Chapter 18: The Song

76 6 1
                                    

Quick Author's Note

Hindi po ako gumawa ng kanta, ginamit ko lang siya. Kung Hindi niyo Alam yung kanta, sasabihin naman yung title mamaya sa chapter eh. Pero acoustic siya, yung totoong kanta upbeat eh. Gitara ginamit ni Amber. (spoiler)

Pinalitan ko lang rin yung lyrics. Maganda yung kanta, isearch niyo.

***
Unknown

"Kelan ko na gagawin yung trabaho ko, nagmamadali na ako."

"Bakit ka naman nagmamadali?"

"Basta, sino nga ulit yung babae?"

"Si Amber Reyes."

"H-Ha? A-Amber R-Rey-yes?"

"Oo, maghintay lang tayo ng mga ilang linggo, magagawa mo na yung trabaho mo."

"Ayaw ko na."

"Ha? Bakit naman?!"

"Hindi ko kaya..."

"Hay nako! Bahala ka nga, maghahanap na lang ako ng iba."

"Oo, mas nakakabuti pa yun."

***
Amber's POV

Pagkagising ko ang saya ko, kinakanta ko ng kinakanta yung kanta na ginawa ko. Kahit sa CR, kanta parin ako ng kanta. Kahit kumakain, Hindi ko alam pero ang saya ko talaga.

"Alam mo mataas makukuha mong grades." Sabi sakin ni Martie, "Oo nga, ako rin Alam ko mataas makukuha ko." Sabi ko naman proud sa nagawa Kong kanta. "Nakatulog ka na ng maayos kagabi noh?" Tanong ni Martie.

"Oo, paano mo nalaman?" Sabi ko, "Hindi ka na inaantok eh, at ang saya mo kaya." Sabi naman niya, "Hindi ko nga Alam kung bakit eh." Sabi ko naman. "Maganda lang kasi sigurado gising mo." Sabi naman ni Martie.

"Oo nga, halika na Baka malate pa tayo." Sabi ko, "Sige, halika na." Sabi naman niya, tapos inakbayan ako at hinalikan ako sa pisngi. Napatawa naman ako tapos namula. Nagpaalam na ako kay mommy. Kinuha ko na back pack ko at yung gitara ko.

Tapos lumabas na kami ng bahay, at pumunta sa kotse niya. "Ay, sanadali lang may ibibigay pala ako sayo." Sabi ni Martie, tapos may nilabas sa likod ng kotse niya. Nagulat naman ako sa nakita ko.

"Badminton racket?!" Sigaw ko sa tuwa. Kinuha ko sa kamay niya yung racket, tinanggal ko sa lagayan. "Ang ganda!" Sigaw ko sa saya. "Sabi mo diba mahilig ka sa badminton, kaya ayan binilan kita, nasa mall kasi ako kahapon kasama kapatid ko, nakita ko yan, natandaan ko na mahilig ka sa badminton, kaya ayan binili ko." Sabi niya.

Niyakap ko naman siya, "Thank you, Hindi mo Alam kung gaano mo ko pinasaya." Sabi ko, humiwalay naman ako dun sa yakap namin. Tapos hinalikan ko siya. "Hayaan mo, isang araw mabibigyan rin kita ng regalo." Sabi ko.

"Ok na nawala Kong regalo, Basta masaya ka yun na regalo ko." Sabi naman niya. Niyakap ko ulit siya, "Swerte talaga ako na boyfriend kita." Sabi ko, humiwalay na ako sa yakap namin.

"Halika na, Baka malate na talaga tayo niyan." Sabi ko habang natawa. "Oo nga, halika na." Sabi niya. Binuksan na niya yung pintuan ng kotse niya tapos sumakay na kami parehas tapos pinaandar na niya kotse niya at umalis na kami.

Mahal Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon