naman siya. Pumunta na ako sa hagdan at umakyat na, pagkaakyat ko pumunta ako sa kwarto ko. Doon nakita ko nagtatatakbo si Max. "Good morning, Max." Sabi ko.
"Ay, grabe siya may good morning ako wala." Sabi ni Martie, "May pa 'love' ka pa kasi eh." Sabi ko naman, tapos binuhat ko si Max. Dinidikit ko sakanya si Max, "Ang cute oh." Sabi ko, habang dinidikit parin si Max sakanya.
"Ako naman rin eh, diba?" Tanong niya sakin, inirapan ko naman siya. "Oo na, cute ka naman pero Mas cute aso ko." Sabi ko, tumawa nalang siya. "Halika na Baka malate ka pa." Sabi niya, "Hindi ma ba papasok ngayon?" Tanong ko.
"Hindi halata sa damit ko eh noh, Oo papasok ako kaya uunahin kita kasi mahal kita." Sabi niya, namula nalang ako. "Well, it's mutual." Sabi ko. Inakbayan niya ako tapos bumaba na kami.
"Kayo, Ang aga aga eh." Sabi ni daddy, kung pwede nga eh, lalo pang namula mga pisngi ko. "Daddy, aalis na po kami si Martie na maghahatid saakin." Sabi ko, habang binababa si Max.
"Ah, sige ako nalang maghahatid kay Lucas." Sabi ni daddy, "Aalis na kami ah." Sabi ko, tapos kinuha yung backpack ko. "Sige." Sabi ni daddy. Nagpaalam na ako tapos lumabas na kami ni Martie.
"Halika na." Sabi ni Martie, Tumango naman ako tapos sumakay sa kotse niya. Pagkasakay ko, hinawakan niya kamay ko, "Mahal kita, wag ka didikit sa mga lalaki ah." Sabi niya, natawa naman ako. "Mahal rin kita, Hindi kita ipagpapalit. Wag ka rin mangbababae." Sabi ko.
"Hinding Hindi kita ipagpapalit." Sabi naman niya. "Oo na sige, parehas pa tayong malalate niyan." Sabi ko. Tumawa naman siya tapos binitawan na yung kamay ko. Pinaandar na niya yung kotse tapos umalis na kami.
***
Maya-maya dumating na kami sa school, bumaba na ako tapos kinuha backpack ko. Since maaga pa, marami pang taong pumapasok. "Magiingat ka ah, yung gamot mo." Sabi ni Martie.
"Oo, magiingat ka rin." Sabi ko, "Bye na." Sabi ko pa, tapos hinalikan niya ako. "Ano yun?!" Narinig Kong sigaw nila May sa likod ko. "Hey! Dapat sasabihin ko sainyo kagabi eh, kasi nakatulog ako." Sabi ko.
"Kayo na?!" Sigaw ni May, "Oo, diba nasabi ko na sainyo na nililigawan niya ako." Sabi ko. "Oo, pero bakit Hindi mo manlang tinanong saamin kung pwede ka magboyfriend." Sabi ni Vanessa.
"Ano kayo mga magulang ko." Sabi ko, "Sila mommy nga eh, Hindi nagulat pero kayo gulat na gulat." Sabi ko pa. "Basta ako, masaya ako Para sayo kasi naka move on ka na Kay Luke." Sabi ni Jaime.
"Masaya naman rin kami ni Vanessa Para sayo, nakakagulat lang." Sabi ni May, "Amber, aalis na ako ah." Sabi ni Martie, Tumango nalang ako tapos hinalikan siya sa pisngi. Sumakay na siya sa kotse niya, tapos umalis na.
"Halika na nga." Sabi ko, sumunod naman sila.
Hay, Hindi na ako makapaghintay na nakita ulit si Martie. Ganyan pala pakiramdam ng nagmamahal, hinihintay mo matapos Ang araw makita lang siya.
Totoo na talaga, mahal ko na talaga siya.
***
Luke's POVLunch time na, napapansin ko na halos buong araw na nakangiti si Amber. Ano nanaman nangyare sakanya? Gumaling na ba siya? Dahil ba to sakin? Ako ba dahilan ng pagiging masayahin niya ngayon? Wala namang iba eh, kaya siguro ako nga.
"Hi Babe!" Sigaw ni Tracey, bakit ba ako pumayag sa babaeng ito. "Tracey, layuan mo nga ako, Hindi tayo." Sabi ko. Hindi naman kasi talaga kami eh. Ginamit ko lang siya noon, yung sa pagkakamali na ginawa ko kay Amber.
"Kunyare ka pa eh." Sabi ni Tracey, umirap nalang ako. "Luke!" Sigaw ni Victor. "Bakit nanaman ba?" Tanong ko, "Nab-balitaan mo ba- n-na m-may..." Sabi niya habang hingal na hingal. "Huminga ka nga muna." Sabi ko.
"Na may boyfriend na si Amber." Sabi ni Victor. "Ha?!" Sabay naming sigaw ni Tracey. "Oo, kaninag umaga hinalikan pa niya si Amber." Sabi pa ni Victor.
So siya pala, siya pala Ang dahilan kung bakit maghapon nakangiti si Amber. Parang may kumirot nung sinabi ni Victor na hinalikan niya si Amber.
Hindi to pwede, dapat ako lang gusto ni Amber. Kahit Alam Kong Hindi ko siya mahal, kailangan ako lang, ako. Kung sino man siya, saakin lang si Amber.
Hindi siya pwede mapunta sa iba. Gagawin ko Ang lahat mapunta lang ulit pagmamahal ni Amber. Kung sino man siya, maghanda na siya.
Saakin lang si Amber.
***
Hala na! Team Martie o Team Luke. Ang kapal ni Luke eh noh. Satingin niyo anong plano ni Luke? Mahal na ba talaga ni Amber si Martie? May tututol kaya sakanila? Si Luke kaya yun?
Maraming tanong, masasagot natin yang mga tanong sa susunod na chapter. Baka bukas Hindi ako makapagupdate ah, busy.
Salamat sa readers! Sa mga Voters! Mga nagcomment! Sa mga gusto mashout out comment lang! Mafofollow ko rin kayo! Sorry sa typo!
Thanks!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya
Fiksi RemajaAko si Amber Reyes, kagaya ng lahat ng tao sa mundo nagmamahal ako. Matagal ko na siyang iniibig. Hindi niya lang napapansin. Sabi ng mga kaibigan ko, magmove on na raw ako Wala naman raw kasi ako mapapala sakanya kasi hari siya ng mg playboy sa sc...