Chapter 24
Krizzle
It's been a week na akong di pumupunta sa CMC at nakatambay sa condo namin ni best sa kadahilanang nag home based na muna ito dahil sa pagkaka admit nito days ago mula sa pinuntahang event dahil sa Over Fatigue. And as her personal nurse, buong linggo na kaming nagba bonding lang (kuno). Movie marathon, Maglalakad lakad sa labas, minsan nagtatrabaho siya at ako yung taga saway kapag napapasobra na siya sa ginagawa.
"I'm bored." Malakas na reklamo ni best na nahiga sa malaking sofa na kasya ata kaming dalawa. "I wanna go somewhere else."
"Friday na ngayon Best, di mo ba pupuntahan ang Mommy mo?" I asked habang papasok ng kusina.
It's past lunch time at katatapos lang naming kumain pero nauuhaw ako kaya kukuha akong malamig na tubig.
"I did!" She said. "I told her we will be there tonight at dinner."
"Alright." Masigla nitong sigaw maya maya tila nabuhayan ng loob.
Matapos uminom ay hinugasan ko ang baso at ibinalik sa lalagyan. Bumalik na ako sa living room dahil mukhang may naiisip na namang gawin ang best friend ko.
"Ano yun? May iba ka bang naiisip bukod sa gagawin nating pagbisita sa Mommy mo?" Nakakunot ang noong titig ko dito.
"Why won't we go on a bar and relax after we visit Mom?" She suggested at alam mo yung tuwang tuwa na lumiwanag pa ang maamo nitong mukha. "Well, it's weekend and I miss partying."
Mababakas sa itsura nito ang excitement. Well, we used to go on bars before pero nung naging busy na si Best sa mga projects niya with Nel, sila sila na lang din ang nag a unwind.
"And saan mo naisip pumunta tonight?" Tanong kong sinabayan ang excitement niyang nararamdaman.
"Secret. You will find it later." Sabi pa nito sabay kindat.
Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi nito at sumang-ayon. "Okie fine."
Pagkatapos ay kanya kanya na kami sa paghanda para sa dinner mamaya sa bahay ng Mommy nito. It's the last friday of the month at araw ng pagbisita ni Best sa Mommy nitong si Tita Marie, ang may-ari ng M & Y clothing. Sa North Subdivision nakatira ang Mommy nito. Malapit lang ito sa CMC na pinagtatrabahuan ko.
Sakay ng kotse ni best, ipinagdrive kami ng driver nito. Well, hindi naman sa hindi marunong magdrive si best, actually she has licence, ayaw lang siyang ipagdrive ng mga magulang nito. Minsan na kasi itong nasangkot sa isang aksidente kaya pinagbawalan na itong magdrive. In fact, saksi dito ang peklat niya sa balikat - that hinders her to wear off shoulder or tubal dresses. Pero di na naman siya masyadong halata, kaya din naman itong tapalan ng concealer - in what she always do kapag she requires herself to wear something sexy. Sexy but formal.
Inihatid kami ni Manong Aga sa North Subd. Medyo malayo sila sa main gate pero ayos lang naman. Hindi naman kami maglalakad. Haha
Best often make her visit quick, dinner lang tapos balik na ulit ng Condo or sa HGC building. Okay lang din naman ito sa Mommy niya. Naiintindihan din naman kasi nito ang trabaho ng anak.
We arrived at the Mansion past 5 na ng hapon na yon. Sinalubong kami ni Tita Marie ng yakap at Halik sa pisngi pagkababa pa lang namin sa sasakyan.
Malaki ang bahay na iyon. Malawak ang bulwagan. Dati puro mga tanim ang nandun, ngayon may malawak na itong pool, may front porch, mini fountain at ang garden of fresh flowers ni Tita.
If I could remember, dito non ginanap ang debut ni Best. Kumpleto kaming magbabarkada, nagtatawanan, nagkukulitan. Masaya lang. Kaya lang busy na ang halos lahat sa kanila, hindi na halos kami nagkakakitaan.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...