Chapter 4 - Perya

72 4 0
                                    

Chapter 4







Na excite ako bigla dahil pupunta kaming perya.

Yehey!

Huling araw daw kasi ngayon ng pagdiriwang ng Foundation day ng kanilang village, ang Northback Ville. Meron daw mga tiangge at mga kainan dun sa may plaza.

Alas singko na din naman ng hapon kaya medyo maraming tao sa plaza. Plus, last day ngayon kaya medyo trapik ang tao. Meron daw kasing sikat na banda ang magpe-perform sa Stage ng plaza.

Woooowwww talaga.

hahaha na excite ako bigla.

Tapos ayun, lumarga na kami. Yepey!

So, imagine me with this three guys; Christian at my left while Macoy and Lowen at my right. Tapos pa-cool lang ang dating ni Lowen, tahimik si Christian at kami ni Macoy ang maingay. Nagkasundo kami eh.

Ayun, ang ingay sa plaza. Parang mga bubuyog lang yung mga tao, di pa naman masyadong dagsa pero marami pa rin.

Ang daming tiangge ng mga damit, sapatos, laruan pati henna tattoo. Meron ding ganito samin sa tuwing dinaraos ang Araw ng Munisipyo. Nakakamiss talaga.

Umiikot lang kami tapos titingin tingin sa mga paninda. Pero napako yung atensyon ko mga nakasabit na mga key chains with free name.

Naalala ko dati, kasama ang mga kaibigan ko. Bibili kami nito tapos palalagyan namin ng pangalan at tig-iisa kami - sign of our friendship.

Grabe, parang nagningning yung mga mata ko at ang lapad ng ngiti. Abot na nga ata hanggang tenga eh.

"Gusto mo libre kita niyan Marekoy?" Macoy asked happily.

Simula daw ngayon, 'Marekoy' na tawag niya sakin. 'Parekoy' naman tawag ko sa kanya. Nakakahiya nga kasi si Christian lang daw kasi ang pwedeng tumawag sa kanyang parekoy. They're sort of Best friends daw kasi. At ako na rin daw - makiki best friend.

"Talaga?" naghesitate pa ako. Nakakahiya naman, kakakilala ko lang sa kanila pero magpapalibre na agad ako.

Baka sabihin pa nila, User ako. (Not the drugs okay? baka mamaya ma tokhang ako. hahaha - adik?)

"Anong gusto mo?" at pumili ng mga key chains.

Merong mga heart shape, guitars, mga superheroes logo, landmarks sa Pilipinas. Pero isa lang ata ang nagsa-shine bright like a diamond sa mga mata ko that moment. Yung knife-shaped key chain.

"Kutsilyo?" naka ngising si Lowen. "Bah, gusto ko yan. Libre mo Mac huh?"

Kumuha ito ng isa at ibinigay na dun sa artist na maglalagay ng Name. hahaha Tapos si Parekoy galit-galitan dun kay Lowen. Si Lowen naman ngiti-ngiti lang na para bang walang nangyari. Siya pa nga kumuha nung mga napili namin eh.

Walang nagawa yung isa, tapos na eh. haha Pero mura lang naman yun eh.

Sa akin, 'Marekoy' ang tatak. 'Parekoy' naman dun sa dalawa. Si Lowen 'Kalye'. Tinanong ko kung bakit, ngumiti lang siya ng makahulugan. Ano kaya yun?

You know why I chose this knife? Coz it will always remind me of all the things happened today. Nang dahil sa kutsilyo, ang pagkasugat ko sa kutsilyo, I met new friends.

Ang unfair lang talaga, meron silang pinagsabitan nung key chain while me? Eto, hawak kamay.

Wala naman kasi akong nadala kanina pag alis namin sa bahay. Excited tong mga kasama ko eh, mas excited pa sakin. More like kinaladkad ako paalis ng bahay. Kaya kahit wallet or cellphone, wala akong dala.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon