Prologue

211 7 25
                                    

Prologue



"Bye Best, una na ako." masigla kong paalam sa bestfriend kong si Yvonne.

Lumabas na ako sa mansion ng Cantela kung saan ako ngayon tumutuloy, sa North Subdivision.

Hawak ko ngayon ang isang plastic Tupperware na may lamang cookies na kami mismo ang gumawa ni best. We messed up though, hindi naman kasi kami magaling magbake no. Pero marunong naman akong magluto ng ulam eh.

Trishia Yvonne Fillar, 18, fashion design student at ako, 20, ay Nursing student.

Pagkalabas ng subdivision ay agad na akong sumakay ng tricycle. Pupuntahan ko si Chan, my boyfriend, Chan Maurick Perez, 24, na kasalukuyang nagtatrabaho sa restaurant ng kanilang pamilya. Graduate kasi ng kursong Food Technology.

Masyado na kasing busy si Chan sa pagtatrabaho kaya minsan na lang kaming magkita pero nagtetext and call naman kami sa isa't isa.

Isang sakayan lang papunta sa NorthWest Village dahil ilang blocks lang naman ang layo nito sa North Subdivison. E su-surpresa ko si Chan. Matagal ko na kasi siyang di nakikita.

At sabi ng bunso nilang si Chean, 17, e nag day-off daw muna ang kuya niya today from work.

Ayieee, na excite tuloy akong makita ang aking babe. ahmm, a bit corny but yes, that's what we call each other. Babe.

And after 15 mins, andito na ako sa tapat ng bahay ng mga Perez. Hindi naman ito ganun kalaki tulad ng Mansion nila best, pero tama lang para sa kanilang pamilya.

Dalawang palapag ang bahay nila at sementado. Malawak din ang bakuran nito na maraming tanim na mga herbs and spices. Pareho kasing nasa Food Industry sina Tito Neil at Tita Jennifer.

Agad na akong pumasok sa loob ng bahay, nakita kasi ako agad ni Riri, 16, kasambahay nila Tita Jen, pero pamangkin ito ni Tita. In return of pagiging kasambahay ay pinag aral nila ito.

"Hi ate Kriz," masayang bati nito habang nagdidilig ng mga halaman. Mukhang katatapos lang nito sa gawain ng dumating ako. Sabado rin kasi at wala itong pasok. Ako naman ay mamayang hapon pa kaya nandito ako ngayon kina Chan.

"Mukhang alam mong nauwi si Kuya Chan ah, kasi halos magkasunod lang kayo." tila panunukso pa nito and eyed me as well. At nagpabalik-balik ng tingin sa akin at sa hawak kung plasticware.

Oh, ngayon lang pala siya nauwi? Napatingin tuloy ako sa relo ko, 10:11 am na. Mukhang sobrang busy nito dahil halos patirik na ang araw ng pag uwi nito.

"Asus Riri ha," sabay counter ko sa tukso niya. "Ganyan talaga pag nagmamahal, Hindi ko lang siya nakikita, naaamoy pa." sabay ngiti.

Napa isip naman siya sa sinabi ko, tinutoo naman. Loka-lokang bata ito.

Kaya ayun iniwan ko na lang siya, pero ang totoo nakasunod na siya sa akin. Tanong parin ng tanong kung paano ko daw naamoy. Tinawanan ko na lang.

Masyado akong Feel at home sa bahay ng mga Perez. Pero pagpasok ko, nakapagtataka kasi tahimik. Walang tao sa sala pagpasok namin. Usually kasi basta sabado nandito si Chean at sina Tita at Tito.

"Nasa taas sina Tita Jen at Kuya Chan ate." Piping sagot ni Riri sa tanong ko.

Dumiretso kami sa kusina, na katabi lang ng sala. Gusto ko kasing ako mismo ang maghatid ng cookies kay Chan. Nagsalin naman ng orange juice si Riri sa baso ipang ipampares dun sa cookies ko raw.

Matapos nun, iniwanan ko siyang panay parin ang panunukso sakin. #girlfriendgoal daw kasi ako. Nakz naman. haha

Habang dala-dala ang tray na may cookies at juice, inakyat ko ang ilang baitang na hagdan patungo sa kwarto ni Chan. Apat na kwarto ang nasa second floor pero yung malapit sa hagdan ang kwarto ni Chan.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon