Chapter 21 - Code Red

72 5 12
                                    

Chapter 21











Lowen

"Lowen, sibat na kami!" Paalam ni Don na kapwa ko second Gen.

Alas singko na ng hapon at kanya kanya ng sibat ang ibang miyembro ng Kalye. Magbabantay na sa kanya kanya nilang pwesto.

Andito ako sa HOBO, sa bahay namin. Hawak ko ngayon ang aking bulinggit at nakikipaglaro.

"Ang gwapo talaga ng anak ko, diba nak? Nagmana kay Papa." Tanong ko sa anak na para bang naiintidihan ang sinasabi ko at kinikiliti.

"Wag mong inuuto ang bata Lowen." Sagot ng pamilyar na boses na nagpa angat ng tingin at napangiti.

"Boss naman!" Ani ko sabay hawak sa batok ng isang kamay.

Bahagya lang itong nangiti at umupo sa tapat ko.

Andito kami sa court. Ang half court ay pinaglalaruan ng ibang miyembro na walang trabaho ngayon at nagpapapawis lang samantalang Ang half court ay may mga mesa at upuan na naka ayos dahil dito kami lagi kumakain ng sabay-sabay, sa lahat ng naiiwan.

"Aga mo Boss ah, walang date?" Tanong ko rito at inilapag sa mesa ang anak. Hinayaan ko itong maglaro ng laruang kotse.

Sinamaan ako ng tingin ng Boss. Hahaha Anong masama sa pagtatanong kong may Date ito?

"Bad mood ka ah, di mo ba nakita si tinitibok ng iyong puso?" Tukso ko dito.

Mas masamang tingin ang ibinigay ng boss sakin, pero umiwas ako ng tingin at ang anak ang inasikaso.

"Naku, nak! Wag kang gagaya sa Ninong Boss mo ha? Edi sana may kalaro ka talaga ngayon!" Bulong ko dun sa anak ko pero alam ko dinig yun ng boss.

"Sarmiento!"

Natawa lang ako ng malakas sa pagtawag ng boss sa apelyido ko. At ang malutong lang nitong 'Tsk' ang sagot sa tawa ko. Ganyan yan kapag wala sa mood. Pwede mong asarin pero kapag seryoso yan - galit yan, hmm, di mo yan nakaka usap ng matino at lumayo ka na. Baka ikaw pa ang pagbuntunan ng galit nito.

Malalaman mong Bad trip ang Boss kapag makikiupo lang yan sa inyo tapos sasagot sa usapan niyo kahit di tanungin. Kapag Good mood, seryoso lang sasagot kung tatanungin. Pag galit, seryoso parin at di makausap. Hmmp, parang wala namang diperensya. Meron ba? Haha

Wala pa atang limang minuto kaming nag-uusap at tumayo na ito. "Saan punta mo Boss? Susunduin mo ba si Ms. K?"

Si Ms. K lang ang natatanging babaeng nagpapangiti ng todo at nagpapatawa sa boss, maliban sa bunsong kapatid nito.

Pero isang boses ang sumagot sa tanong ko na tumawag sa pangalan ng anak ko.

"Luther baby. Namiss ka ni Tita." Masiglang bati ni Ate Lana. Kinuha nito ang pamangkin, niyakap at pinaulanan ng halik.

Si boss naman ay walang paalam ng dumiretso sa kwarto nito. Nakasunod naman ng tingin si Ate Lana at ang kasama nitong babae sa umalis na si Boss.

"Oh, bat umalis yun?" Takang tanong ni ate na ngayon ay karga na ang anak ko.

Nagkibit-balikat lang ako kahit ang totoo ay alam ko kung bakit. Hahaha imba talaga tong si Boss, gwapo!

Mababakas ang pinaghalong inis at pagtataka sa mukha ni Ate samantalang lungkot at paghihinayang naman ang sa kasama nito.

"Hi Lowen!" Bati ng babaeng kasama ni Ate. "Hi baby Luther!" Bati din nito sa anak ko at pinisil sa pisngi

"Hi Emalyn! Napadaan ka?" kawsal na bating-tanong ko rito na sabay ng pagtango.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon